Rebyu..Rebyu! #2: Wasak ang show na nagpapasaya sa mga bayaw


Wasak ang title na pinakabagong rason kung bakit nanonood uli ako ng local program sa telebisyon. hosted by Lourd De Veyra kilalang member ng bandang Radio Active Sago Project, Weather man ng channel 5 at segment host ng Hit na hit na "Word of the Lourd" kasama nya dito si Jun Sabayton ang taong hindi mo malaman kung matatawa ka sa poot o hahagalpak ka sa galit sa tuwing makikita mo at maririnig mong magsalita (joke lang). Actually entertaining silang mag duo nakakaaliw panoorin para kalang nasa tambayan at nakikipag usap sa mga barkada o kainuman mo at ang mga guest nila game din sa mga interview at anung mang seryoso ng guest nila lumabas din ang pagkakalog at nagiging parang comfortable sila magkwento o sumagot sa bawat bato ng tanong. isa sa mga dahilan kung bakit ko nagustuhan ang palabas na ito ay napaka-sponteneous ng mga interview nila hindi sila natatakot magtanong ng mga unconventional question at hindi sila namimili ng itatanong kahit medyo personal tinatanong pa rin nila at ang nakakagulat ay game naman sumagot ang mga guest nila dito. kwela rin ang mga segment nilang tulad ng kalusugang pang-bayaw, tamang tomo, Pulutang wasak espesyal (PWE), at pinaka favorite ko ang Bet ni Bart. kaya kung totoong Bayaw ka at sawang sawa ka na sa mga Koreanovela, Telenovela at kung anu anu pang-KA$%^&HAN sa telebisyon eh eto na ang palabas na bagay sayo WASAK sa Aksyon TV 41 mapapanood. (eto yung ng mga previous episode nila na available sa youtube)

http://www.youtube.com/playlist?list=PLB65A90A38DF69217&feature=plcp

Comments

Popular Posts