Inside my head #1: Voice of my past Summer!
If you grow up here in the Philippines during the 90's (the best decade ever!) tiyak kung makakarelate ka sa mga pinagsususulat ko dito at tiyak ko na napapangiti ka kasi may mga naaalala ka tungkol sa iyong kabataan.
Back in the days lahat ng mga bata ay naglalaro sa labas tuwing hapon kanya kanyang trip me nag papatintero, merong nag-hoholen (marbles), may nag teteks (hindi yung text sa Cellphone ha) at ang iba ay nakatambay lang pinapanood ang pag lubog ng araw and back in the days summer is the best time of the year. nagsu-swimming kami ng mga kaibigan ko sa pool at pagtapos nun basketball.
marami kaming trip nun pag summer depende kung anu ang uso sa panahon na yun. kung uso ang sipa mag sisipa kami at kung uso naman ang holen o teks maglalaban kami ng mga kaibigan ko. pero ang hindi mawawala tuwing summer eh ang pag buo namin ng "secret base". ang secret base na tinatawag namin ay isang lugar kung saan kami nagpupulong,nagmemerienda at nagbobonding in short tambayan. naisipan namin to ng mapanood namin ang movie na "Little Rascal" meron sila kasing hideout sa movie at dahil nainspired kami gumawa kami ng sarili naming hideout and every year iba-iba ang nagiging secret base namin merong tree house, sa gitna ng talahiban, abandon truck, abandon house at mismong bahay ng kaibigan namin cool di ba yun nga lang one time na ginawa naming base ang bahay ng kaibigan namin ay na-ban kami ng nanay nya dahil parang dinaanan ng bagyo ang bahay nila pagdating nya.
i was very fortunate na lumaki sa lugar na malapit sa kalikasan, although hindi kami nakatira sa probinsya at quezon city pa rin naman ang lugar namin. maraming puno at parang probinsya pa noon ang fairview at sa isang batang may malikot na imahinasyon ang konsepto ng gubat, talahiban, at abandon house ay maituturing na "magical" .Para sa isang batang tulad namin ang mundo ay napakalaki at ang magpunta sa mga lugar na hindi pamilyar at bago sa amin ay maituturing na naming adventure ng mga panahong iyon. at speaking of adventure, isa sa mga summer activity na ginagawa namin bukod sa dumayo ng basketball kung saan saan ay ang mag-"Adventure". gigising kami ng maaga at manunundo kami ng mga kaibigan namin at pagkatapos ay pupunta kami sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan. halimbawa mayroong malawak na talahiban sa may boundary ng village namin aalamin namin kung anu ang dulo nun at pagkatapos gagawan namin ng mapa.
kung hindi naman kami nasa labas at naka-tambay, naglalaro, nag -aadventure o kaya ay nasa basketball court malamang makikita mo kami sa bahay at nanonood ng cartoon na uso, nasa arcade shop o kaya ay nasa bahay ng isa sa mga kaibigan namin at naglalaro ng SNES, Family computer o playstation o nanonood ng movie sa VHS. pero unlike ngayon na isang buong summer ay nasa computer shop ang mga bata o nasa bahay lang nila at nag cocomputer bihira lang namin gawin ang mga bagay na yan madalas pa rin kaming nasa labas ng bahay kaya ang ending pagtapos ng summer at simula na ang enrollment siguradong mapapansin kami ng classmate o teacher namin at sasabihin nila "Sobrang Itim mo ngayon!"
Comments
Post a Comment