Halo-Halo # 5: Masayang trip sa Undas



  1. Mamasyal/Maggala- oo mag gala ito ang isa sa pinakamasayang trip sa undas pero imbes na sa mall ka pumunta ay sa mga sementeryo mo ayain ang barkada. kung taga paranaque ka andiyan ang Loyola at manila memorial park. kung taga Maynila ka nandyan ang North at Chinese cementery. bukod sa makakapag site-seeing ka pa ng mga tsiks/boylet at mga artista sa mga puntod ng sikat na personalidad na dedo na eh masarap subukan to try mo.
  2. Gumawa ng Bola gamit ang kandila- isa sa klasik na activity tuwing undas kung bata ka pa tiyak masayang trip to pero kung medyo matanda ka na at nag gaganito ka pa malamang mabugbog ka ng mga nitso o puntod na paglalaruan mo ang kandila.
  3. mag overnyt sa sementeryo- madalas namin tong gawin nung mga bata pa kami kasama ang mga barkada ko. nag tatayo kami ng tent sa Memorial tuwing 31 ng hapon at magpapaumaga kami hanggang 1 ng november. 
  4. mag-chill lang sa bahay- kung super stress ka na sa work o school at ito lang ang pagkakataong mag relax eh wag mo na palampasin at mag chill ka nalang sa house. manooud ng movie o i-marathon mo ang season 1 and 2 ng walking dead. nice timing din to kasi lahat sila nasa sementeryo at kaw lang ang nasa bahay pwede ka magsama ng love one mo (ehem) para me kaloving loving ka o kung single ka naman eh ayain mo ang tropa para mag chillax sa house.
  5. Magtirik ng kandila at magdasal sa simbahan-syempre ang pinaka importante sa lahat ang pag aalay ng dasal at kandila sa mga namayapa. kung malayo ang sementeryo nang inyong kamaganak o di kaya eh kulang ang udget para pumunta sa sementeryo ito ang pinakamainam na paraan upang ipag diwang ang Undas.
Enhanced by Zemanta

Comments

Post a Comment

Popular Posts