Inside my Head # 9 :Typical Saturday during the 90's

Saturday na naman naaalala ko tuloy noong bata pa ako tuwing saturday madalas akong nakababad sa TV kasi nga naman Diyeta ako sa TV pag Weekdays dahil may pasok  ako kaya binabawi ko ang lahat ng araw nawala sa akin sa pagbababad sa harap ng TV. At dahil saturday naisipan ko tuloy mag sulat kung anu ba ang tipikal na ginawa ng isang batang tulad ko noong 90's sa pinakamasayang araw para sa mga bata ang binansagan kung Childrens day o Saturday.

Morning
Dahil walang pasok medyo late na akong magising noon mga 7 or 8 am na ako kung magising noon. ok lang naman sa mga parents namin kasi wala naman pasok at pag gising na pag gising ko pa lang ay TV na agad ang aatupagin ko. mga 8 nagsisimula ang mga palabas na Cartoons sa channel 2,7 at 9 (nabuhay pa noon). meron din naman mas maagang mag start na magpalabas ng cartoons tulad ng RJ TV 29 at Channel 21 ang mga cartoon nila noon eh mga lumang hanna-barbera cartoons tulad ng Globe-trotters, Hulk, Fantastic 4, wacky racer, mithor, Lone star, Moby Dick at ang fave ko yung "Harvest Moon" segment lang sya dun sa isang collection ng Random technicolor-ish short cartoons. tungkol yun sa mga hayop na inaabangan ang pag dating ng anihan at nang dumating yun eh sila ang naghaharvest ng mga panananim. dahil dun na inspire ako noon na magtanim ng mga gulay sa bakuran namin.
kadalasan Teaser o appetiser ko lang ang old cartoons na pinalalabas ng RJ TV noon ang talagang main course eh yung mga cartoons ng Channel 2 at minsan sa 7. kung hindi Teenage Mutant Ninja Turtle, Men In Black TAS(the animated series), Kumanji, Ultraman, Batman TAS,Godzilla TAS, Mr.Bogus, Super Mario Show, Conan the Barbarian at marami pang iba. Sa 7 naman eh Timun and Pumbaa series lang ang trip ko ang spin off ng Hit movie noon na Lion King. Trip ko yung kanta nila eto yung link for sure naalala nyo to
 http://www.youtube.com/watch?v=sjOmB2lPe0M
bukod dun eh chip and Dale rescue ranger nalang ang iba ko pang gusto the rest hindi ko gusto kasi mostly disney animated series ang nag dodominate ng Saturday morning ng 7 noon at hindi ko trip ang Disney series noon.
Ang RPN 9 naman noon eh puro loony toons ang palabas maganda sya kaso umay na ako dun buong weekdays palabas na nila yun kaya pag saturday wala munang Bugs Bunny.

Noon
Masarap ang tanghalian basta merong Coke 1.5 Liter, Eat Bulaga at syempre pagkain. yan ang tipikal na tanghalian ng mga pinoy noong 90's at nakatutuk na kami sa Eat Bulaga nyan kasi tuwing sabado ang Grand Finals ng mga pacontest nila tulad ng That's My Boy, Little Miss Philippines, Mr.Pogi at marami pang iba kanya kanya na kami sa pag pili ng mga Bet naming manalo. Kung wala namang Grand Finals tiyak big star ang mga Guest nila na ikinatutuwa naman ng ermat ko noong araw.

Afternoon
Tulog pag hapon kundi palo hehehe..pero pag gising ko eh manonood naman ako ng UAAP sa PTV 4 pa noon kasagsagan ng pagdomina ng UST tigers noong mga panahon na yun at pag tapos nun lipat ko ng channel 27 ang dating UHF channel ng GMA 7 kasi NBA inside stuff naman ang palabas 27 pa ang NBA noon kaya sa 27 rin ang Inside Stuff. meron ding ilang tokusatsu na pinalalabas pero wala na akong panahon dun kasi lalabas na ako ng bahay.
Sa labas una kung gagawin eh makipag basketball. kaadikan ko sa basketball noon ikaw ba naman lumaki during Jordan at Patrimonio ewan ko lang kung hindi ka mahilig sa basketball.pagtapos noon eh makikipag laro na ako kung anu ang uso ng panahon na iyon sa mga kalaro ko. kung Teks, Holen, o Pog game ako dyan.

Evening
Pag-uwi sa bahay nag didilig ako ng mga tanim kung gulay noon at pagkapahinga ay mag-lalaro kami ng SNES ng erpat at utol ko with matching pizza o burger on the side. matatapos na kami nun siguro mga 9 pm na. manonood na kami ng TV nun aantabayanan na namin ang Tropang Trumpo sa ABC 5. pag tapos nun eh tulugan.




Comments

Popular Posts