Inside my Head #7: Part 1:The Gamer in me..Super Nintendo Days


Noong panahong wala pang XBOX 360, PSP Vita, Playstation 4, PC, Wii o Iphone merong isang gaming console ang naghari sa loob ng mahigit kumulang isang dekada ito ay ang Super Nintendo o SNES. noong bata pa ako naabutan ko ang Family computer kaso nga lang palaos na ito at hindi na "IN" dahil sa pag dating ng SNES. SNES ang pinaka hottest console nun dahil bukod sa High Tech na ito ng araw ay maari mo pang malaro ang mga Hit Arcade games sa loob ng bahay nyo , tulad ng captain commando, Pacman, Bomberman at syempre ang sikat na sikat noon na Street Fighter 2 at Mortal Kombat series. isa pang advantage ng SNES sa mga karibal nyang console tulad ng Sega mega-drive ay ang pagkakaroon ng napakaraming laro mapa sport, adventure, puzzle, RPG etc. pinaka na enjoy ko noon sa Snes ay ang mga Fighting Games Tulad ng SF, Mortal Kombat, Art of Fighting, Dragon ball at Ghost Fighter pati ang mga Adventure games nilang tulad ng Megaman x, power rangers, aladdin, Megaman at syempre ang favorite ng lahat pati ng tatay ko ang Super Mario World. Nagkaroon ako nito noong panahon na palaos na ito at on the rise ang playstation ni-revolutionize ng PS ang gaming experience noon ng mga tao kaya marami nawili sa PS. pero hindi nagpahuli ang SNES naglabas sila ng mga 3d games at isa na dito ang Hit na Hit na Donkey Kong Country series na kina-adikan ko din. kahit PS na nun ang uso at isa narin ako sa mga nahuhumaling sa mga RPG ng PS madalas pa rin akong naglalaro ng Mario, Megaman, Side pocket, Dragon Ball at Sanrio puzzle game sa mga "Bidyuhan" ito yung mga mala-arcade pero piso ang ihuhulog mo at tutunog at mag auto-reset pagna ubos ang 3 minutes ng piso mo. ngayon naglalaro pa rin ako through Emulator sa PSP at Laptop iba pa din ang saya at although mas visually entertaining at malulupit ang mga bagong laro sa mga High tech na console iba pa din ang feeling ko pag naglalaro ng SNES siguro yun ang tinatawag nilang NOSTALGIA!

Comments

Popular Posts