RetroGeekaDriod # 3: Super Sentai!


My take on classic games, toys,anime, movie,cartoons, TV show or anything under the geekdom universe

Retro Super Sentai !!!
Super snetai mode ako kagabi kaya naispian kong mag list down ng mga astig na sentai na napanood ko noong ako ay bata pa lamang.

1.Chojin Sentai Jetman (RPN 9)
 Story
Limang kabataan ang naexpose sa "Birdonic Wave" isang bagong teknolohiya na nagbibigay ng "Super-Human" ability sa isang normal na tao. gamit ang kanilang lakas ay pipigilan nila ang grupo ng VYRAM isang outer dimensional na mananakop na gumagambala sa katahimikan ng earth.

Favorite Episode
Last episode yung kinalaban na nila yung pinaka boss ng kalaban. nasira muna lahat ng robot nila dun hangang sa matalo nila yung boss. alam ko nasira yung garuda at si tetraBoy dun. pero ang pinaka tumatak na eksena para sa akin ay ng ikasal sina Red Hawk at Pink swan at mamatay sa huli ang ka-love triangle nilang si Black Condor. shocking para sa amin ng utol ko at isa yun sa hindi ko malilimutang episode sa isang sentai series.
Mecha!
meron silang tatlong robot ang Jet Icarus na una nilang Mecha ng dumating naman ang mga karakter galing sa ibang dimension ay nakuha nila dito ang Jet Garuda ang Mecha na may ulo ng isang ibon at syempre ang pinaka kengkoy na robot na si Tetra boy yung kung maaalala ninyo ay parang trumpong hindi mapakali na malakas sumuntok at wala siyang pilot kusa na lang siyang dumarating pag tinatawag.

Kontrabida
forgettable at hindi sila ganun ka angas na mga kalaban ika nga eh walang dating di tulad ng ibang Villian ng ibang Sentai series. ang tanging interesting na karakter dito ay si Maria na dapat ay isa sa mga Jetman kaso namatay ito at na brain wash ng mga kalaban upang umanib sa kanila ang ending eh naalala rin niya ang kanyang tunay na pagkatao at sa kanyang last effort na magsisi ay sinaksak niya ang Lider ng kalaban. siya rin ay ex-GF ni Red Hawk sa series.

Ako si.........
Gai a.k.a Black Condor, sya ang fave kong character dahil sa pagiging anti-hero ng dating nya kaso nga lang tragic ang nangyari sa kanya sa huli.

Overall
maganda ang story ng Jetman. hindi siya tipikal na pambatang sentai at mapangahas din siya sa pag deliver ng kwento. marami siyang twist pero ang reklamo ko lang ay sa dinami dami ng makakapatay kay Black Condor ay bakit isang Snatcher lang.
ito rin ang unang Sentai na natapos ko mula umpisa hangang last episode.kakaiba din ang series na ito dahil babae ang commander nila dito kumpara sa tipikal na lalaking Commander ng isang Sentai Team. astig din ang opening theme song nito very nostalgic pag naririnig ko ito.
all in all masasabi kong isa sa magandang sentai ng aking generation ito kaso medyo under rated.


2.Hikari Sentai Maskman (IBC 13)
Story
Nadiskubre ni Direktor Sugata isang kilalang siyentipiko ang isang underground civilization na kung tawagin ay TUBE na pinamumunuan ni Emperor Zeba.
ninanais ng TUBE na sakupin ang ibabaw ng lupa at dahil dito ay sinanay ni Direktor ang 5 kabataan upang mapigilan ang balak ng Emperyong Tube.

Favorite Episode
nang lumabas na si Kiros ang kahawig ni Pen Medina kasi naman nung lumabas si kiros ay senyales yun na bukod kina dargan, Vulco at Igamu ay may mas malakas pa pala silang kalaban.

Mecha!
may dalawa silang robot sa pagkakatanda ko ang Great Five na maganda nag design at ang Galaxy Robo na nakainspired yata ng costume ni lady gaga.

Kontrabida
isa sa pinakamalalakas na grupo ng Kontrabida ang Villian ng Maskman. sino ba naman ang makakalimot sa angas nina dargan, Igamu, Kiros, vulco at Emperor Zeba at syempre ang kwelang si Okerampa na nag iisang nakasurvive sa kanilang lahat. pinaka fave ko sa mga Baddies si Igamu na babae pala infairness cute siya nung last episode na matanggal ang helmet niya.

Ako si.........
Michael Joe Aka Red Mask, astig at lider na lider ang dating niya at syempre may pagka boy romantiko din dahil sa pagmamahal niya sa Jowa niyang si Rio kaya siya ang fave kong karakter. idagdag mo pa ang pagiging martial artist niya at siya lang mag isa ang pumatay kay Dargan na isa sa pinakamalakas na alepores sa series.

Overall
mas gusto ko ang maskman noon kaysa sa Bioman. opening palang pamatay na ma-lss ka at hindi mo nalang mamamalayan kabisado mo na yung kanta. maganda rin ang istorya niya kahit na episodic siya noong una tapos nagsimula na siyang magkaroon ng arc.
maganda rin at unpredictable ang mga twist ng istorya. gusto ko rin ang love story ni Rio at Michael Joe.
at syempre ang pinkakaaabangan ko sa lahat ay sa tuwing magpapalit anyo si Pink Mask kung saan naka tapis lang siya at parang nakahubad...hehehe

3.Chikyu Sentai Fiveman (ABC 5)
Story
nagsimula ang istorya ng atakihin ng Zone ang planetang Sidon kung saan nagaaral ang Ama at Ina ng Fiveman kung papaano maibabalik ang pagiging luntian ng planeta.
dahil sa insidente pinadala ang mga batang Fiveman sa Earth kasama si Arthur at doon sila lumaki.
nang lumaki sila ay naging mga Guro sila at dahil na rin sa kanilang training sa Teknolohiya na inimbento ng kanilang ama ay naging Fiveman sila ng lusubin naman ng Zone ang Planetang Earth.

Favorite Episode
first episode kung saan binangasan ng batang Five Red si Kapitan Garoa yung mr.swabe nilang kalaban at yung episode kung saan nadapa si Golem.

Mecha!
mala transformer ang mga robot ng Five man dahil nagcocombine combine ito. ang mga robot nila na Five Robo at Star Five na pag nagcombine ay magiging Super Five Robo at sa astig nilang base na makikipag combine sa dalawang naunang robot para maging Max Magma.
ginamit nila lahat ito sa ending kaya naman manghang mangha ako ng makita ko ito noon. syempre hindi rin papahuli ang yaya nilang robot na si Arthur

Kontrabida

great character design at maganda rin ang mga powers nila tulad ni Capt. Garoa na commander nila at ni Billion na isang swords man. andiyan din si scorpion lady Dordora na isang weapon specialist, si Chevalier o kabalyero?? na may swabeng boses sa tagalog dub nito at ang kanyang Gingaman na talaga namang nakakatawa minsan at isa sa pinakamalakas nilang kaaway at syempre ang pinakafave kong kalaban si Dongoros dahil sa pagiging comic relief nito at pagka ganid sa perang Dolyen.

Ako si.........
Si Ben o Blue Five ang pangalawa sa magkakapatid at ang medyo mainitin ang ulo sa kanila. siya ang madalas kaaway ng Kuya nilang si William (Red Five). teacher siya ng PE at bihasa din siya sa Judo

Overall
hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero marami sa mga character ng Fiveman ay kahawig ng mga local actor dito sa atin tulad nalang ni Five Black na kahawig ni Aljon Jiminez na asawa ni Manilyn Reynes. Si Kabalyero na kahawig  naman ni John Lapuz at si Five Blue na me hawig kay Pre-Bebe Gandang Hari na Rustom Padilla.
Astig na Sentai para sa akin to kasi ba naman ikaw ba naman ang tumira sa Hi-Tech na Base na gawa ng Ermat at Erpat mo para sa isang bata Heaven yun at may kasama ka pang yaya na isang robot.
malulupit din ang design ng kalaban at hindi sila mukhang pipitsugin tulad ng ibang sentai. gusto ko rin ang konsepto nila na nagcocombine ang mga robot at ang astig na base nila ay isa rin palang robot sa huli.

4.Kousoku Sentai Turboranger (IBC 13)

Story
dahil sa pagkawasak ng kalikasan ay humina ang kapangyarihan ng mga diwata na nagselyo sa Boma tribe sa loob ng dalwang libong taon ay nakatakas ang huli. dahil sa kapangyarihan ng huling fairy at tulong ng isang doktor ay pumili sila ng limang high school student upang tumulong sa kanilang adhikain na pigilan ang Boma sa paghahasik ng lagim sa mundo.

Favorite Episode
First episode kung saan nakawala yung mga kalaban mula sa pagkakakulong nila. isa pang fave episode ko ay yung ikwento ang istorya ng buhay ni Zimba na isang samurai na isinumpa dahil sa pag ibig.

Mecha!
tulad ng fiveman ay nagcocombine din ang kanilang mga robot. mayroon silang dalawang robot ang Rugger at Turbo Robo na nagcocombine para maging Super Turbo Robo na makikipag combine naman para mag karoon ng Super Turbo Builder.

Kontrabida
astig ang mga back story ng mga villian dito na parang gustong ipaliwanag na hindi sila talaga masasama kundi meron lang mga pagkakataon na nagtulak sa kanilang maging masama.
maganda rin ang design ng mga kontrabida na hinango sa mga japanese myth. pinaka fave ko si Zimba ang samurai nilang kalaban na inlababo sa isa ring kontrabida na si Jarmin. nakakayamot naman ang tingin ko kay Rehda ang propesor sa grupo at nakakatawa naman si Zulten ang mataba sa mga kontrabida.

Ako si.........
Ricky aka Red Turbo na siyang pinaka astig at pinaka tumatak na karakter sa seires na ito.

Overall
mas naging interesado ako sa back story ng mga kalaban kaysa sa mga bida.
napakaganda ng pagkaka portray sa mga kalaban na hindi lamang puro world domination ang nasa isip at infairness cute ang fairy ng turboranger na Mayumi ata ang name sa Tagalog version at ang alaga nitong mala-never ending story na aso. 


5.Choudenshi Bioman (IBC 13)
Story
limang kabataan ang nabiyayaan ng bio particles upang sugpuin ang emperyo ng Neo Gear at talunin ang lider nito na si Dr.Man at kanyang mga alipores.

Favorite Episode
nangmamatay ang unang Yellow Four na si Casey sa kamay ni Mason na kahawig ng tatay ni Janno Gibbs. ito ang unang beses na may namatay na isang miyembro ng Sentai.

Mecha!
sa pagkakatanda ko ay tanging bio robot lang ang kanilang ginagamit na mecha. maganda ang design nito at astig kung maituturing.

Kontrabida
ito na yata ang pinaka recognizable na grupo ng kontrabida bukod sa Zyuranger (Power Ranger). mula kay sa iconic na si Doctor Man na may magandang back story at sa mga alipores nitong sina Mason, Monster na mukhang love child ni Pipoy kalbo at Ungga Ayala, Farrah na boses inipit na ipis at bataan nitong bebot na kahawig ni Cynthia Luster at ang kolokoy na Beastnoid na tulad ni monster ay comic relief ng palabas.




Ako si.........
Franky aka Blue three, isa siyang diver (base sa opening hehehe) at pinaka kwela sa grupo. madalas siyang napapatrouble dahil sa immaturity nito at madalas nakakabangga sina Red One at Green Two na mga Seryosong karakter.

Overall
Sikat na sikat ang Bioman dito sa Pilipinas kahit hangang ngayon. masasabing kahit hapon ito ay naging parte nng kultura natin ang Bioman. english dub ito sa atin at wala akong matandaang naging tagalog dub ito. isa sa mga kanaaaliwan ko sa palabas na ito ay ang pagiging kwela nito at bihira ang seryosong episode nito.


At yan ang top 5 super sentai ko hanggang sa susunod na ka-Nerduhan..Hehehe

Enhanced by Zemanta

Comments

Popular Posts