Inside My Head # 16 :Another one Bites The dust: Pacquiao Loss in Sixth Round

Another one Bites The dust: Pacquiao Loss in Sixth Round
Sad ang buong pilipinas sa pagkatalo ng "Ninong" ng bayan.napatumba si Manny ni     JMM sa round 6. plakda si Ninong sa canvass matapos abutan ni JMM ng isang malupit na suntok na tumama sa mukha ni Manny. pero bago nito ay lamang pa si manny at basag na ang mukha ni JMM.
kaya naman "Talo si Pacqiuao!!!!!"ang sigaw ng usosero namin kapitbahay kani-kanina lang. ang pagbagsak din ni pacquiao ang trending sa usapan ng mga majongero at sunog baga dito sa amin na pare-pareho lang naman napanood.

hindi lamang sa mga kanto trending ang Pagkatalo ni manny pati sa mga social networking site tulad ng twitter at facebook ay nagkalat din ang post about sa Knockout ni Pacquiao.

bago pala ang laban ay dinalaw pa siya ng talunang US Presidential Candidate Mitt Romney at dating boxing champion Shane Mosley. hindi kaya me balat sa pwet itong mga to.

well sa totoo lang kung hindi pa ako magbubukas ng inquirer.net ay hindi ko malalaman na ngayon pala ang laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
sabi sa isang website na nabasa ko ito na daw ang closure na matagal na hinahanap ni Marquez ang malaman kung sino talaga sa kanila ni manny ang mas magaling. dahil sa closure na nga eto ay malamang na hindi na labanan ni Marquez si Pacquiao kung humiling man ang huli ng rematch. kung magkaganun ay maraming  mababadtrip na pinoy (isa na ako dun) kung hindi makakabawi si Manny sa pag katalo nito kay JMM.

Sana kung magkarematch ay paghandaan na ni manny ng husto at ng maknock-out nya itong si JMM.

Enhanced by Zemanta

Comments

Popular Posts