Inside my Head #8: Part 2:The Gamer in me..Playstation days

Grade 6 ako ng una akong maglaro ng playstation games. ang laro na yun ay ang Monster Rancher 2 kapanahunan ng pagkahumaling ko sa pokemon ng mga panahong iyon kaya siguro nagkaroon ng appeal sa akin ang Monster Rancher 2 dahil siguro sa pagiging "pokemon clone" nito. bagamat unang beses kung maglaro nito madalas ko na rin itong pinapanood sa mga Game shops sa amin pero hindi ko pa sya magustuhan dahil sa puro kanto ang mga charater at para silang kartung pinagtagpi-tagpi. solid SNES pa din ako nun hindi pa bumibitaw pero nagbago ang pananaw ko sa PS1 ng makita ko ang Final Fantasy 8 at chrono cross. dito ako nagsimulang ma-hook talaga sa PS1 salitan kung nilalaro ko ang Chrono Cross at Monster Rancher 2 at dahil may hang over pa ako ng SNES era paminsan minsan ay naglalaro ako ng mga fighting at adventure games tulad ng Tekken 3,Megaman x 4, X-men vs SF, Herc's Adventure, Mortal kombat, Rayman, Spyro at Crash Bandicoot.
Poor kid ako nun kaya nakiki-save lang ako sa Video Shop o sa barkada ko at matagal-tagal din bago ako nakabili ng valuable prize ng kabataan noon ang Memory Card. local lang ang nabili ko nun halagang 150 kumpara sa 500 pesos na orig. dahil dun hindi na ako napigilan sa pagka adik sa PS. dito din ako nagsimulang maglaro ng mga RPG o Role Playing Games. mula sa Final Fantasy Series hanggang sa mga paborito kung Tales of Destiny 2, Front Mission 3, Chrono Cross (na maraming napapangitan), Castlevania:SOTN, Digimon Series, Monster Rancher 2 at ang pinaka huli ay ang alundra 2 na hindi ko na natapos.
Dahil din sa paglalaro ng PS sa Bidyuhan sa amin nakilala ko ang mga kapwa ko adik din sa laro at sa kung anu anu pang kaadikan na naging tropa ko. isang dahilan kaya maituturing kung napakasaya ng kabataan ko ay dahil sa pakikihalubilo sa mga kapwa mo bata mga bagay na hindi mo mararanasan kung may sarili kang PS sa bahay at mag isa ka lang naglalaro.
Paunahan matapos, minsan ay pauntian ng playing time, paramihan ng item, Palayuan,palakasan ng character, pataasan ng level at paramihan ng gold yan ang madalas na maririnig mong pustahan o kumpetensya sa pagitan ng mga gamer at kung certified Shop boys ka makakarelate ka sa mga term na yan at for sure na-experience mong makipag-yabangan in a friendly way. bukod sa paglalaro ng PS ay maghapong kantiwayan, pakikipag asaran at tawanan ang ginagawa namin sa shop.
malungkot man pero minsan kailangan mo ding tumanda at matutong mag handle ng responsibilidad. Alundra ang huling game na nilaro ko nun kinailangan kong tumigil sa pag-tambay sa bidyuhan at mag focus at seryosohin ang pag aaral ko. graduating na kasi ako nun sa High school at nag a-aim ako ng matataas na marka para makapasok sa State university. kahit na marami pa sana akong pwedeng matapos at for sure tuloy ang ligaya namin mas pinili ko ang mag seryoso sa pag aaral para na rin sa future ko.
Ngayon paminsan minsan ay naglalaro ako ng PS1 games pero ika nga eh pasundot sundot nalang hindi na tulad ng dati na babad sa paglalaro.sabi nila nagsayang lang ako ng oras sa pag tambay sa bidyuhan pero hindi ko ipagpapalit at hindi ko pinagsisisihan ang mga araw na nahumaling ako sa Playstation dahil ang pagkakaroon ko ng masayang kabataan kasama ang ibang bata ay treasured memory ko ng maituturing.

Comments

Popular Posts