RetroGeekaDriod # 5: Mga Crush ng Crush Mo! (Anime Edition)



My take on classic games, toys,anime, movie,cartoons, TV show or anything under the geekdom universe

Mga Crush ng Crush Mo!
malamang nagtataka ka kung ano ang meron ang mga ito at patay na patay ang crush o nililigawan mo sa mga ito. kasi naman sa dinamirami ng magiging karibal bakit mga ANIME KARAKTER pa. ilan lamang ito sa mga Anime karakter na kinahumalingan at tinilian ng mga chika-babes


1. Tamahome (Fushigi Yuugi)
hindi ako nanonood ng FY pero noong high school ako madals na topic ng usapan lalo na ng mga Gays & Girls ito si tamahome at madalas kung marinig si crush sinasabi "Crush ko si tamahome" tapos nadurog ang puso ko....Ouch!

2. Dennis (Ghost Fighter)
ang pagkakaroon nito ng mga feminine features ang dahil siguro ng pagiging popular nito sa chicks

3. Trunks (Dragonball Z)
kempee ang buhok at awkward na laki ng muscle. hindi ko talaga maintindihan bakit naging crush ng bayan ang karakter na to.

4. Uchiha Sasuke (Naruto)
suplado, misteryoso at may magandang mata. kung sa tunay na buhay nabanatan na to sa kanto.

5.Minato (Naruto)
kwela pero astig, lider at kinatatakutan yan ang mga makalaglag panting quality na sana ay meron ang tunay na tao

6. Uchiha Itatchi (Naruto)
misteryoso at may mga matang nakakabighani. mga bagay na pinangarap mong meron ka rin

7.Rukawa (Slamdunk)
suplado ang isang ito at magaling magbasketball. kaya naman naging cheerer din ni Rukawa ang crush mo at for sure nagpabili ng poster nito ang nililigawan mo

8. Sendoh (Slamdunk)
careless at magaling magbasketball kaya naman napapatili si ate pag nakakashot si sendoh. dahil sa kumag na ito maraming na-basted na lalaki dahil gusto nilang lalaki ay tulad ni Sendoh

9.Hibari (Hitman Reborn!)
astig at suplado mga tipo na kinababaliwan ni ineng

10. Kenshin (Samurai X)
torpe at mahiyain pero mahaba ang sandata yan ang mga type ng aggressive na bebot

11.Tuxedo mask (sailor moon)
wala akong masabi ang alam ko lang popular na anime karater sa mga babae ito noong elementary days ko

12.Lee Shaoran ( Cardcaptor sakura)
batang cute isa pa sa mga kahinaan ng mga babae

13.Gray (Fairy tail)
may paka-nudist itong si gray kaya for sure pinagpapantasyahan ng mga klasmeyt mong chicks

14.Kaiba (YU-Gi-Oh)
guwapo(sabi sa series) at mayaman mga katangian na gustong gusto ng mga bebot

15.Kakashi (Naruto)
muntikan ko ng makalimutan ang sensei nina naruto. kahit hindi nakikita ang mukha ay marami pa rin ang nagkaka-crush dito kay kakashi siguro dahil misteryoso na isa sa mga gusto ng mga chicks.

hanggang sa susunod na ka-Nerduhan at kaAdikan
The End


Enhanced by Zemanta

Comments

Post a Comment

Popular Posts