Inside My Head # 18:Langit o impyerno?
![]() |
Featured Article about everything that might stimulate my brain into typing something |
Langit o Impyerno?

Inilarawan sa bagong libro ni Dan Brown na Inferno na ang
maynila daw ay Gates of Hell.
Ang mga diskripsyong ito ay nakapagpainit sa tumbong ng
mga opisyal ng gobyerno at maging mga pangkaraniwang tao. Sinabi pa nga ni
Chairman Tolentino na hindi inferno ang manila kundi an entry to heaven daw.
Halos lahat ng mababasa mo o mapapanood sa TV ay puro batikos sa ginawa ni Dan
Brown sa imahe ng Maynila.
Mapa facebook,tambayan o kahit sa bookstore maririnig mo
ang panggagalaiti n gating mga kababayan sa sinabing ito ni brown. Maging ako
ay nagalit, pero ng mahimas masan ako at akoy napa isip tinanung ko sa sarili
ko ito:
ang tanong eh mali ba si Brown sa kanyang description ng
manila?

Ang mga nagsasabi bang mali si Brown ay nakapaglibot na
sa manila at
kahit saglit lang ay umalis sa comfort ng kanilang mga
subdivision,mansion o mga magagarang sasakyan para tanawin at libutin ang
kalakhang maynila?
Bakit ang ibang mga siyudad tulad ng New York, LA,
London, Berlin ay Tokyo na kapag naging topic o diniscribe sa hindi magandang
paraan ang kanilang siyudad ay hindi nagagalit?
O isa na naman itong pagiging balat sibuyas natin?

Sign ba ito ng pagiging makabayan o O.A lang tayo?
Para sa akin ay hindi masamang magalit o magdamdam sa mga
sinabi lalo na sa ating mahal ng lungsod, Natural lamang ito. Pero hindi bat
mas maganda kong aminin natin ang ating pagkukulang at itama ito kaysa gumawa
ng isang ilusyon na tayo ay perpekto? Isipin natin na kaya tayo pinupulaan kasi
may mali sa atin. Wag tayong makipag matigasan at ipagpilitan na “Entry to
Heaven” ang manila. Kung ipipilit natin ang baluktot na katwiran na ito hindi
tayo aasenso and beside kaya naman sila todo depensa ay dahil sa malaking
pagkukulang nila sa pagsasa-ayos ng ating siyudad o di kaya ay bulag ang mga
ito at hindi nakikita ang tunay na kalagayan ng ating bansa.

Ikot ikot din kasi sa manila at wag lang sa Makati,fort
at mga exclusive subdivision mag stay.
Comments
Post a Comment