Inside my Head #6: Super Teams!


Los Angeles ang "talk of the town" ngayon dahil sa pagkuha nila sa dalawang pinakamagaling na player sa NBA. Sina Steve Nash isang Former MVP at kilalang matinik na Point Guard at si Dwight Howard na isa sa mga kinokonsiderang pinakamalakas na pwersa sa ilalim ala Shaq O'Neal. Dahil dito madadagdagan ang dating ng malupit na line up ng Lakers. Makakasama ni Nash at Howard sina Kobe, Meta at Pau at isa sila sa paboritong manalo ng Championship ngayong taon na ito. nag wika pa si Meta world Peace (Ron Artest) na ang Goal nila ay 73-9 win-loss record sa elimination round bagay na hindi nila malayong ma-achieve kung magkakaroon sila ng Chemistry.

kaya naman nung mabasa ko ang isang article about super teams na binuo ngayon ng lakers ay nainspired akong mag lista ng sa tingin ko ay pinakamalulupit at astig na Duo, Big Three, Super Team o mega teams ever assembled in the court.

90-93 Chicago Bulls
isa sa pinaka astig na line up sa history ng NBA na minanduhan ni Coach Phil Jackson. although hindi pa all-star material si Pippen nung panahon na ito at si Michael Jordan lang ang kinokunsiderang Star ng team hindi maikakaila na Super Team ang Bulls na ito dahil bukod sa Jordan-Pippen tandem na both prolific Scorer and defender nariyan din si Horace Grant, Bj Armstrong at Bill Cartwright na maaasahan sa parehong opensa at depensa. idagdag mo pa ang talented bench/backups nila. ang ebidensya ng kanilang kahusayan at ka-astigan ay ang Three Peat nila mula 91 hanggng 93. memorable ang 93 NBA finals sa akin dahil ito ang unang NBA finals na napanood ko. Bulls at Suns ang magkalaban nun at naging idol ko si Jordan at si Barkley dahil dito.

96-98 Chicago Bulls
Pippen, Rodman, Kukoc, Kerr, Harper at Jordan plus talented bench equals 2nd three peat. ito na siguro ang maico-consider kung Super Team talaga. bukod sa sila ang may hawak ng rekord ng may pinakamaraming panalong team noong 1996 naulit uli nila ang 3-peat matapos ang dalawang taon na wala si Jordan sa Team. dito rin naging mainit ang banggaan ng Jazz at Bulls sa dalawang magkasunod na Finals (97 and 98).after ng 2nd 3-peat nadisband ang Bulls naretire si Jordan (Ehem!), Lumipat sa Houston si Pippen at napadpad naman sa LA si Rodman at Jackson

03-04 L.A Lakers
Gary Payton, Karl Malone, Shaquille O'Neal, at Kobe Bryant saan ka pa! ito ang unang beses na nakita kung nag-umpukan sa isang team ang mga superstars ng NBA. paborito rin silang manalo ng Championship ng taong iyon kaso na-upset sila ng underdog na Detroit Piston sa Finals.

03-04 and 04-05 Detroit Piston
it compose ng mga Talented player na either hindi nabigyan ng tamang role sa dati nilang team o kaya ay bit role players sa dating team. pero ng mabuo ang team na ito walang nag isip na super team sila o kaya ay makakatuntong sa finals pero nagulat ang lahat ng talunin nila ang Nets sa semis, maging East Champs ng lagpasan ang Indiana at eventually maging Champion at talunin ang paboritong Lakers. simula noon naging household name at all-star na ang mga dating back-up na sina Ben & Rasheed wallace, Rip hamilton, Chuncey Bill-ups at Prince ito din ang unang Championship crown ng coach nilang si Larry Brown. bagamat nakarating uli sila finals noong 2005 at nadagdagan ang pwersa nila dahil kay Mcdyess tinalo sila sa Spurs at nabigong idepensa ang titulo.

97-99 Houston Rockets
Clyde Drexler & Hakeem Olajuwon both won a championship together noong 1995. pero dahil sa pagbabalik ni Jordan at paglakas ng mga kakumpetensya nila sa West Conference humina ang Rockets at naging stepping stone nalang ng mga Teams sa West. kaya kinuha nila si Charles Barkley sa Suns at nabuo ang Houston version ng Big three. isa sila sa kino-consider na contender ng taong iyon pero natalo sila ng Jazz. nang mag retire si drexler ay kinuha nila mula sa Bulls ang isa nitong Superstar na si Scottie Pippen naging big three uli ang Houston kaso ayun sa nabasa ko wala silang chemistry kaya kahit maganda ang record ni papuntang Playoff eh agad din silang nawalis ng Lakers

Duncan Era San Antonio Spurs
Simula ng pumasok sa NBA itong si Tim Duncan ay naging dominant force na sya ng liga kada taon ang Spurs ang isa sa Pinakamalakas na koponan mula 1999 up until now kaya naman ang Duncan-Led spurs ay maikukunsiderang Super Team. mag mula sa 2 unang Crown nila kung saan kasama niya ang mga beteranong Spurs na sina David Robinson, Sean Elliot, Avery Johnson hanggang sa latest 2 crown at hiranging dynasty kung saan kasama niya sa Big-3 si Parker at Manu naging focal point ng lakas ng Spurs si Duncan na nagdala sa kanila ng 4 na titulo sa isang dekada. nananatiling Dominant force ng NBA pero malamang na hindi na ito mag tagal dahil na rin sa Edad at injuries ng mga Key Player kabilang na ang haligi ng SPurs na si Duncan

82-83 Philadelpia 76ers
napanood ko to dati sa NBA classic ba yun. nakita kung nag champion ang sixer ng i-sweep nila ang Lakers sa Finals. na curious at nag-search ako about dun. nalaman ko na isa ring Super Team and 82-83 Sixers na kinabibilangan ng mga player bukod kay Julius "Dr.J" Erving na malamang hindi mo kilala at naririnig ang pangalan sa tanang-buhay ito ay sina moses malone (na hindi kamag-anak ni Karl Malone), Toney, Cheeks at Jones. kilala ang team na ito dahil sa "FO-FI-FO" run nila kung saan nakapagtala sila ng rekord na 12-1 sa buong playoffs.

2010-2012 Miami Heat
Nang Umalis si LBJ sa Cavs at sumama kina Bosh at wade para bumuo Miami Heat na magiging Championship contenter marami ang nagulat sa lakas ng Miami big 3 maraming tao din ang nag-predict na mananalo sila ng titulo nga lang siguro mas maraming na nanalangin na matalo sila sa dallas kaya yun natalo sila at nag antay pa sila ng isa pang taon bago manalo ng una nilang titulo na magkakasama.

Showtime Los Angeles Lakers
Magic Johnson, James Worthy at Kareem Abdul-Jabar isa sa mga astiging Players ng kanilang Era ay nagsama sama sa Lakers sa loob ng 10 taon. kasama ang swabeng coach nila na si Pat Reilly nakarating sila sa Finals ng 8 beses at nanalo ng 5 titulo sa loob ng isang Dekada (79-89)

Bird Era Boston Celtics
ang karibal ng Showtime lakers noong 80's at isa sa mga sikat na rivalry noon. ang celtic na ito ay pinamumunuan ni Larry bird kasama sina Vinnie Johnson, Parish, Ainge, Mchale nakarating ang Celtics sa 5 NBA Finals at nanalo ng 3 titulo.

2008-2010 Boston Celtics
the Boston three party ito ang bansag sa kanila ng media at ang pasimuno sa opinion ko ng super teams formation na nangyayari ngayon sa NBA. binubuo nina Paul Pierce, Kevin Garnett at Ray Allen ang team na nag hatid sa kanila ng 1 titulo at 2 trip sa NBA Finals.

Notable Mention:
Boston Celtic-Dynasty Era
Golden State Warriors- RUN T-M-C
LA Lakers- 2000's domination
Orlando Magic- 1992-1996 (O'Neal, Penny, Grant & Anderson)
Detroit Piston- Bad Boys Era

Comments

Popular Posts