Inside My Head # 20: Sari-Sari Store


Featured Article about everything that might stimulate my brain into typing something

Sari-Sari Store

Sari-Sari Store
isa ang sari-sari store sa mga bagay na masasabi nating kakabit ng kultura nating mga pinoy. para sa marami ito ang takbuhan sa mga patinge-tingeng pangangailangan. kung kailangan mo ng mga bagay pero wala kang time pumunta sa grocery ay ang lokal ng Sari-Sari Store ang maasahan natin. madalas pa nga ay nauutangan natin ito at kung hindi ka makabayad ay tatambad sa iyo ang mahabang listahan ng utang mo. malaking parte din ng kabataan ng mga kahenerasyon ko ang sari-sari store dahil para sa batang tulad ko maituturing na naming sanctuary ang lugar na ito dahil sa mga bagay na matatagpuan dito.
Paninda

Kumpara noon ang Sari-Sari store ay hitik ng mga paninda na makukulay at nakaka-attract lalong lalo na sa kabataan. bukod kasi sa Sardinas, Corn Beef at iba pang De Lata at marami ding nakasabit na paninda na kaaya aya sa mga kabataan tulad na lamang ng Laruang Goma na maituturing na poor's man Action Figure.

may ibat ibang klase ng laruang goma may plastik na hindi nabebend, may jelly yung transparent na pag itinaya mo sa taching ay dalawa ang value at syempre ang Goma na hindi transparent pero na bebend, dalawa din ang value niya sa tayaan ng Taching.
Laruan

kadalasan ang mga laruang goma/plastic ay naka lagay sa isang packing na kadalasan ay may kasamang chichirya o kendi. nauso din noon ang mga binubuong laruan dahil sa power ranger. pagkakabit kabitin mo ito na para bang Gundam Action Figure at tyadaaan meron ka ng Action Figure. isa sa mga paborito kong laruang Goma noon ay ang flat na marvel comics characters kasi sa taching ay pinakamainam na gawing pamato si Colosus dahil sa pagiging flat na flat at kung babalutan mo ito ng tanso at kakabitan ng mga tornelyo ay ultimate pamato na ito sa taching.
Goma/Rubber Bond

Bukod sa mga laruang goma ay makakakita ka rin ng mga garapon na naglalaman ng Trumpo, Sipa, Goma, Garter (panahi at pang ten-twenty ng mga girls), mga hair clip na pambabae,Holen, at mga supot ng bala ng pellet gun. depende kung ano ang uso ay yun ang mabentang tinda sa tindahan. katabi ng mga garapon nito ay mga garapon din ng mga Kendi at Chicklet.
Trumpo/Tops

 andiyan ang bazooka na merong komics sa loob, ang all-time favorite kong Big boy, Cherry Balls na pinakamura sa lahat, pintura na imitation ng isang imported na bubble gum at Yakkie na imitation naman ng Cry baby. Sa mga Kendi naman ay nariyan ang Stork, White rabbit na me version na malambot at matigas, Nuggat,Butter ball, flattops, haw haw, at kung anu ano pa. madalas pa ako manghingi ng baryang dos para lang makabili ng mga ito. naalala ko noong araw na na curious ako kung ano ang lasa ng pinagsamasamang Chicklet. halos hindi ko manguya ang pinagsama-samang bazooka, bigboy, juicy fruit, double mint at cherry balls sa bibig ko. nanakit ang mga panga ko dun sa eksperimentong yun.
Super trump

kung may mga naka-garapon siyempre meron ding mga nakasabit. bukod sa mga bareta ng tide, sunlight o ajax at mga sachet ng shampoo ay makikita mo din ang mga chichirya na paboritong chicha-in ng mga chikiting. makikita mong nakasabit ang isang balut ng Tomi, Sweet Korn, Pompoms, Moby, Peewee, dingdong, knick knacks, Ovaltinies,  Mik-mik, Nips na may dalawang variant ang blue at ang orange na may peanut sa loob, Corn Bits.Lechon manok/baka at kung marami pang iba.
Kisses



Chichirya

kung mapapagawi ang mata mo sa mga shelf ng de-lata ay mapapansin mong may mga naka-stapler o naka tumbtacks na mga junk food tulad ng Richie, Pritos, Chippy, Snacku, Chiz Curls, Oishi, V-cut, Nagaraya, Chiz-it, Clover, Tortillos, Piatos at kung minsan ay Kropek. tiyak ko na food trip ka na pag meron kang sampung piso noon kasi bukod sa mga Chichirya ay may panulak ka na dati. andyan ang Fanta na maraming Variant at Rootbeer ang pinaka-Fave ko, Coke, Royal at Sprite na mas mura at mas marami kaysa sa ngayon, 7-up na kilala dahil sa pido commercial nito, Sarsi, at pepsi at kung may promo sa mga tansan nito ang tindihan din ang palitan natin ng premyong napanalunan.
School Supplies

dahil hindi pa uso ang tindahan ng school supply noon ay majority ng gamit sa eskwelahan ay mabibili mo sa Sari-sari store. mabibili mo ng tinge dito ang mga school supply tulad ng intermediate pad, Yellow pad, coupon bond, sobre, Paste, stationary, lapis at ballpen.

Syempre makikita mo rin nanakasabit sa screen ng tindahan ang mga sticker, Super trumps, Pogs at usong teks ng panahong iyon. nakita mo sa mga screen ng tindahan na ito ang evolution ng teks mula sa malalaking trading card like size nito noong una hanggang sa lumiit na halos kalahati ng trading card at mas lalo pang lumiit at naging kasing laki na lamang ng teks na sequence sa mga latest na pelikula noong araw.
Teks
magmula sa mga imitation na Marvel trading cards na nauso noong early 90's at mga anime teks na nauso naman noong mid 90's at sa D'Best series anime teks din siya na may mga power rating eklabo pa tiyak na hindi mo pinalampas at umubos ka ng maraming barya sa tindahan.
Funny komiks
ang isa pang pinagkaiba ng tindahan ngayon at noon ay ang pagkakaroon nito ng sampayan sa labas at doon nakasabit ang mga komiks na pinaaarkilahan ni manang o manong. nakatabi din dito ang pile ng mga pocket books na tulad ng komiks ay pina-aarkilahan din.
Banana Que

minsan pag hapon ang simpleng sari-sari store ay nagiging tindahan din ng merienda. mga pagkaing tulad ng turon, banana-q, sago, kamote-q at kung anu ano pang pagkain na bagong luto.

kumpleto ang sari-sari store noon at marami sa mga tinda nito ay pambata talaga. pero dahil na rin sa pag usad ng panahon nagbago din ang anyo ng dating masaya at makulay na sari-sari store. bagamat andun pa rin ang panindang pamilyar sa iyo marami sa mga ito ang nawala na. tulad ko nagbago din ang mga nakasabit sa screen ng tindahan. kasabay ng pagtanda ko ay unti unting pagkawala ng mga bagay na naging parte ng aking kabataan.
Enhanced by Zemanta

Comments

  1. Amazing blog and very interesting stuff you got here! I definitely learned a lot from reading through some of your earlier posts as well and decided to drop a comment on this one!

    ReplyDelete
  2. Admin, if not okay please remove!

    Our facebook group “selfless” is spending this month spreading awareness on prostate cancer & research with a custom t-shirt design. Purchase proceeds will go to cancer.org, as listed on the shirt and shirt design.

    www.teespring.com/prostate-cancer-research

    Thanks

    ReplyDelete
  3. Very informative, keep posting such good articles, it really helps to know about things.

    ReplyDelete
  4. Noong bata pa ako tinitingnan ko palage kung anong mga bagong paninda at kapag type ko bibilhin ko. Keep posting!

    ReplyDelete

Post a Comment