Araw ng Kalayaan
Ngayong araw na ito ay ginugunita ng buong bansa ang isang napakahalagang araw sa kasaysayan ng ating bansa, ito ay ang araw ng kalayaan.
Sa mga hindi nakakalam noong Hunyo 12 1898 ay ang araw kung saan idineklara ni Pangulong Emilio Aguinaldo and kalayaan ng pilipinas sa kamay ng mga kastila. ito rin ang unang beses na iwinagayway ang kauna-unahang bersyon ng ating watawat. bagamat hindi kinilala ng kastila o maging amerikano ang kalayaan ng pilipinas at kalaunan ay napalitan din ito matapos sakupin ng amerikano ang ating bansa nanatili pa rin ang pagnanasa ng mga pilipino na mamuhay ng malaya at independyente at noong panahon ni Dating Pangulong Diosdado Macapagal matapos na makalaya sa kamay ng ibat ibang mananakop at malampasan ang ibat-ibang krisis ibinalik sa Hunyo 12 mula sa dating Hulyo 4 ang petsa ng kalayaan ng ating bansa.
Marahil marami sa atin ang hindi nakakaintindi o sadyang wala lamang pakialam sa kung anung ibig sabihin o importansya ng okasyong ito. Marami sa atin ay iniisip lamang itong "bakasyon" o isang araw sa kalendaryo na may markang pula. Ngunit dapat nating malaman na importanteng alam natin ang kahalagahan nito sa pagkat kung hindi nagsumikap ang ating mga ninuno na magsakripisyo ng Talino, Lakas at Buhay makamit lamang ng mga susunod na henerasyon ang kalayaang pinagkait sa kanila malamang na isa parin tayong kolonya o aliping bansa ng ibang makapangyarihang nasyon, malamang marami sa mga bagay na ikinalulugod natin tulad ng malayang pamamahayag ng iyong nais, pamumuhay ng ayon sa iyong gusto at iba pa tulad ng kalayaan na magkaroon ng edukasyon at malayang pumili ng nais na trabaho ay hindi natin mararanasan at malamang alipin tayo o di kaya'y namumuhay tayong nangangamuhan sa mga dayuhan.
Bagamat sa dami ng ating kinakaharap na problema mapa personal man o pambansang suliranin hindi ito dapat maging batayan ng ating kawalan ng pag asa. bilang pilipino hindi dapat tayo magpasakop sa ating mga kahinaan at problema bagkus maging gabay pa sana natin ito upang itama ang mga mali at gumawa ng mas epektibong solusyon sa ating mga suliranin. lagi nating tandaan na sa isang bansang may kalayaan at demokrasya ang taumbayan ang may lakas at kapangyarihan na hindi matatapatan ng anung mang armas at hindi mapapantayan ng anu mang halaga ng salapi. ang solusyon sa ating mga suliranin ay TAYO isang pilipinong mapanuri, mapagmahal at malaya.
Comments
Post a Comment