Halo-Halo #6: This Week
ano kaya ang pumasok sa isip ng Oklahoma Thunders at naisipan nilang i-trade si Harden sa Houston. matapos maging core ng batang Oklahoma Thunder at mahulma kasama nina Durant at Westbrooke para maging isang unit na title conterder nai-trade ng Oklahoma si Harden sa Houston. maging ganun pa rin kaya ang tikas ng Thunders ngayong wala na si Harden?
pero madaling naka adjust si James Harden mula sa pagiging sixth man papunta sa pagiging Main man. lahat ng NBA fans ay ginulat ni Harden sa napaka-impressive na performance niya sa houston at kasama si Jeremy Lin hindi malayong maging isa sa mga katatakutang team sa West ang Houston Rockets.
2. The End
nagtapos na ang isa sa paborito kung Manga ang Katekyo Hitman Reborn. ngayon lang uli ako nakaramdam ng parang "emptiness" dahil sa nagtapos ang isang anime/manga huli kung naramdaman to eh nung bata pa ako ng matapos ang BT'x. wala na akong aabangan linggo-linggo na Manga.
3.Time Machine
parang bumalik ang panahon at naging dominante uli ang 2x MVP ng NBA na si Tim Duncan at dahil sa pinakitang tikas ni DUncan nitong nagdaang mga araw ay naiangat niya ang Spurs sa impresibong 4-1 win/loss record ngayong linggo at kung magtutuloy ito malamang na mapurnada ang pangarap ng marami West conference team na makarating sa Finals dahil sa Spurs.
4.Winner
nanalo uli para sa ikalawang Termino si Barack Obama. maraming nagbubunyi sa panalo ni Obama at kung makikita mo ang mga post sa twitter at FB eh puro pag congratualte sa panalo ni Obama ang makikita mo. kahit mga pinoy nakiki-congratulate din sana naman me natutunan tayo sa eleksyon ng US dahil malapit na din ang atin. wag sana tayong patuanod lang at nakiki-ride lang sa uso mag-usisa at makialam gaya ng mga kano sa tuwing darating ang eleksyon sa kanila.
5. So Near yet So Far
- Malapit ng magpasko ramdam mo na sa simoy at lamig ng hangin
- Ayun sa mga Mayan (hindi mangyan) malapit ng magunaw ang mundo
- at kung mapostpone ang end of the world tuloy ang X'mas, New Year, kaliwa't kanang inuman at siyempre B'day ko
- at kung hindi magugunaw ang mundo sa Dec.21 2012 eh tuloy ang eleksyon sa May 10 2013 pipili na naman tayo ng magpapahirap sa atin...tsk..tsk
Comments
Post a Comment