Halo-Halo #13: Long time no post!


My thoughts and opinion on the latest news, trending topics or just everything under the sun




Long time no post!

medyo matagal tagal din ako hindi nakapagpost dito


NBA Conference Finals
magtatapat ang San Antonio Spurs at Memphis Grizzlies sa Western Conference finals ng NBA habang makakasagupa naman ng Defending Champion Miami Heat ang Indiana Pacers sa East.
magsisilbi itong rematch sa Spurs at Memphis na kung matatandaan ninyo ay naupset ng 8th na Grizzlies ang 1st seed noong Spurs noong 2011 season. ang miami naman ay nagaasam na makasungkit ng ticket papuntang finals laban sa impresibong indiana Pacers.

Walang Talo ang Alaska
na sweep ng alaska aces ang fan favorite na Brgy.Ginebra para mapanalunan kampeonato ng Commisioners Cup sa PBA. minasaker ng aces ang gin kings sa kanilang tatlong laban. ito na ang kanilang ika-14th na titulo.

Popularity Contest

naiproklama na ang nanalong 12 senador sa nakalipas na Mid-term Election.marami sa mga ito ay karapat dapat naman na manalo, ang iba naman ay mapag tyatyagaan na at maari ng pagbigyan. pero marami sa mga nanalong ito ay dinaan lamang sa popularidad ng kanilang apelyido. marami sa magagaling na lider at mga subok at maaasahang mambabatas eh hindi pinalad. marahil dahil sa hindi famous ang kanilang apelyido o di kaya ay wala silang artistang karaykaray sa kanilang mga TV ads na nag eendorso sa kanila. well ganyan talaga ipagdasal nalang natin na gawin nila ang kanila trabaho at kung hindi ay karmahin nawa sila..hehehe

coolest way to learn chemistry

astig ang bago kung kinaaadikang palabas ng AMC na Breaking Bad. tunkol ito sa isa Public school teacher na napilitang maging drug dealer/maker ng Shabu dahil sa mga pangyayari sa buhay niya na hindi niya inaasahan. bukod sa maganda at interesante ang istorya ay may mga chemistry lesson ka pang natututunan na wish mong tinuturo sa klase nyo noong 3rd year.


RIP Bella Flores
Pumanaw na ang isa sa pinakaiinisang kontrabida ng pelikulang pinoy na si Bella Flores. madalas natin siyang mapanood na bruha, mapang alipustang donya, sadistang madrasta o di kaya ay comic relief sa mga action movie. bagamat hindi siya nagbibida pamilyar tayo sa itsura at mga character nya sa palabas na kung minsan ay kinaiinisan ng mga nanay natin at kulang nalang ay hampasin ng tubo ang mga tv natin. sikat din siya dahil sa kakaiba niyang boses na pang konrabida talaga.

Enhanced by Zemanta

Comments

Popular Posts