RetroGeekaDriod # 4: Prettier than Pink!


My take on classic games, toys,anime, movie,cartoons, TV show or anything under the geekdom universe

Prettier than Pink!
kung noong nakaraan ay naging focus ng post ko ang mga Super Sentai Show na naging paborito ko noon ngayon naman ay maglilistahan ako ng naggagandahang Pink Ranger sa isang Sentai sa aking opinion kaya ito na sila.

1.Momoko/Pink Mask (Maskman)
bukod sa pagiging sexy, cute at sweet ay malupit din sa bakbakan ang tinaguriang Pink Mask ng Maskman. kundi lamang kay Rio/Miyo malamang na si Pink mask ang Love Interest ni Michael Joe sa series.

2.Maria Nagisa/ Ms. America II (Battle Fever J)
cute at contrary sa kanyang Alias ay hindi siya mukhang amerikano. isa siyang FBI trained na miyembro ng Battle Fever J.

3.Hikaru Katsuragi/ Pink Five (Bioman)
mapapa "Hay" ka na lang kong makakasalubong ka ng ganito kagandang babae. si Hikaru o mas kilala sa tawag na Kimberly sa English Dub nito ay tinuturing na crush ng mga Nerd at geek noong araw. dahil sa Cute nitong mga ngiti at maangas na fight scene marami ang pusong nabihag ni Pink Five.

4. Momo Maruo/ Oh Pink (Ohranger)
ang maituturing na pinaka babaeng babae sa listahan. dahil sa pagiging pa-Cute niya ngunit hindi lang kacutan ang sandata nitong si Oh Pink bihasa rin siya sa Aikido at Karate.

5.Yuuri/TimePink (Time Ranger)
astig, sexy at maganda mga katangian na tiyak nakkababaliwan mo sa isang babae. sa istorya ay isa siyang pulis na galing sa future kaya talaga namang "Badass" na maituturing itong si Time Pink

6.Youko Yagami/ Pink Racer (Car ranger)
Jolina Magdangal Look a Like na Miyembro ng Car Ranger. bagamat hindi siya ganun ka seksi ay hindi naman maikakaila na Cute itong is Pink racer na Secretarya ng kanilang grupo.

7.Sakura Nashihori/Bouken Pink (Boukenger)
Mukhang mataray at seryoso ang face ni Bouken Pink pero maganda siya at Sexy. hindi ito tipikal sa potrayal ng isang Pink ranger na kadalasan ay paCuteytitam. Si Sakura ay isang maituturing na Genius sa pakikipaglaban at teknolohiya may pag boosy at madalas ay seryoso.

8.Mako Shiraishi/ Shinken Pink (Shinkenger)
Mature looking at parang siyang seryoso pero maganda at mapangakit ang mga ngiti niya. bagamat may masakit na nakaraan nananatili pa rin ang kanyang ka-sweetan at pagiging maawain.

9. Eri /Gosei Pink (Goseiger)
Bagamat hindi siya ganun kaseksi at dominanteng female character tulad ng mga nauna ang pagiging simple at cute niya at pagiging kwela niya ang nagdala sa kanya sa listahan ito

10. Ahim De Famillie/ Gokai Silver (Gokaiger)
isa siya sa mga tipikal na Pink ranger ng isang Sentai series. Cute, sweet at malambing. lovable itong si Ahim at ang cuteness niya ang isa mga asset niya.



Notable mention:
Princess Mei/ PteraRanger (Zyuranger)

Houka Ozu/Magipink (Magiranger)

Rei Tachibana/Dynapink (Dynaman)

Koume Kodou/Dekapink (Dekaranger)
Enhanced by Zemanta

Comments

Popular Posts