Halo-Halo #7: walang mai-post


1. Star wars is now part of Disney Empire
kamakailan lang ay binili na rin ng Disney ang isa sa pinaka succesful na Movie franchise sa mundo ang Star wars Franchise kasama na ang lahat ng pag aari ng LucasFilm na tininatag ni George Lucas bilang protesta at pag salungat sa mga naglalakihang Film outfit sa US.
Kasama sa magiging pag-aari ng Disney ay ang Indiana Jones franchise na pinasikat ni Harrison Ford. kasabay ng pagbili i-nanounce din ng Disney ang planong paggawa ng panibagong trilogy ng Star Wars.
matatandaang kamakailan lamang ay binili na rin ng Disney ang comicbook juggernaut na Marvel Comics at Pixar studio.
ang tanong ngayon ay kung ano ang susunod na ma-aaquire ng Disney?

2. Mike Brown fired
kahapon ay pinatalsik ng L.A Lakers ang coach nitong si Mike Brown. matapos ang nakakahiyang 1-4 start sa kabila ng pagkakaroon ng epektibong All-star players ay tuluyan ng sinibak ng Lakers management si Brown at pinalit ang Assistant nito habang naghahanap ng kapalit. naiposte din ng Lakers kahapon ang una nilang panalo ng wala si Brown laban sa Warriors.
wala pang anunsyo pero lumulutang na sina dating Laker Coach Phil Jackson. Jerry Sloan, At Mike Di'Antoni ang napipisil ng Laker Management na ipalit sa pinatalsik na coach na si Mike Brown.
matatandaang pumalya ang Princeton offense na sinubukang i-implement ni Brown sa Laker Team ngayong season at nag resulta ito sa 1-4 na simula ng itinuturing na paboritong magkampeon na LA Lakers.

3.World War Z
magiging pelikula na ang isa sa paborito kung Nobela na isinulat Max Brook ang World War Z na pagbibidahan ni Brad Pitt. kailangan ng paghandaan para mapanood sa Imax sa 2013.

4. Walking Dead???
napanood ko kagabi ang KMJS (kapuso mo jessica soho) at isa sa mga topic nila ay ang Flesh Eating disease na kung tawagin ay necrotizing fasciitis o isang uri ng impekyon na kung saan ay naaagnas ng buhay ang isang tao meron nito. ika nga eh ala- walking dead ang drama ng buhay mo kung meron ka nito. pero seriously nakaka-awa at napaka saklap na magkaroon ng ganitong klaseng sakit.


Enhanced by Zemanta

Comments

  1. Always understand that cut of diamond means the shape and quality.
    It is really step to get something that doesn't only looks magnificent butt that shows tthe girl's individuality.
    You need to make certain that the ring you are buying need tto be certified.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts