Rebyu...Rebyu! #7: Breaking Bad


here is my review of the latest and Hippiest Movie, TV shows, books, comics or album

 Breaking Bad
Breaking_Bad_Title_Card_.png (1440×810)
Katatapos ko lang panoorin ang limang season ng breaking bad at kung meron mang season six na susunod ay aabangan ko. story ito ng isang chemist teacher na masasabi nating loser buong buhay niya na nadiagnose ng cancer sa baga. 
 
Simula noon ay nagbago na ang pananaw niya sa buhay at upang makapag provide ng magandang buhay sa kaniyang pamilya sa oras na siya ay mawala kaya naman naisipan niyang magluto ng Meth o shabu dito sa atin. kasama ang kanyang dating student na si Jessie pinkman naging para roller coaster ride ang buhay nila dahil sa shabu.

Fave Character
Pinaka gusto kong karakter sa palabas ay si Walter White. Na fascinate ako sa istorya ng karakter niya. Nang dahil sa desperasyon at kawalang pag asa ay nailabas niya ang kanyang tunay na pagkatao at ito ay sa alter ego niyang si Heisenberg.
 Isa siyang rutless, cunning at ganid ngunit meron siyang malambot na puso sa kanyang pamilya.

Fave Moment
Season four ang para sa akin ay pinaka definitive season ng breaking bad. Naging kompleto ang karakter development ni Walter.naging kompleto ang transformation ng kanyang karakter mula sa isang loser tungo sa isang walang pusong criminal na gagawin ang lahat masunod lamang ang kanyang gusto.
 

Interesting din ang build up ng tension sa pagitan ni Gustavo at Walter na naging dahilan ng pag gawa ni walter ng isang brilliant plan upang idispatcha si Gustavo.

My take
8/10-  Maganda at interesting ang istorya. May ibang parte na parang boring pero mapagtitiisan na rin.
 tumblr_mdv3wwr4em1rgwz3bo1_500.png (500×313)
kung mahilig ka sa series na may magandang istorya malamang magustuhan mo ito.

Comments

  1. Blogging is the new poetry. I find it wonderful and amazing in many ways.

    ReplyDelete
  2. I am extremely impressed along with your writing abilities, Thanks for this great share.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts