Halo-Halo #14: Naruto, NBA playoffs, Console War etc.

My thoughts and opinion on the latest news, trending topics or just everything under the sun




Naruto, NBA playoffs, Console War etc.


1. Happy Bday Pacman!




hindi si manny paquiao ang tinutukoy ko dito kundi ang popular na 80's game na PACMAN. 33 years na ang nakakalipas simula ng unang lamabas ang laro na ito na naging hits sa mga arcade noong 80's. hindi lamang isa sa mga pioneers ng gaming world ang pacman, maging ito rin ay may malaking partisipasyon sa ebulosyon ng gaming industry sa mundo. kung walang pacman malamang ay nag iba ang takbo ng gaming world.


2.Console Wars



 matapos ang walong taon  ay inilabas na ng microsoft ang kahalili ng 360 na X-box one. inaasahang magiging mas "superior" ito sa X-box 360 dahil sa pag upgrade sa processor nito na ayon sa MS ay 16x larger sa 360. enhance din ang kinect nito upang maging competitive sa Wii U. magkakaroon din ito ng voice control at mga bagong feature sa kanilang controller.idagdag mo pa dito ang maraming non-gaming feature tulad ng video calling etc. masasabing superior ito di lamang sa kaniyang sinundan maging sa mga bagong console ngayon. me mga nagsasabi nga na hindi nararapat tawagin lamang Gaming console ang X-box one dahil sa pagiging multi functional nito. inaasahang magiging available na ito sa market.

bago pa ito ay matatandaang nilaunch na ng nintendo sa market ang Wii U bilang paunang salvo o first blood para sa tinaguriang 8th generation console war. matapos nito ay inannounce ng sony nitong february ang development ng PS4. inaasahang magpapasiklaban ang mga ito sa darating na E3.

3. NBA Conference finals standing


2-0 na ang west finals Series matapos pataubin ng Duncan-led Spurs ang matikas na Memphis Grizzlies sa OT ng kanilang game 2 sa kanilang series.
 sa east naman sinave ng The King Lebron james ang Defending Champion miami heat matapos nitong gumawa ng mirakulo sa huling segundo ng laban. pumasok ang layup ni James 2.2 seconds na lamang ang nalalabi sa laro. bagamat talo napakitang gilas si paul george matapos nitong ipasok ang isang 30 ft three point jumper at itabla ang laban sa 4th quarter. si george ay may 27 pts sa laban samantalang ang hero ng gabi na si james ay naka triple double at may 30 pts. lamang na ang heat sa knilang east finals series contra Pacer 1-0

4.Naruto in Numbers
631...ito ang bagong chapter ng Naruto shippuden
7...teams seven ang pangalan ng team ni kakashi nakinabibilangan ni Naruto,Sasuke at Sakura. matagal din silang nag disband ngunit sa chapter na ito mukhang mag reregroup uli sila.
9...meron ding kyuubi mode si Minato!

4...Apat na hokage ng Konoha ang nasa battlefield sa chapter na ito. astig makitang magkakasama ang tinaguriang alamat ng konoha.

2...at dahil nasa battlefield na si Harashima malamang matuloy na ang 1-0n-1 nila ng bestfriend niyang si Madara. malamang din na mag 1-on-1 sina Minato at ang student nyang si Tobi

3...me napansin lang akong kulang sa reuniong ito. bagamat nasa chapter na ito si orochimaru wala naman ang kanyang grupo na Legendary 3 sennin. alam kung impossible makarating yung dalawa (Jiraiya at tsunade) pero alam nyo naman ang naruto full of suprises.
1..sa pagbabalik ni sasuke bilang ninja ng konoha ay nagpahayag siya ng intensyong maging hokage.makkabangga nya dito si naruto.ngunit isa lang ang magiging Hokage sa kanila



Comments

Post a Comment

Popular Posts