Halo-Halo #3: Bad Trip edition


Bad trip kung.........................................

  • nakapila ka at kukuha ka ng NBI tapos nung ikaw na ang next nag cut off...fawcett!
  • ang aga mo pumasok sa iskul/opisina tapos pag dating mo holiday pala...fawcett!
  • lalabas ang paborito mong banda sa isang variety show tapos kalahati ng kanta eh may susulpot at eepal na sintonadong artista (Ehem..Gabby Eigenmann!!)...fawcett!
  • late ka na sa papasukan mo tapos half way sa biyahe mo na trapik ka dahil sa Rally..fawcett!
  • naglalakad ka sa may pasay rotonda at kada tingin mo sa bag mo eh bukas na..fawcett!
  • ang sarap na ng palitan nyo ng mga sweet text messege ng crush mo tapos naubusan ka ng load..fawcett!
  • Tapos magpapalaod ka pero wala ng bukas na tindahan..fawcett!
  • Antagal mo naghintay ng inorder mong pagkain tapos ng i-follow up mo yung order mo eh nakalimutan ng waiter na umorder ka pala...fawcett!
  • nasa malayo kang lugar tapos napigtal yung tsinelas mo at wala kang pambili ng bagong tsinelas...fawcett!
  • sakto lang yung pera mo para pamasahe tapos nag increase na pala yung pamasahe...fawcett!

Comments

Popular Posts