Inside My Head # 14: Ganito kami noon...Ito naman Ngayon!

Featured Article about everything that might stimulate my brain into typing something



Ganito kami noon...Ito naman Ngayon!



naalala mo pa ba ang panahon na ang paglabas sa bahay ang isa sa pinaka-importante mong agenda sa loob ng isang araw? yun kasi ang oras na naeexpress mo ang pagiging bata mo. nakikipaglaro at nakikipag-interact ka sa mga kapwa mo bata. Nandyan ang pakikipagpaligsahan sa pamamagitan ng mga laro, yabangan ng mga bago mong laruan, accessories at kung anu-ano pang gamit pambata. Mas simple at masaya ang kabataan noon puro pawis at amoy araw ka nga lang pero masaya.
Kaya ko na isulat ang post na ito ay dahil sa mga napapansin ko ngayon sa mga kabataan. Kakaunti na ang lumalabas para maglaro ng mga larong kalye. Mas madalas na silang nakatambay sa mga aircondition na mga computer shop at doon nag-Dodota, FB, SF at kung anu ano pangmakakalikot mo sa Computer. Bihira na ang nagpapawis at nakikipaglaro sa kapwa bata ng mga pisikal na laro. Nakaharap na lamang sila sa isang monitor at doon nakikipag ugnayan sa kalaro. Kaya naman naisipan ko na balikan ang mga bagay na meron tayong mga batang nagkamalay noong late 90’s hanggang early 2000’s at ikumpara ito sa mga uso ng henerasyong ito.

“Angry Human” pa ang uso
Naalala mo pa  noong ayaw ka bilihan ng tirador dahil nakakasakit daw ng ibang bata? Eh naalala mo ba noong napalo ka kasi imbes na yung ibon ang natirador ay ang naglalabang kapitbahay ninyo ang tinamaan?
Bago pa man maging hit ang “Angry Bird” sa mga Kids ay nauna na ang “Angry Human” ang laro ito ay  kailangan lamang ng tirador. Isang pambala (bato o Hilaw na bunga ng aratilis) at target. Mapapusang gala, asong gala,bobule o kaya pag expert ka ay ibon lahat yan ay target sa isang batang me pagkasadista sa hayop.
Pero ngayon mga ibon na ang naninirador at baboy. Bahay at kung anong pwedeng durugin ang target nila.

Online ka, In ka! 

Ngayon para malamang nariyan ka at kasama ka sa laro ay kailangan mo mag-log in at mag online. Kung walang green light o salitang “Online” sa chat box hindi ka kasali sa interaksyon o sa laro ng mga tropa mo.
Pero dati once na lumabas ka lang ng bahay whether sa legal na paraan (nagpaalam/pinayagan) o sa illegal na paraan (Tumakas) ay maituturing ka ng “online”. Hanapin mo lang kong saan naghahang-out o “server” ng mga tropa mo at sumali o “mag-log in” ka lang sa laro nila ay kasali ka na sa game.

Mag-Farmville ay di biro
Kung ikaw ay isang public school student alam mo na may gardening kayong subject. Kailangan meron kang baon na T-Shirt dahil tiyak madudumihan ka sa gagawin ninyo. Magbubungkal, magtatabas ng damo, magtatanim at magdidilig parang Farmville lang kaya lang ito totoo at ang paghihintay sa “Crop” mo para i-“Harvest” ay umaabot ng linggo at minsan buwan contrary sa Farmville sa FB na oras o araw lang ang hinihintay.

Agawan Base ang DOTA namin
Babaran kung tawagin sa amin ang larong ito pero mas kilala siya sa tawag na Agawan Base. Tulad ng larong DOTA kailangan mo ng Team Work, Skill at Bilis para matalo ang kalaban. Defend your base ang tema ng larong ito paramihan ng mga player na matataya mo at madadala mo sa base.
Tulad ng DOTA bawal ang weak at patalo sagame na ito. Pero ang pinagkaiba nga lang walang pustahan dito dangal lang ng pagiging magaling sa babaran ang nakataya.

New Friend Request
Ngayon nakakatuwang magbukas ng FB lalo na kung nakita mo na ina-Accept na ng Crush mo ang Friend request mo. Pwede ka na ngayon mag “Like” at mag comment sa mga post niya. Pwede mo na rin siya ichat.
Pero dati alam mong nasa –“Circle” ka na ng friends niya pag pinag sulat ka ng crush mo sa “Slum book” nya. Ibig sabihin nun accepted na ang friend request mo at i-“comment” sa tanong na “who is your crush?” at ang initial ng pangalan niya .pwede ka ng makipag-kwentuhan, maki-pagbiruan at kung makahanap ka ng tyempo masasabihan mo na rin siya ng “I like you”.

You got 1 unread message
“Tao po…May Sulat po kayo!” yan ang sigaw ng mamang kartero sa tuwing darating ang sulat ng kamag-anak mong nasa abroad o nasa probinsya. Mail box ang puntahan mo pag nag-aabang ka ng sulat. Pag nakataas ang red na flag ibig sabihin nun meron kang sulat. Pag open mo ng “inbox” mo ay makikita mo dun ang message ng meralco, Nawasa, cable, PLDT, Bayantel o mga ek-ek na promo o “Spam”.

Terminology
Natawa ako sa isang post sa FB sabi sa Post “in the 90’s Apple and Blackberry where just a fruit” tama nga naman. Marami ng terminology na kung naglalage ka sa kuweba ng 20 years malamang na hindi mo na maaarok at ma-coconfuse ka na.
Malamang ang Cookie,Spam, Apple at Blackberry para sa iyo ay pagkain pa rin
Aakalain mong bagong sakit ang Computer Virus
Ang Andriod ay isang bagong pelikula
Ang salitang “Poke” ay bastos
Ang “net” ay gamit ng mangingisda
Ang facebook ay libro
Ang mouse ay isang uri ng rodent
At ang Ipad ay isang brand ng intermediate paper


Post sa wall
Noon ang post sa wall ay literal na sulat sa pader. Sino ba naman ang hindi nag-vandalize ng wall ng banyo, klasrum, pader sa kanto o mismong dingding ng iyong kwarto. Gamit ang pentel pen mag drawing ka ng malaking “Burat” sa wall ng banyo,dahon ng marijuana, Punks not dead, Hip-hop bulok, Metal, pangalan ng crush mo, heart na may naksulat sa loob na J.M loves M.J, pangalan ng kinaiinisan mong teacher tapos may nakakakabit na “Putang INA mo sir/mam!” at marami pang kalokohan.
Dahil sa pagkauso ng Friendster at FB ang pentel pen ay napalitan ng keyboard. Hindi na vandalism kundi testimonial at wall post na ang pumalit.
uso pa din naman ang pag po-“Post”  sa wall ngayon pero puro number ng cellphone na nagsasabing “naghahanap ng pogi 091XXXXXX” at “pogi…nagpapachupa txt me 091XXXXXXXX”. Mas creative na din ngayon dahil sa pagka-uso ng Graffiti.

Bwisit replay na naman

Tiyak ko nabwisit ka din sa mga network noon tulad ng ABS-CBN, RPN, IBC at GMA dahil sa hindi tinatapos ang mga anime o cartoons na ipinalalabas nila. Pagmatatapos na ang anime at mga 10 episode na lang ang natitira ay bigla naman uulitin at babalik sa unang episode ang palabas. Malamang natuto kang magmura dahil dito.
Tiyak naging sikat ka noong bata ka kasi ala mo na ang ending ng usong anime sa TV dahil napanood mo na ang buong series nito sa pinadalang VHS tape ng Auntie mo sa abroad. Dahil sa walng internet noon at TV lang ang source halos lahat kayo ay nag-aabang ng bagong episode. Pero iba ang may kamag-anak sa abroad kadalasan na regalo sa iyo ay VHS box-set ng anime/cartoons na uso. Kaya sikat na sikat ka sa mga kalaro mo.
Pero ngayon easy nalang dahil sa one click lang sa net ay mapapanood mo na ang mga anime na hindi mo na tapos. Mas swerte ang generation ngayon kasi hindi man tapusin ng mga network ang anime na pinalalabas nila ay maari silang tumakbo sa net shop o bumili ng DVD para mapanood ang buong series. Hindi ka na mahuhuli sa kwentuhan lalo na kung napanood mo na ang buong series at tipikal na lamang ito at tanging mga bbatang walang DVD o cable lang ang nahuhuli sa mga ganitong kwentuhan.

Punta kayo sa bahay laro tayo.....
Dahil wala pang X-BOX live o PS3 Network noon at mga simpleng Family computer ,SNES o PS1 lang ang uso madalas puno ang bahay ninyo. Noon pisikal mo nakakasama ang mga kalaro mo sa isang kwarto o sala. masaya kayong nagkakantiyawan with matching juice at merienda pa yun ah. Pero ngayon dahil sa pagkauso ng mga online games nabawasan ang ganitong mga activity at madalas ay sa isang headset na lang kayo nagkakausap.

RPG
Uso ngayon sa mga bagets ang MMORPG o mga role playing game. Isang laro na naglalakbay ka at nagpapalevel up para lumakas at tpusin ang isang certain quest.
Pero dati uso na din ang RPG hindi nga lang sa console o PC sa totoong buhay. Kadalasan ang quest mo ay ang marating ang kabilang barangay, makakuha ng makupa at iba pang bunga, paglusong sa baha, paliligo sa ulan, makatulay sa ibabaw ng pader at Makita kung ano ang nasakabila ng matataas na talahib. Experience points mo ang mga sugat, galos o salubsob dahil sa susunod hindi mo na gagain ang nagdulot nun. Kalaban mo ang mga asong nanghahabol, talahib na nakakasugat, lubak sa lupa at ibang bata. Yan ang RPG namin!

Youporn
pag wala si tatay o si nanay at ikaw lang mag isa siguradong tatawagin mo na ang barkada para manood ng "Bold" pero ngayon isang click na lang sa computer at may Porn ka ng mapapanood.
 hindi ka na patago tago o maghihintay kung kelan aalis ng sabay si nanayat tatay sa bahay. ngayon kasi nasa phone, hand held gadgets o i-hide mo lang o close mo lang ang windows kung mahuhuli ka. ika nga eh wala ng thrill di tulad dati na masaya kayo na parang kinakabahan dahil sa baka mahuli kayo.

Maraming mga bagay  sa paligid natin ang hindi nagbago ng konsepto pero nagbago lang nangpamamaraan. Kaso nga lang nagiging confine at recluse ang mga bata ngayon kumpara dati. Dahil na rin siguro sa pag advance ng technology marami sa mga larong nakalakihan natin ay nagbagong bihis lang. pero kasabay ng pagpapalit anyo ng mga laro at nakagawian natin noon bata pa tao ay ang pag ka wala naman ng Human to human interaction at napalitan ito ng human-machine-human interaction na para sa akin ay nakakalungkot.

Comments

Popular Posts