Short Story #3: Ang Isla
Ang
Isla
pangalawang araw ko na dito sa islang hindi namin alam kung anung
pangalan at kung nasaang parte ng mundo. tatlong araw na din mula ng bumagsak
ang eroplanong sinasakyan namin at himalang nakaligtas ako kasama ang 14 pang
sakay ng airplane na sana ay papuntang Manila.
naglalakad-lakad ako sa baybayin para humanap ng mga bagay na
inanud sa pampang. sa dikalayuan ay natanaw ko ang isang lalaki na nakahiga sa
dalampasigan agad ko ito pinuntahan. habang papalapit ako ay unti unti kung
nakikita ang lalaki. napabalikwas ako ng tumambad sa akin ang kalunos lunos na
kalagayan ng bangkay niya. may mga sugat siyang tila kinagat o kinain ng
malaking hayop. pinakalma ko lamang ang sarili ko at sinimulan ko ng tignan ang
kanyang bulsa at doon ko nakita ang isa planner na may kasamang ballpen.
makalipas ang ilang oras ay parang kabuteng nagsulputan sa
dalampasigan ang mga parte ng katawan at mga bangkay ng kasama namin nakasakay
sa flight na yun. sa puntong ito ay hindi na kami umaasa na makakakita pa kami
ng survivor bukod sa amin. kasama si Jed Valera na isang Chef sa abroad at
magbabakasyon lang sana sa probinsya niya at ang Amerikanong Negro na si
Sherman Douglas na isa namang turista ay inipon namin ang mga bangkay habang
sina Leonard Chaykin isang Canadian writer at si Sam Millar isa namang Fil-am
na balak mag aral sa pilipinas at ang isa sa mga crew ng Airplane na si Matt
Rivera ang naghuhukay gamit ang mga improvise na bagay ng paglilibingan ng mga
bangkay. matapos mailagay sa hukay ang mga bangkay ay nagpresinta ang kababayan
kong Filipina na si Nancy Lopena para mag alay ng dasal at nagbigay naman ng
Eulogy si Leonard sa mga namayapa.
nakakalungkot ang inabot naming trahedya pero mabuti ng nakaligtas
kami kaysa isa sa mga ibinabaon namin. atleast may tyansa pa kaming makaalis
dito sa Isla pero kung kailan ay hindi namin alam.
nang matapos ang libing ay naghanda na nang makakain ang mag
asawang matanda na si Lola Genia at Lolo Ben Reyes na galing LA para
magbakasyon ng mangyari tong trahedya na to. mabuti at magkasama silang
nabuhay. hindi katulad ni Benjie Lim isa ding OFW katulad ko na nakitang
lagus-lagus ang katawan ng kanyang mag-ina. masaklap din ang sinapit ng Lourdes
Fajardo isang Fil-am dahil hanggang ngayon ay hindi nya pa nakikita ang kanyang
Mama at Papa. marami kwento dito sa isla at lahat ay hindi pa rin makapaniwala
na wala na ang kanilang mahal sa buhay dahil sa trahedya. mabuti na lamang ako
wala akong kasama at matagal na rin naman akong hiwalay sa asawa mag buhat ng
mag-abroad ako bilang Nurse ay nagkalabuan na kami ng Misis ko na isa namang
abogada. wala na akong balita sa kanya at ang mga magulang ko ay matagal ng
patay at wala din kaming naging anak.
nang matapos ang pagkain ay isa-isa ng humahanap ng pwesto para
matulog pero hindi ka makakatulog dahil binabasag ng lungkot at pag-aalala ang
tahimik na gabi sa isla. maya maya pa ay mariring mo ang mga iyak at hikbi ng
mga kasama ko. minsan hindi mo rin mapipigilang mapaluha at tulad nila
nagtatanong rin ako sa sarili ko kung bakit sa amin nangyari to.
nagising kami sa kalagitnaan ng madaling araw dahil sa malakas na hiyaw
ng tila napakalaking hayop. umaalingawngaw sa buong isla ang tunog na iyon.
nakakapangilabot at lahat ay nabahala. maraming naging sapantahan kung anung
klaseng hayop ang narinig namin. ang iba ay nagsasabi na isang uri daw ng ibon
ang may gawa noon. ang iba naman ay nangangamba na baka may malalaking hayop na
kumakain ng laman ng tao sa isla at ang iba naman ay nagiisip na marahil
na-aatract ang mga mababangis na hayop dahil sa nagkalat na bangkay sa
dalampasigan.
dahil sa dun mabilis kaming kumilos at naghanap ng mga bangkay at
ilibing upang hindi ma-attract ang mga hayop papunta sa pampang kung saan doon
kami naka-base. isa isa ay nilibot namin ang isla at inilibing ang mga bangkay
na nagkalat. kinahapunan ay bumalik kami ng base namin at nagpahinga.
habang kumakain kami ay napansin ng isang Intsik na si Ming Lao na
nawawala 4 na kasama niyang Intsik. 2 doon ay pinsan niya at ang 2 naman ay mga
asawa nito. napangiti lang kami dahil bukod sa nakakatawa ang balu-baluktot
niyang English eh alam na naming naghanap lang ng "Private time" ang
mga yun upang maglabas ng "Sama ng loob" sa isat-isat.
hindi pa kami nakakatapos kumain ay isang malakas na sigaw ng tao
ang aming narinig. tila boses ni Ming Lao na humihingi ng saklolo kasunod noon
ay narinig na naman namin ang misteryosong tunog na galing sa hinihinala naming
mabangis na hayop. dali- dali kaming pumunta ng mga lalaki dala ang sulo sa
pinanggagalingan ng boses ni Ming Lao at sa hindi kalayuan sa gitna ng maraming
puno ng buko ay nakita namin ang naghihingalong si Ming na hati ang katawan
mula sa baywang. kita mo ang mga laman loob niya at saka nalagutan ng hininga.
dahil sa takot at pangamba sa buhay namin ay mabilis kaming bumalik sa pampang at
pinasya nalamang na ipagpabukas paglilibing kay Ming at paghahanap sa mga
intsik.
hindi ako nakatulog dahil isa ako sa nagbabantay at halatang hindi
rin nakatulog ang iba dahil sa pangamba. sa gitna ng gabi ay makailang ulit naming
narinig ang misteryosong tunog na iyun na lalong nagdagdag ng pangamba sa mga
puso namin.
puyat at takot ang namutawi sa grupo. nag pasya kami base na rin
sa suggestion ni Sherman na wag ng maghiwahiwalay at hatiin sa 2 ang grupo. ang
isang grupo ay ang maghahanap sa mga nawawalang intsik at mag iimbestiga sa mga
nangyayari at ang isa naman ay ang maghahanap ng pagkain sa grupo.
kasama ako sa grupo ng mag-iimbestiga at maghahanap sa mga Intsik
na nawawala.
una naming binalikan si Ming at inilagay namin siya sa hukay na
ginawa ni Leonard at Jed at habang binabaybay namin ang masukal na kagubatan ay
may mga bakas ng dugo at parte ng katawan kaming nakikita. sa hindi kalayuan ay
isa-isa naming nakita ang mga bangkay ng mga intsik. ngunit ang kinagulat namin
ay ng makita namin ang bangkay ng babaeng instik malapit sa ilog. kitang-kitang
ng mga mata namin na nilalapa siya ng mga tila maliliit na
"dinosaurs".
nagimbal kami nagtatatakbo si jed pabalik habang
lumalapit si Sherman ng dahan dahan sa bangkay. na-stuck ako hindi ko alam ang
gagawin. gusto kung sumigaw pero binalaan na ako ni Leonard na wag sumigaw.
Dahan dahan din lumapit si leonard upang makita ng malapit ang lumalapa sa babae.
"shit it’s a fucking dinosaur" pabulong na sabi ni Sherman. lalo
akong kinabahan papanong nagkaroon ng dinosaur sa lugar na ito matagal ng
extinct ang mga yan ah.
tuwang tuwang ang dalawang englisero batid nilang malaking pera
ang naghihhintay sa pagkakadiskubre sa mga ito. maya maya pa ay biglang
nagsitakbuhan ang mga maliliit na dinosaurs. kasunod nito tila mabibilis at
mabibigat na yabag. ilang saglit pa ay nagulat kami ng biglang dagitin ng isang
Raptor si Sherman. napasigaw ako sa takot at kumaripas ng takbo. mabilis ang
takbo ko wala akong pakialam. Nang marating ko ang pampang ay kasunod ko si
Leonard na mura ng mura sinabi niyang nadagit din daw ng mga "Raptor"
si Sam. maya maya pa ay lumabas si Matt sa damuhan duguan at wala ang isang
kamay.
agad akong tumakbo sa kanya at tinalian ang putol na kamay upang hindi
magdugo. saglit kaming nagpahinga at maya-maya pa ay lumabas ang mga raptor sa
damuhan. nabigla ako at inisip ko na katapusan ko na. binitiwan ko si Matt na
naghuhumiyaw habang nilalapa ng mga Raptor. wala kaming magawa kailangan namin
iligtas ang sarili namin.
tumakbo kami ng tumakbo sa baybayin hanggang sa makita namin ang
iba pa aming kasamahan. Si Lourdes at si Nancy nalang ang nakikita ko. umiiyak
silang yumakap sa amin. sabi nila ay nangunguha sila ng mga bungang kahoy sa
gubat ng isa-isa silang dinagit ng malalaking Ibon na tila dinosaurs. ikwenento
rin namin sa kanila ang aming nakita sa gubat. lahat kaming apat ay takot na
takot. hindi namin alam ang gagawin. nagpatuloy kami sa pagtakbo ilang saglit
pa ay nakakita kami ng isa Kuweba. nagpasya kaming doon muna magtago.
gutom, takot at pagod ang nararamdaman namin nagyon. tanging init
lamang ng bonfire ang kasama namin. alerto kami. nakakagimbal ang mga huni ng
mga nilalang na ito. papanong mayroon pang mga ganitong hayop sa panahong ito.
yan ang tanong namin sa isat isa. sinubukan naming paganahin ang mga radio,
cellphone at Laptop na nakuha namin noon pero hindi ito gumagana. out of
coverage ang madalas na sagot ng operator. nagkaroon tuloy ng teyorya si
Leonard na malamang daw na nasa purgatoryo na kami o kaya ay nasa mundo kami na
parang yung sa palabas na Lost. sabi nya malamang ay namatay na kami at ito ang
paraiso ng langit. sabi naman ni Nancy malamang ay nasa lugar kami kung saan
nagkakaroon ng time displacement. marami pa silang nabanggit na posibilidad na
nangyari sa amin. pero isa lang ang malinaw sa isip ko kailangan namin makaalis
sa islang ito sa lalong madaling panahon.
isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong isla dali
dali kaming nag-usisa sa labas ng kuweba. nakita namin ang isang malaking usok
sa gitna ng isla at sa di kalayuan ay isang barkong Armada. dito galing ang mga
paputok mula sa kanilang canyon. kitang kita din namin na pinupupug ng mga may
pakpak na dinosaurs ang barko. dinig mo ang mga hiyawan ng mga tao sa loob ng
barko habang nilalapa sila ng mag dinosaurs.
agad kaming pumasok sa kuweba isang Armada ng Espana ang nakita
namin. malamang nga ay tama ang teyorya ni Nancy na nasa isang Time
Displacement kami. ito ang lugar kung saan nag eexist lahat ng bagay sa lahat
ng panahon.
muli akong lumabas at tinignan ang nagyayari sa armada. tahimik na
ito at wala na rin ang mga dinosaurs. napansin kung malapit ito sa pampang.
tinanong ko sila kung marunong silang lumangoy agad naman silang sumagot ng oo.
wala kaming sinayang na panahon. dali dali kaming pumunta sa pampang at sumuong
sa dagat upang makarating sa Barko. Sinabihan ko silang doblehin ang pagiging
alerto at ingat.
nauuna ako sa paglangoy paakyat na ako ng barko ng makita kung
tila nalulunod si Lourdes. gusto ko siyang tulungan pero kailangan naming maka
survive. lalo na't umaaligid aligid ang mga Dinosaurs o pterodactyl sa
barko. sinubukang tulungan ni Nancy at Leonard si Lourdes pero noong lalapit na
sila aysinakmal ito ng isang dinosaurs na maymahabang leeg. mabilis na pumunta
si Nancy at Leonard sa Barko. paakyat na si Leonard ng dagitin naman siya ng
isa Pterodactyl. kitang kita kung nahati sa dalawa ang katawan niya sa ere.
natakot kami ni nancy agad kaming pumasok sa loob ng mga kwarto ng barko.
nakita naming nakaupo ang sugatang kapitan ng barko. hindi ako
marunong ng Kastila kaya hindi ko siya maintindihan ang alam ko lamang ay ang
pangalan niya ito ay Diego Ballesteros. nalilito rin siya kung ano ang nangyari
sa kanya. nagulat siya ng sabihin naming kami ay galing sa Pilipinas. paulit
ulit niyang binigkas ang salitang Indio.
kinakabihan habnag paytuloy sa paglaot ang barko ay binawian ng
buhay ang kapitan.
mayroon na ring siyam na araw ng kami ay mapunta sa barkong ito at
pumalaot sa hindi namin alam na lugar. hindi namin problema ang pagkain dahil
marami ang barkong ito ng pagkain. medyo nakakahinga na rin kami ng maluwang
dahil sa matagal na rin kaming hindi nakakakita ng mga Pterodactyl.
wala kaming ginawa kundi magkwentuhan ni Nancy. ang sabi nya ay
isa siyang Single Mother at teacher siya ng Physic dito sa pilipinas bago niya
naisipan na mag abroad at mamasukan bilang OFW sa Middle East pauwi na sana
siya ng mangyari ang aksidente. sabi niya ay namatay ang asawa niya sa isang
Road accident may ilang buwan na ang nakakalipas. nagpatuloy kami sa kwentuhan
nangmakita namin ang isang bagyong tinatahak ng aming barko. bayolente ang
bagyo nagdasal an alamang kami na wag sanang lumubog ang barko. pumunta kami ni
Nancy sa Sulok at doon ay nagyakap kami.
dalawang araw pang nagpalaot laot ang aming barko ng makakita kami
ng isang isla. mayroong mga bahay at mag daungan. natuwa kami ni Nancy sa wakas
ika namin nakabalik din kami sa realidad. itinuring naming masamang panaginip
lang ang nangyari. kakalimutan namin ang nagyari at magsisimula kaming uli yun
ang sabi namin at pangako namin sa isat isa. ibinaba ko ang angkla matapos ang
ilang minuto ng pag-aaral kung papano ito ibababa. ng tumugil na ang barko ay
isinunod naman naming ibaba ang bangka. sinagwan namin ang dagat papuntang
isla.
pagdating namin sa pampang at iniapak namin ang aming mga paa sa
puti buhangin ay napansin namin walang katao-tao. inisip namin na baka
natatakot lang ang mga tao ng isla dahil sa kami ay dayo.
nilibot namin ang bayan. napakatahimik ng mga kalsada. nakaparada
lamang ang mga sasakyan at tanging mga tinig ng hayop lamang ang maririnig mo.
nagaalala na kami baka isa uli itong bangungot. nakakita ako ng isang simbahan
sa may gawing kaliwa.
agad kaming pumunta doon umaasang baka naroon ang mga tao
ng isla. hindi kami nagkamali napakaraming tao sa Simbahan lahat sila ay
nakaputi. inakala naming may kinakasal lumapit kami sa siumbahan. nagtaka kami
dahil ibat-ibang lahi ng tao ang nasa simbahan mayroon intsik, amerikano,
kastila, hapon at pilipino.
habang naglalakad kami papasok sa simbahan ay
nakatingin sila sa amin at nakangiti ngunit walang binabanggit tila masaya
silang makita kami. sa altar ay may isang lalaking nasa edad 20 o 30 ang
nakatayo sa gitna. biglang napasigaw si Nancy ng malakas ang sabi nya ay
"Rudy". nagtaka at napalingon ako kay nancy. nakita ko siyang yumakap
sa isang lalaki. iyak siya ng iyak habang hinahaplos ang mukha ng lalaki.
"rudy ikaw nga, mahal na mahal kita" sabi ni Nancy pinahiran ng lalaki
ang luha ni Nancy sabay sabing "tama na hindi ka na maghihirap
Nancy".
nagpatuloy ako sa paglakad habang nakatingin sa akin ang lalaki sa
Altar ng biglang agawin ang atensyon ko ng mga salitang "Anak". agad
akong lumingon nakita ko ang aking ina at ama masbumata sila at masmasigla
kaysa sa huli ko silang makita. natutuwa ako at nalilito hindi ko alam ang
nangyayari. tumingin ako sa lalaki sa altar at tumalikod lang siya. niyakap ako
ng aking mga magulang. wala akong mabanggit na salita kundi ang tanong na
"papaano nangyari to?" ang sagot lang nila ay "tapos na ang
paghihirap mo malaya ka na anak".bigla ako napa-pikit at sinabi sa isip ko
na tama ang theory ni Leonard.
Comments
Post a Comment