Inside My Head # 13: Aking Kabataan


Ilan lamang to sa mga bagay na naaalala ko at nagpapaalala sa akin ng aking kabataan

1.Comics- nahilig ako sa pangungulekta ng komiks dahil sa tatay ko. madalas niya kasi akong isama sa newstand sa may kanto namin para bumili ng dyaryo at binibilihan nya ako ng mga tagalog komiks noon para daw madali akong matutong magbasa. naalala ko dati na madalas akong magpabili ng Funny Komiks ang komiks kung saan andun sina Eklok, Combatron, Tomas at Kulas, Tinay Pinay at Planet of di ayps. isa pa sa mga favorite ko noon ay ang mga horror komiks. trip na trip ko noong bata pa ako ang mga katatakutang kwento lalo na kung maganda ang pagkakadrawing ng artist.



dahil din sa komiks nahilig ako sa pag dradrawing. naalala ko noon na madalas kung kopyahin ang mga character ng funny komiks.

noong ako ay tumuntong ng elementary ay nauso naman ang mga character ng Marvel Comics dahil sa pag-boom ng hit TV series na X-Men the animated series at naging Hit din noon si Batman ng DC comics dahil sa 2 blockbuster na movie at isang animated series na pinalalabas noon sa Abs-Cbn.
dahil nga uso ang mga character ng DC at Marvel ay naengganyo akong mangolekta ng Marvel at DC comics. X-Men at Wolverine ang pinakapaborito kung Comics noon. may ilan din akong superman at green lantern comics.
sa kasamaang palad hindi ko napag ingatan ang mga komiks ko na medyo pinanghihinayangan ko.

2.NBA cards- 1995 ng mahilig ako sa NBA cards kasabay nito ang pagkahilig ko sa larong basketball. lahat halos kasi ng bata sa lugar namin ay NBA cards ang collection. at dahil bata at sakay sa uso nangolekta din ako ng NBA cards.

 isa sa mga collection ko noon ay ang tinuturing na greatest player of all-time na si Michael Jordan. rare ang mga cards nya dati at pahirapan ang maka tyamba sa mga Packs nito. isa pa sa mga collection kung player noon ay ang mga Idol kung si Charles Barkley at Tim Duncan. masarap mangolekta nito at dahil dito natuto akong mag ipon.

3.Teks- "ilalaga ko yang teks na yan pag hindi mo tinigilan yan!" yan ang madalas na naririnig ko sa nanay ko pag galit sya dahil sa hindi ko pag uwi sa oras. papano ba naman akong makakauwi sa oras eh adik na adik ako sa teks noong bata pa ako. at bukod sa pakikipaglaban ng teks sa ibang bata eh koleksyon ko din siya lalo na yung mga barahang Teks. lahat yata ng klase ng teks ay meron ako mag mula sa mga sikat na anime noon tulad ng Zenki, Ghost fighter, Dragon ball Z, Bt'X, Megaman, pokemon ATBP.

 hanggang sa mga teks na pelikula lahat yan ay naranasan kung ilaban. syempre andiyan din ang mga Teks Terminology tulad ng Tyub, Tya, Ektad, dangkalan, Tira, Pati Pato, panabla, hamig at iba pang hindi ko na maalala.

4.Larong Pambata- ang mga laro noon ay may season. ika nga eh me panahon na uso ang isang laro at ilan sa mga larong pambata noon ay ang tumbang preso, mataya taya,Sipa, agawan base, siyato, taguan, langit lupa, babaran, tom sawyer, touch the ball atbp.

lahat ng yan ang kumukompleto sa hapon namin at isa sa dahilan kung bakit masaya kami umuuwi galing sa iskul kasi nga maglalaro kasama ang mga barkada.


5.Basketball- dahil isa ito sa pinaka accessible na sport dito sa pilipinas dahil halos lahat ng bahay dito ay mga bola ng basketball at halos lahat ng kanto ay may ring hindi mahirap na matuto nito lalo na kung batang pinoy ka.

mga grade 2 ako ng mahilig sa basketball dahil madalas manood ang tatay ko ng PBA dahil sa Ending at na-eelib ako  kina Patrimonio, Paras at Caidic. halos araw araw kami sa court at naglalaro ng basketball noon at lahat ng napanood naming top ten plays of the weeks sa NBA inside stuff ay ginagaya namin. lahat ng magic shot at trick shot nina penny hardaway, michael jordan, grant hill, vergel meneses eh pinipilit namin gawin sa laro.

nakasali din ako sa mga liga at naging varsity din ako ng basketball noong elementary at High school.


6. Wrestling- ito siguro ang era ng wrestling kung saan hindi sila baduy at halos lahat ng tao mapa matanda man o bata ay gustong-gusto.
sino ba naman ang makakalimot sa Hulkamania ni Hulk Hogan. sa energy ni Ultimate Warrior at ang makukulay na damit ni Macho man Randy Savage. isa ma mo pa ang mga sikat na superstars tulad nina Andre the Giant,Rowdy Roddy Piper, Jake the Snake Roberts, Million Dollar man, at the Rockers. hook na hook kami ng tatay ko at utol ko noong bata pa kami dito kasi nga akala namin ay tunay na sports ito at hindi fixed. pinaka aabangan namin palagi ang WWF main event noon kung hindi ako nagkakamali ay saturday ito sa IBC 13. ito yung palabas na nakikipag-wrestling ang mga WWE Superstars sa mga hindi sikat na wrestler.

excited kami noon sa tuwing iaannounce ang pag-ere ng mga Pay-per-View ng WWE tulad ng Survivor series, Summerslam, Royal Rumble at syempre ang grand Daddy ng lahat ang Wrestlemania kasi makikita namin na mag wrestling ang mga sikat na wrestler tulad nina Hulk hogan kalaban ang mga sikat ding wrestler na kontrabida.
nang magdecline ang pagkahilig ng mga tao sa wrestling dahil sa pagkakadiskubre na ito ay peke. paminsan minsan na lamang ako manood pero noong sumikat ang NWO nina Hogan, Nash, at Scott Hall na mga dating wrestler ng WWE at umusbong ang tinaguriang Attitude Era ng WWE ay na-hook na naman kami sa Wrestling.
ilan sa mga paborito ko noon ay sina Mankind, Shawn Michaels, Bret Hart, Stone Cold Steve Austin, the Rock at ang D' Generation X nina Triple H at China.



7. Music-noong kabataan ko ang maituturing na Golden Age of Pinoy Rock dahil na din sa dami ng bandang pinoy na sumikat noong 90's. ilan lamang sa mga ito ay ang Eraserheads, Rivermaya, Parokya atbp.usong uso din ang Grudge music noon dahil kay Kurt Cobain at ang banda niyang Nirvana
. marami ding sumikat na dance craze noong 90's ilan sa mga ito ay ang Macarena, mga kanta ng Aqua (Barbie Girl at Doctor Jones), I saw the Sign,, Boombastik, at marami pang iba.
nauso din noon ang mga Boy Band tulad ng Backstreet boys, Boyzone, N'Sync at Westlife.

naging saksi din ako sa mga panahong nagtatalo-talo ang lahat ng kababaihan kung sino sa Hanson at Moffats ang mas guwapo at mas sikat. lahat halos ng Songhits dati merong segment na para lang sa mga Hanson-fan at Moffats-fans.
Campus Radio ang pinaka sikat na radio station noon kasi lahat ng hip and new ay sila ang nagpapatugtog.malayong malayo sa Bakya radio na usong uso ngayon.
at noong early 2000 ay nag-boom ang mga boyband at teenie booper singers.

naging household names sina Britney Spears, Christina Aguilera, mga bandang A1, 98 degrees at marami pang iba. mid-2000 na nangmawala ang mga boyband na pinalitan naman ng mga rock bands.

8.Movies- Ang mga Movie tulad ng Batman at Batman Returns ang mga Unang movie na napanood ko sa sinehan kasama ang Ermat at Erpat ko.

iconic ang mga movie'ng tulad ng The Ghostbusters, Teenage Mutant Ninja Turtle 1.2 at 3, street fighter the movie, at Terminator 2 sa mga bata noon. naging usap uspan din ng classroom ang mga animated movie ng Disney na tulad ng Alladin, Lion King, Mulan atbp pati na din ang Pokemon First Movie na excite na excite akong mapanood noong bata pa ako at ang unang movie na pinanood ko kasama ang mga barkada ko.

9. Animated series- lahat ng klaseng kartoons o anime yata noon ay napanood ko at sinubaybayan. simula sa Loonie Toons sa RPN 9, hanggang sa mga dramang anime ng ABS-CBN 2 tulad ng Cedie, Princess Sarah, Dog of Flanders (na nakakaiyak dahil namatay sila sa huli), Remi (male version ang gusto ko), ang pina ulit ulit na Julio't Julia, at ang lihim na hardin. pati na ang mga noon time toons ng ABC 5 na Bozo the clown, Tazmania, at bowinkle ay napanood ko noon. idagdag mo pa ang kwelang Tom Sawyer at Huck Finn. wala akong maalalang Cartoons sa GMA  dahil hindi ako nanonood ng sa siyete noon,
isama mo pa ang mga astig na Anime sa hapon tulad ng Bt'X, Rayearth, Akazukin Cha-cha (hindi siya astig pero cute), Peter Pan na Japanese Version, Saber Marionette J, Tenchi Muyo, Samurai X, Card Captor Sakura, Gundam series (kung saan Gundam Wing ang pinakasikat), Zenki, One Piece at Naruto at marami pang Iba.
At pag Friday naman ay puno ng Anime ang Primetime. imbes na Telebasura ang palabas ay mga Anime tulad ng Voltes V, Ghost Fighter, Dragon Ball Z, Lupin, Pokemon, Escaflowne, Fushigi Yuugi, X-Men: TAS, Spider-Man: TAS at Batman: TAS.

kaya naman nakakaadik magbabad sa TV noon kasi sa dami ng palabas na pambata eh wala ng patayan ang TV ninyo.

10. TV programs- nauso noon ang mga Mexican Telenovela dahil sa pag sikat ng Marimar ni Thalia.

kaya naman parang kabuteng nagsulputan sa TV ang mga Mexican Telenovela tulad ng Altagracia, Chabilita, Rosalinda at kung anu ano pa. sila ang mahigpit na kalaban ng mga bata sa Remote Control supremacy dahil madalas na katapat ng mga ito ang mga Anime na paborito ng mga bata noon.
masarap pa manood ng PBA noon kasi napaka intense ng mga rivalry at hindi flashy ang mga laro ng player noon talagang purong basketball. pero pag Mobiline o Pop Cola na ang naglalaban ay asahan mo na tambak ang mga ito sa kalaban nila. Exciting ang laro ng Ginebra, Purefoods, San Miguel, Shell at Alaska lalo na kung sila sila ang magkakalaban. madalas dikitan ang laban.

marami ding Gag Show noon isa na dito ang number 1 paring Bubble Gang. pero bago yun ay nagustuhan muna natin ang Going Banana's, Mix-Nuts at Tropang Trumpo at ang iconic nilang sayaw na "Chicken!". tinapatan naman ng Super-Laffin at Ispup ang sikat na Bubble Gang pero bigo silang mapataob ito sa huli nawala nalang ang mga ito.

panahon din ito ng kasikatan ng mga sitcom. Palibhasa lalaki, Mana-Mana, Ok ka Fairy ko, Home along the Riles at ang paborito kong Abangan ang susunod ng kabanata.







uso din ang mga drama anthology noon tulad ng GMA Telesine, Maalaala mo kaya, magpakailanman, at Maricel Drama Special. maging ang mga sinaunang teleserye na taon ang binibilang bago matapos ay nagsimula din ng mga panahon yun. Mara Clara, Pangako sayo, Esperanza at Mula sa Puso ang mga sikat noon. at kung pagkukumpara ang mga palabas noon sa ngayon di hamak na nag improve ang visual at story telling ng mga palabas ngayon pero merong kakaibang rekado ang mga classic na minsan ay hinahanap mo.

11. Noontime Show- sa Pilipinas lang yata uso ang Noontime Show at dahil ito sa Papularidad ng Eat Bulaga. totoong hindi Eat Bulaga ang Unang Noontime Show sa Pilipinas pero sila na ang inabutan kung palabas at institusyon na sila sa industriya ng mga panahong iyon.
ABS-CBN 2 ko sila unang napanood noong kasikatan ng sarimanok sweepstake. syempre hindi nawalan ng kakumpetensya ang Eat Bulaga isa na dito ang SST o salo-salo together nina Randy Santiago. nang Lumipat sa GMA 7 ang Eat Bulaga ay tinapatan siya ng ibat-ibang programa tulad ng Isang Linggo na po sila, Magandang Tanghali bayan nina Willie Revillame, Randy Santiago at John Estrada na muntik ng mapataob ang EB, Magandang Tanghali Bayan ang saya saya, at Wowowee.
ilan lamang yan sa mga show na naaalala ko noon ako ay bata pa at naging parte ng pananghalian namin.

12.Tokusatsu- sino ba namang bata ang hindi na-hook kina Mask Rider Black, Ultraman, Bio Man, Mask man, Five Man, Jet man at Machine man. mga herong nagpapalit anyo at nakasakay sa isang robot hindi ba super cool yun!




idagdag mo pa ang mga American Tokusatsu tulad ng BeetleBorgs at VR tropper
at siyempre hindi mawawala ang dalawa sa pinakasikat na hero noon ang Grupo ng Power Ranger at ang Tandem ni Anie at Shaider.
At for Sure kung lumaki ka sa panahon ito kabisado mo ang mga tagalog opening song ng mga ito at sinasabayan mo ito tuwing maririnig.

13.Super Robots- Bukod kay Voltes V ay marami pang Mecha anime ang naipalabas sa TV noon ilan dito ang Daimos na nagkaroon ng second wave of Success noong late 90's dahil sa pag sikat ng Anime sa TV.
Andyan din ang Voltron na ipinalabas sa ABS-CBN 2 at kalaunan ay sa RPN 9 isa rin ito sa mga sikat na mecha ng 90's. at syempre ang sikat na sikat na ngayong Transformer na dating animated series na ipinalalabas sa IBC 13 at hindi rin mawawala ang mga hindi gaanong sumikat na Mecha tulad ng Raijin-O at Mazinger Z.

14.Video Games- wala pa noong DOTA at hindi pa masyadong sikat ang PC dahil sa kamahalan at sa pangit ng Graphics, Prince of Persia at Doom lang ang nalalaro namin na sobrang tagal bago mag boot. Family computer ang una kung naabutan mauso medyo palaos na ito noon dahil sa pag dami ng mga Arcade games noon at pagsikat ng SNES. naging laman kami ng mga Arcade shop naka-adikan namin ang mga larong Street Fighter, King of Fighter,Tekken, Marvel Super Heroes at Marvel Vs. Capcom. madalas kaming mag rent ng SNES para maglaro ng Mortal Kombat at iba pang games kalaunan Playstation naman ang madalas naming i-rent 20 pesos isang oras ang rent noon.
nauso din sa tabi-tabi ang mga machine na tinatawag naming "Bidyuhang de-tutot" ang bantot ng pangalan no. ito yung mga Snes, Sega o Playstation na hinuhulugan ng piso at pag naubos na ang oras tutunog ito ng malakas.
noong mag High School ako nauso naman ang PC. sikat noon ang Counter Strike na hindi ko nagustuhan. nahilig ako sa RTS tulad ng Red Alert 2, WarCraft 3 at Empire Earth 2.

15. Chicha- Chocnut, Chewy-choco, Cloud 9, PeeWee, pritos ring, coke 500, Fanta Soda, Cali, Cheese Curls, White Rabbit, Snacku, Pintura, Bazooka Gum, Big Boy, Frutus,pop rice, Tomi Sweet Corn, Ovaltenies, Milo, Yakult, Jelly-Ace, Pretzel, palamig, Ice Crumble
at marami pang iba at kung hindi mo natikman to malamang hindi ka naging bata o kaya eh anak mayaman ka..hehehe

XXX- ilan pa sa mga kina-adikan ko noong bata ako ay ang Super Mario, G.I Joe, He-Man, G-Force, Are you Afraid of the Dark, BayWatch, the Simpsons, Holen, Mga Peryahan tuwing piyesta, Roller blades
mga children show na Batibot, Hirayamanawari, Bayani, Atibapa, 5 and up, Chikiting Patrol, at Ang TV.
mga larong tulad ng Gagamba at Salagubang. mga gamit tulad ng Rewinder, Betamax, VHS at VCD at mga porma Gwapings (yung naka 3/4 pero tela na makulay parang purontong ni Dolphy).


Enhanced by Zemanta

Comments

Popular Posts