Inside my Head #4: Freebies!!...dahilan kaya masarap sumama mag-grocery
Naalala mo pa ba noong panahong ang sarap sumama mag grocery kasi merong mga freebies ang ibat-ibang produkto at kadalasan yung mga freebies eh pambata at talaga namang mag eenjoy kang mangulekta ng mga ito. well ilan lang to sa mga naalala kung freebies noong ako'y bata pa. meron pa kayang mga ganito ngayon?
Lucky Me Pancit Canton
X-Men Trading Card
Noong bata pa ako i think 1993 or 1994 naglabas ng freebies na X-Men "Teks"(Cards) ang isa sa mga newest product noon ang Lucky me pancit canton. i believe na isa sa mga naka-Contribute kung bakit hit na hit ang Pancit canton ay dahil sa pag gamit nila sa X-Men cards as a way na i introduce ang kanilang product lalo na nung panahong iyon ang X-Men merchandise ang isa sa mga hottest item lalo na sa mga kabataan
Nido
Pocket size storybook
isa ito sa mga hindi malilimutang freebies noong araw at kung lumaki ka during the 90's hindi pwedeng hindi alam ang item na to. Ang Nido Tales from around the world pocket fairy tale
Purefoods Tender Juicy Hotdog
Space Jam Action figure
hindi ako makahanap ng picture nito sa net at sa tingin ko super rare at unti lang ang may alam na nagkaron ng free action figure ng space jam ang Purefoods
Coca-Cola
every summer merong pakulo ang Coke dati...ang hit na hit na "win free item under the cap/crown".kaya kami noon kung hindi umiinom ng coke 3x a day ay namumulot kami ng tansan o kaya naghihingi ng tansan sa mga tindahan para makompleto ang koleksyon.
Maggi Rich Mami Noodles
Lion King Stickers
i dont like maggi noodles dati kasi para kang merong sakit pag kinakain mo yun. pero i take exception nung naglagay sila ng Free sticker ng lion king kahit hindi ko gusto ang lasa para ma completo at maidikit lang sa Ref ang almost 30 ata na sticker eh pinagtiyagaan ko na
Milo
Sports 3D cards
naalala ko nung bata ako merong free 3d cards ang milo kung saan featured dito ang ibat ibang sport nakumpleto ko to dati sayang hindi ko napag ingatan lahat ng koleksyon ko at wala rin akong makitang picture nito sa net.
JellyAce
Toy figure/tops/Cards Etc.
isa sa mga product na hindi nawawalan ng freebies noon eh ang Jellyace. Almost every month meron silang new freebies from laruang goma, Teks, Trumpo at kung anu ano pa pero isa sa mga favorite ko na freebies nila ay yung Chibi Ultraman Family na lahat kulay red at plastic lang sya. ang cute kasi nun.
hello merry Christmas, tanong ko lng po kung may balak kayo benta yung tales from around the world ninyo, alam mo kasi meorn ako dati nyan, na nawala, merong book of salamat, king midas touch, if may balak ka benta contact mo ako, sa extrajamming2015@yahoo.com salamat po
ReplyDeleteSalamat parekoy, sa pagalala edad 29 na ako, naalala ko lahat ng mga yan. Coca cola Collecticards, Pogpak panalo, Trakatak oks na oks lahat yan ~ROBERT GAIL~
ReplyDeleteilan sa mga ito din idagdag natin:
Purefoods CRazy Caboodles - mga hayop na gawa sa goma na parang tsinelas na , ginagamit na ng mga baby ngayon na higaan parang puzzle
Nido - Coloring and Trivia booklet
Purefoods Power Rangers - Yung Ulo nila pwede mong lagyan ng tubig hehe tapos iispray at ilang action Figure na Disney free kapag bumili ka ng Purefoods Hotdog
Ovaltine - Superhero Game Cards and Papercraft Airplanes and Christmas Decors
Ito lang ang mga bagay na nagpapasaya sa akin nung kabataan ko , di gaya mga bata ngayon puro computer at video games tablet cellphone , may bagong issue lang ako ng Funny Komiks kada linggo eh sobrang ligaya ko na