Sound Trip! #6: The soundtrack of my Youth! Part 2




Part 2 ito ng una kong post na makikita sa link na ito Soundtrak of my Youth Part 1 kung saan ay nag list down ako ng mga Soundtrack na nakakapagpaalala sa akin ng aking kabataan.

1.Paula Cole- I Dont want Wait (Dawson's Creek)
kung Call me Maybe at Gangnam Style ang madalas mong marinig ngayon sa mga Radio station noong late 90's hanggang early 2000's ay I dont want to wait ni Paula Cole ang isa sa pinaka Gasgas na kanta na maririnig mo. halos lahat ng radio station, CD player at mga klasmeyt kong babae ay maririnig mong kinakanta ang song na ito.

2.Danny Elfman-The Simpsons Opening Theme (The Simpsons)
naaalala ko ang dating RPN 9 pag naririnig ko ang soundtrack na to. bagamat walang lyrics at uro tunog lang naging pamilyar ito sa mga batang 90's at early 2000's

3. Dancing Baby (Ally Mcbeal)
malamang hindi mo na tanda ang kanta nito pero for sure kung ikaw ay ka generation ko ay naaalala mo pa ang Dancing Baby na sikat na sikat noong early 2000's.

4.Remy Zero- Save Me (Smallville)
una ko itong narinig noong early 2000's kung kailan ako ay isa pa lamang high school student. kausuhan ng Rock Music noon kaya madaling magustuhan ang temang ito. nagustuhan ko din ang kantang ito dahil sa pagiging soundtrack ng isa sa mga paborito kong show dati ang Smallville.

5.Harlem Yu- Qing fe di yi (Meteor Garden)
translated as can help falling in love with you. isa ito sa mga kantang sobrang inabuso dahil sa walang sawang pagpapatugtug nito sa mga radio station, Myx at pati sa MTV at dahil sa kasikatan ng show na meteor garden ay nauso ang mga kantang intsik sa atin na ni isa ay walang akong naintindihan. ito na siguro ang theme song na masasabi kong soundtrack ng aking High school life.

6.Celine Dion- My heart Will Go On (Titanic)
sino ba naman ang hindi nagustuhan ang kantang ito lalong lalo na ang mga naabutan ang titanic fever. isa ito sa mga maituturing na sounds of the 90's at isa sa mga kantang nakakapagpaalala ng aking childhood.

7.Ron Wasserman - Go Go Power Ranger (Mighty Morphin Power Ranger)
hay ito na siguro ang batayan para masabing alam mong batang 90's ka pagkabisado mo at napapa-karate chop at kick with matching head bang pa sa tuwing maririnig mo ang kantang to.

8.Batibot Theme (Batibot)
naalala ko pa noong elementary kung saan uso ang kantang ito at dahil na rin sa kakulitan ng pag iisip ng mga bata noon ay nagbunga ito ng iba ibang version ng Batibot theme na mayroon nakakatawa hanggang sa medyo bastos ng lyrics.

9.Jamie Rivera - Jubilee Song
naalala ko pa noong elementary kami ay kinakanta namin ito tuwing umaga with matching step pa ito.

10. Rivermaya - Youll be Safe Here (Spirits)
ito na siguro ang maituturing kong last soundtrack ng aking pagkabata dahil noong mga panahong ito ay unti unti na akong nagpapaalam sa aking kabataan at humaharap na sa mundo bilang isang "Grown-ups". ito ang mga panahon kung saan nagkakaroon ako ng una kong work as crew ng isang fastfood chain.
Enhanced by Zemanta

Comments

Popular Posts