Short Story #4: "2:05"


"2:05"

narating din ako matapos ang halahating oras ng biyahe mula sa amin hanggang sa Pasay Rotonda. mabilis akong bumaba ng jeep patakbo kong tinahak ang daan papuntang Edsa Station ng LRT. nang maka akyat ako ay agad akong tumingin sa kaliwang bahagi. tinignan ko kung mayroong train na paparating. sa awa ng diyos ay wala akong maaninag na ilaw. ibig sabihin nun wala pang train. hinahabol ko kasi ang first trip ng LRT gusto ko kasing magpa-impress sa bago naming prof kaya kailangan ay maaga pa ako sa ala-sais na naroon.

matapos kong magbayad ng ticket ay nagdahan dahan na ako ng lakad alam kung matagal pa darating ang tren. ikinabit ko ang earphone ko at binuksan ang Ipod shuffle ko.nakakarelax "waking the demon" ng Bullet for My Valentine ang kanta. weird pero mga heavy metal ang trip kong pakinggan sa umaga. una dahil nakakatanggal ito ng antok at pangalawa nagiging focus at determine ako pag nakakarinig ng Rock sa umaga.

tumingin ako sa malaking orasan ng station "5:05" ang nakalagay at sa di kalayuan ay nakikita ko na ang unahan ng tren. naghanda na akong lumapit sa may linya kung saan hihinto ang tren. saglit akong nagmasid sa paligid konti lamang ang tao sa paligid sa tantya ko ay wala pa kaming bente.

huminto ang tren at bumukas ang pintuan.malamig na simoy ang bumungad sa akin at mga bakanteng upuan at mangilan-ngilan na pasahero na naka sandal at umiidlip.
umupo ako sa tapat ng pinto upang mabilis na makalabas kung ako ay bababa na. mabilis akong sumulyap sa ibang mga pasahero. mabilis kung inisa isa ang kanilang mukha. ganun din sila sa akin nakatitig sila sa akin at hindi nila inalis ang kanilang tingin sa akin hanggang hindi ako nakaupo. nang makaupo na ako ay bumalik na sila sa pag-idlip, wala na uling pakialamanan.

tuloy pa din ang tugtog sa aking tainga. dalawang ulit kong pinatugtog ang "Brick by Boring Brick" ng Paramore. pakiramdam ko kasi ay sakto sa mode ng biyahe at pakiramdam ko ang kanta. ang interpretasyon ko sa kantang yun ay umiikot lang sa isang routine ang buhay ko. papasok sa eskuwela, magaaral, at uuwi sa bahay. huminto ang tren sa station ng libertad at doon ko napansin na nagaagaw na ang dilim sa liwanag. bukod sa street lights at mga ilaw sa bahay ay matatanaw mo na sa horizon ang liwanag na unti unting umaagaw sa dilim. tahimik ang loob ng tren at ang sarap namanatili muna dito at magrelax. nagiging comportable na ako sa pag upo sa tren. ilang saglit pa ay nagpalit na ng kanta "I love you always ang forever" ni Donna Lewis ang tumugtog sa Ipod ko. bigla kong naalala ang elementary days ko. yun kasi ang mga araw na pakiramdam ko na walang problema. yun ang panahon na masasabi kong malaya ako, walang pressure at walang hussle.

nakalimang beses ko atang inulit ang kanta. para kasi akong sumakay sa time machine at bumalik ako sa panahon na masaya para sa akin. ng magtapos ang kanta ay hindi ko na inulit sabi ko sa sarili ko sobra na at medyo O.A na. doon ko lang namalayan na paalis na ng Central Station ang tren namin.tumingin ako sa labas medyo maliwanag na at tanaw ko na ang ilog pasig. paparating na kami ng carriedo station ng tumugtog ang sumunod na kanta "missing you" ni John Waite naalala ko tuloy ang girlfriend ko na may tatlong araw ko naring hindi nakikita. namimiss ko na sya at lalo kong namiss ng marinig ko ang kanta. hay sarap ng feeling ng in love at dahil sa kanta naalala ko uli ang pakiramdam na yun.

huminto ang tren sa Carriedo at sa unang pagkakataon eh may sumakay sa cart namin. hindi ko napigilang tumingin sa kanila gaya ng ginagawa ng ibang pasahero. mukhang bagong gising sila kasi namumula ang mata tumingin sila sa akin at nangmakaupo na sila ay inalis ko na ang tingin sa kanila. pumikit uli ako at nagmuni-muni uli para bang sinusulit ko ang kapayapaan ng paligid para magrelax.nang paalis na kami ng istasyon ay tumingin ako sa orasang malaki "5:25" ang nakalagay.

medyo nalibang ako doon hindi ko namalayang bambang na pala. tumayo na ako at hindi sinasadyang mapatingin sa dalwang lalaki na sumakay ng Carriedo. nakatingin din sila sa akin hindi ko ito pinansin inakalang wala lamang. huminto at bumukas ang pinto ng tren. mabilis akong bumaba at habang naglalakad sa kahabaan ng Avenida sa gilid ng mga tindahan ng medical supply ay napansin kung mayroon tao sa likod ko. nagpatuloy pa din ako sa paglakad ng biglang magpalit ng kanta sa Ipod ko "Life Goes On" ni Tupac Shakur sinabi ko sa sarili ko ng una kong marinig to na ito ang kantang gusto ko sa libing ko. nagpatuloy pa ako sa paglalakad kita ko na ang San Lazaro duty na naman. nabigla ako ng may dalawang umakbay sa akin at may matulis na bagay na sumusugat sa likod ko. nagsasalita sila pero hindi ko marinig dahil sa lakas ng earphone ko. lalong humigpit ang kapit at lalo bumabaon ang patalim. nakilala ko ang dalawa sila yung sumakay mula sa Carriedo. putcha mga holdaper pala. hindi pwede to huling pera ko na to at pinahiram lang sa akin ni utol ang Ipod na to. nakipagagawan ako sa kanila at naramdaman ko nalang na may umuunday ng saksak sa tagiliran ko. malamig ang bakal at unti unti humahapdi ang mga tama ko. napaluhod ako at biglang nanlabo ang aking paningin. nang biglang tumakbo ang dalawang holdaper dala ang aking bag at cellphone.

bumibigat na ang aking katawan at humandusay nalang ako sa kalsada. sa ilalim ng street light at kalangitang nagaagaw ang liwanag at dilim doon ako humiga.biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahong masasaya tulad na lamang ng mga panahong kasama ko ang aking mga magulang noong bata pa ako. kung papanong ang mga yakap lamang nila ay sapat na upang mawala ang mga problema at lumbay mo sa buhay ng mga panahon iyon. naalala ko ng una kong makikilala ang girlfriend ko. kung papaano niya ako pahirapan sa panliligaw napangiti na lamang ako habang humahapdi ang aking mga sugat. naalala ko din ang unang beses kung nahalikan ang kanyang mga labi at para ba akong sabik na ayaw tigilan ito.


bigla akong nalungkot at nararamdaman ko ng unti unting lumalamig. nalungkot ako kasi iiwan ko na ang mga taong umaasa at nagmamahal sa akin. mga atong minamahal ko ng buong puso. dahan dahan kung inabot ang ipod at pinindot ang backward. kailangan ko marinig kahit sa huling pagkakataon ang kantang yun. nangmarinig ko ng tumugtug ang linyang "feels like im standing in a timeless dream of light and mist" tumingin lang ako sa langit sa huli pagkakataon habang nakikta ko na parami ng parami ang tao sa paligid ko. pumikit lang ako habang patuloy ang kanta "i love you always forever near or far closer together, everywhere i will be with you".................................

Comments

Popular Posts