Rebyu...Rebyu! #3: Manga week: Naruto at Katekyo Hitman Reboorn


nakakawili na magbasa ng manga ngayon lalo na ang big 3 ko pag dating sa manga ang Naruto, Hitman at Fairy Tail. nagbabasa rin ako ng bleach at ang sikat na sikat na one piece kaso hindi ko pa sila maarok (lalim ng term) at magustuhan kaya mag bigay muna ako ng mala-"review" sa mga favorite kung manga at isa pa mas cleaner at mas madaling basahin ang panel ng naunang tatlo kaysa sa Bleach at One Piece sa aking opinyon kaya mas trip ko ang yung tatlo.
una ay ang Naruto Shipudden #603 nagpapatuloy pa rin ang backstory kung papano nabuhay si obito noong kasagsagan ng 3rd Ninja World War. alam na nating niligtas sya ni Madara at interesting na ang mga panel ng naruto this week dahil lumabas na si Zetsu at isa pang Mala-Zetsung character.hindi na ako masyadong magdedetalye pero nagfocus ang panel ng Naruto ngayon sa pagpapaliwanag sa kung anu talaga ang plano at saloobin ni Madara. pinakita rin dito ang simula ng barkadahan ni Obito at ni Zetsu.napaisip lang ako mala-gringo honasan pala ang story nitong si Madara bakit kanyo eh ayun sa kanya gusto nya lang magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa mundo kaya nya ginagawa ang mga bagay na yun at dahil dito na isipan nyang ang "eyes of the moon" project kung saan lilipulin nila ang mundo at bubuo ng bago at mas maayos na mundo. ika nga eh "Good intention wrong execution" ang drama ni Madara ala- Honasan nga.
Second ay ang Katekyo Hitman Reborn #403 last week ay binaril ni Reborn (Adult Form) ng special bullet..ang Ultimate Dying Will si tsuna upang maka-sabay sa lakas ni bermuda. nag ala-super saiyan si Tsuna at nawasak ang VG nya para bang bumalik sya sa una nyang Dying Will form kung saan nasisra ang damit nya at boxer lang ang natitira. dahil dito hindi na makasabay sa kanya si Bermuda at overwhelming na ang lakas ni Tsuna against Bermuda.
next week uli sana may time at interest uli akong mag Review ng Manga..hehehe

Comments

Popular Posts