Short Story #1: CARL
“Caloy!...Caloy!..CALOY!” sigaw ni Waldo, lumabas ang nanay
ko “Bakit?” ang tanong niya. sumabat naman si Marvin “nan diyan ba si Caloy
aayain lang po sana naming mag laro” “Saglit lang at nag aalmusal lalabas na
rin yun” nang marinig ko yun ay hindi ko na tinapos ang Chocolate drink na
iniinum ko at habang hawak ko pa ang isang pirasong pandesal na may palamang
Peanut butter ay nagmadali na akong lumabas. Ibig sabihin nun kasi pumapayag na
si Nanay na lumabas ako baka magbago pa ang isip kaya karipas ako sa pag labas.
Hindi pa ako nakakalabas ng pinto at nasa dungaw palang ako ay narinig ko ang
boses ng tatay ko “lalabas ka?” dadahan-dahan akong lumingon “naku patay!” sabi
ko sa isip at tumango ako “isama mo kapatid mo” napapalatak ako pero napigilan
ko ang sarili ko naisip ko na baka hindi ako palabasin pag nag-asta na parang
ayaw ko o pag hindi ko sinama ang maarte kung kapatid. “Tara Carl” tawag ko sa
kapatid ko. Masayang masaya siya mahigpit ang kapit nya sa braso ko minsan lang
kasi makalabas ang kapatid ko at madalas may sakit . Four years ang agwat namin
ni Carl, 9 ako at 5 naman sya at marami kaming bagay na hindi pinagkakasunduan
tulad ng laruan, palabas sa TV at higit sa lahat ang pag sama nya sa mga “Alfalfa”
naming magbabarkada. Hindi naman dahil sa bawal mag sama ng Kapatid sa “Alfalfa”
naming magbabarkada kasama nga ni Emilio ang kapatid nyang si Ryan, Kasama ni
Jek-jek ang mas bata niyang pinsan na si Ron, Si marvin at Mariel at si Waldo
at Maui Pero si Carl kasi ay hindi makakasabay sa amin mahina ang stamina at
hindi pwedeng masobrahan sa pagod kabaligtaran namin na kung sa akyatan sa
pader, puno at bundok (lahat ng pataas sa amin ay bundok) o sa malalayong
lakaran at takbuhan ay game kami. Hindi ko malaman kung nag-aalala ako sa kanya
o nakikita ko lang siya bilang balakid sa kasiyahan ko pero ang alam ko lang
hindi ko gustong kasama ang kapatid ko sa “Alfalfa” namin.
“Aga nyo mamen..buti pinayagan kayo” tanong ko sa mga
barkada ko “hahaha..tumakas lang nga ako eh” “ako din” sagot ni Marvin na
karay-karay ang kapatid na si Mariel at ni waldo na mukhang hindi pa
naghihilamos. “Caloy si alex hindi pinayagan mukhang badtrip yung mama nya” ”pero
sabi nya susunod daw sya pagnaka hanap ng tyempo” report sa akin ni Emilio ang
taga sundo ng grupo sabay abot ng isang Bond Paper..ang Mapa. Sa mapa na yun
nakalagay kung nasaan ang hide-out ng grupo, nakalagay din doon ang mapa ng
village, mga gubat at mga kalapit subdivision namin, nasa legend nito kung
nasaan ang mga puno ng Santol, papaya, Makupa, Mangga, Kamiyas, Duhat ,aratilis
na kukuhanan namin para sa “Piknik”, mga tindahan na pwedeng bilihan at mga pag
kukunan ng tubig. Kulang pa kami kaya nanundo muna kami ng iba pa naming barkada
at ng makumpleto na kami ay sinimulan na naming ang “Alfalfa”.
“anung Alfalfa?” malamang na tanong ninyo
ngayon sa isip nyo. Alfalfa ang code name namin sa salitang adventure at kung
hahanapin mo sa Wikipedia ang ibig sabihin ng salitang adventure ay ito ang
lalabas “Adventure is defined as an
exciting or unusual experience; it may also be a bold, usually risky undertaking,
with an uncertain outcome. The term is often used to refer to activities with
some potential for physical danger” at kung bakit naman alfalfa ang tawag naming
sa adventure ay dahil na inspire kami ng mapanood namin ang movie’ng Little
Rascal at isa sa mga Karakter doon ay si Alfalfa. Tugmang tugma ang diskripsyon
sa mga pinag-gagagawa namin noong summer na iyon except sa last part yung “with
some potential for physical danger” dahil honestly hindi namin naisip na
delikado ang sumuong sa talahiban, pumasok sa abandonadong bahay at maglakad sa
sapa. Dahil sa isang batang may gulang 9 ang mundo ay napakalaking playground. Sa
isang bata ang definition ng Sapa, manhole, talahiban at abandon house ay hindi
tulad ng sa matanda. Sa isang bata ang tingin nila sa manhole ay Warps sa ibang
mundo, ang sapa ay Magical na ilog na pinamamahayan ng kakaibang nilalang at
kayamanan, at ang talahiban ay misteryosong gubat na mayroong mga nilalalang o
hayop na hindi pa nadidiskubre. At dahil sa kaisipang iyan (bukod sa Little
rascal na inspirasyon namin) ay naenganyo kaming maglakbay at mag adventure
siguro para masatisfy ang aming curiousity.
Una naming pinuntahan ang puno ng Santol sa may kabilang
block alas otso palang nun kaya sigurado tulog pa ang may ari ng punong iyon. Maingat
at tahimik kaming umakyat ni waldo sa puno sinabihan ko ang kapatid kung si
carl na saluhin ang mga makukuha kung bunga. “Catch!” sambit ko sa tuwing
ihahagis sa baba ang napipitas kung Santol pero halos lahat ng ihagis ko ay
hindi nya masalo kaya yun biyak lahat ng santol na pinitas ko. Medyo na iinis
na ako kasi imbes na mag sorry ay naka-ngiti pa siya at parang enjoy na enjoy
lang sya sa ginagawa nya sabay sabing “ok ba kuya?” tumingin lang ako sa kanya
ng masama at ibinaling ang tingin sa iba. Nagpatuloy kami sa pangunguha ng mga
bunga at patuloy pa din ang kapalpakan ng utol ko. Nang manguha kami ng makopa
ay nahuli kami ng may ari ng puno. May dalang walis tingting ang matanda kaya
karipas kami ng takbo at dahil mabagal at mahina sa takbuhan ang kapatid ko ay
sya ang naabutan nahampas siya at napingot.pero cool pa din sya tawa-tawa lang
sya kahit mag-marka ng walis sa kanang braso. “ANO KA BA?”pasigaw kung tanong sabay
batok sa kanya yumuko lang siya “LALAMPA-LAMPA KA KASI KAYA KA NAABUTAN UMUWI KA NA NGA” amangat ang kanyang ulo at naluluha “wag kuya..sama pa ako sa iyo”
pagsusumamo niya. Tinablan ako dun para akong naawa lumabas ang pag-ka kuya ko
hindi ko alam ang gagawin pakiramdam ko mapapahiya ako pag nagpakita ako ng
kahit unting sympathy sa kapatid ko. Tumalikod ako sa kanya humarap ako sa mga
barkada ko na nag hihintay sa hindi kalayuan at ng sinimulan kung lumakad ay
naramdaman ko ang kapit ng kapatid ko sa braso ko mahigpit tulad ng kanina. pinili
ko pa ding hindi magpakita ng emosyon kunwari’y galit pa din ako sa kanya pero
ang totoo ay natunaw na ang galit at lumabas ang pagiging kuya ko sa kanya. Inalis
ko ang kamay ko sa pagkakakapit niya ganun pa man sabay pa rin kaming lumakad. “Oh
hindi mo pa pinauwi yan panggulo lang sa atin yan caloy” sabi ni Waldo tinignan
ko lang siya hindi ako nagsalita. Pinagpatuloy namin ang “Alfalfa” o adventure namin.
Kumpleto na kami sa mga kailangan, meron na kaming mga tubig,
softdrinks, prutas at mga patpat na pamalo. Nakahabol si Alex at para makabawi
ay nag offer syang tumambay sa bahay nila sa hapon at doon maglaro ng SNES. Hindi
ko pa din kinikibo ang kapatid ko nakamasid lang ako sa kung anu ang ginagawa
nya kahit papano ay tumutulong siya sa pag bubuhat ng mga prutas. Inagaw ko ang
plastic na hawak nya “akin nayan Carl” sabi ko sa kanya. Ayokong mapagod at hapuin
sya kaya ko ginawa yun ngumiti na sya uli. siguro sa isip-isip nya bati na kami.
Nagpatuloy kami sa “paglalakbay” pinuntahan namin ang mga damuhan at talahiban,
tinawid naming ang mga sapa at pinasok namin ang kalapit na subdivision para
kumpletuhin ang mapa namin at as usual maka-ilang beses nadelay kami dahil sa
kapatid ko pero wala akong magawa sinama ko pa kasi eh.
Magtatanghali na noon ubos na ang mga prutas at tubig namin at
siguradong pare-pareho kaming palo sa mga magulang namin kapag hindi kami
umabot ng tanghalian. Halos kumpleto na ang mapa ng grupo kaya masaya kami at
the same time para bang anxious kasi nga siguradong nagniningas na ang mga
ilong ng mga magulang namin. Nagmamadali kaming umuwi.. aabutin kami ng
kalahating oras kung tatahakin naming ang normal na ruta kaya nagdesisyon
kaming mag short cut. Inakyat naming ang isang mataas na pader para mapadali
ang pag uwi namin. Siguradong hindi kaya ng kapatid ko ito sa isip-isip ko. Naka-ayat
na kami at nakatawid sa kabilang bakod ngunit nasa kabila pa rin ang kapatid
ko. Umakyat uli ako at inabot ang kamay niya umiiyak na sya. Naiinis na naaawa
ako sa kapatid ko “hindi na kita isasama sa susunod” sigaw ko sa kapatid ko. Nang
marinig nya yun ay parang na-energize sya at nakapanhik sa bakod pero nalula ata
ng makitang mataas ang tatalunin nya. Nag-inarte na naman ang utol ko. Paglingon
ko ay nakita kong lumalakad na palayo ang mga kaibigan ko. Tumalikod na din ako
sabay sabing “Bahala ka dyan ang lampa mo!” “kuya!....kuya! baba mo ako”. Kahit
naaawa ay tinigasan ko nalang ang aking puso carinio brutal ika nga. Hinabol ko
ang mga barkada ko at nasa pangatlong bahay na kami ng natanaw ko na
paika-ikang tumatakbo ang kapatid ko. Huminto ako sandali para antayin sya. “Anung
nangyari?” tanong ko sa kanya “antaas kasi kuya sumakit paa ko ng tumalon ako” “napilay
ka?” “hindi kuya” tapos noon ay tuwid na siyang lumakad. Nakatingin lang ako ng
diretso habang siya ay nakatingin sa akin. “Sorry kuya” nabigla ako hindi
nalang ako umimik nagpatuloy ako sa paglalakad.
Unti nalang at makakabalik na kami sa village namin at
makakauwi na kami. Nag suggest ako na lumusong na sa putikan para maka uwi agad
kami maglilinis nalang kami ng paa doon sa may poso. Pumayag lahat sila
lumusong kami sa putikan medyo mahaba-habang putikan ito pero mas mapapadali
kaming makauwi kung dito kami dadaan. Habang hawak ko si carl ay sabay naming
nilulusong ang putikan ng biglang….mapako ako sa paa. Napahiyaw ako sa sakit bumaon ang pako na sa tingin ko ay concrete
nail. Nagpanic ang lahat ang iba ay kumaripas ng takbo palayo, si waldo ang
kapatid ko at si Marvin ang umalalay sa akin. sobrang sakit sa paa hindi ko
mahugot ang pako na-stuck ako sa putik mangiyak ngiyak na ako habang ang
kapatid ko naman ay umiiyak. Nag si-uwian na lahat maliban sa tatlo. Maya-maya
pa ay may napansin si marvin sa tubig…Ahas!. “Shit” sabi ko sa sarili ko “kamalas-malasan
ko naman oh siguro eto na ang karma ko sa pinaggagawa ko sa kapatid ko”. Papunta
sa direksyon namin ang ahas nagpulasan sina marvin at waldo pero ang kapatid ko
imbes na lumayo ay dinampot ang kanina’y hawak kung patpat at pinagpapalo ang
ahas. Nang tigilan nya ito lumutang ang patay na ahas. Tinulungan akong makaalis
ng kapatid ko sa putikan.
Habang paika-ikang naglalakad pauwi sinabi ni carl sa akin
na “patay tayo kina nanay nito” “sigurado yan”. Tumingin ako sa kanya at
napangiti lang. naisip ko na hindi ko pa naipadama kahit kailan ang pagiging
kuya sa kanya at kailangan pang dumating sa ganitong punto bago ko marealize na
mahalaga siya sa akin. “Hindi nya ako iiwan kahit anung mangyari” yan ang
napatunayan ko sa sarili ko noong araw yun. Simula ngayon sabi ko sa sarili ko
si Carl muna bago ang barkada sisimulan ko ng maging kuya kay carl bago sa iba.
Pag uwi namin ni carl ay katakot takot na sermon at me palo
pang kasama. Pinagamot ni tatay sa doctor ang sugat ko. Ilang linggo din akong
hindi nakalabas nun pero okay lang at sa bahay kami naglalaro ni carl. Nang gumaling
ako ay niyaya ako ng mga barkada Kung mag-Alfalfa Hindi na ako sumama kasi
hindi ako papayag na sumama ang kapatid ko. Sa kabila ng nangyari hindi pa rin
nagbabago ang pananaw ko hindi ko pa din sya gustong makasama sa adventure pero
ngayon alam ko na ang dahilan. Dahil sa gusto kung proteksyunan at ayokong
mapahamak ang kapatid ko.
Matatapos na ang summer kaya niyaya ko si Carl na mag Alfafa
kaming dalawa. Ipinangako ko sa kanyang wala ng akyatan sa pader o lusong sa
sapa at putikan na mangyayari. Para lang kaming mamamasyal. Naikot namin ang
buong subdivision at pag uwi naming ay nagkasakit si Carl. Dinala siya sa
hospital galit na galit sa sakin ang nanay ko bakit daw sinama ko pa si carl. Nalilito
ako ng una pero inamin din sa akin ng tatay ko ang tunay na kondisyon ni Carl. Meron
syang leukemia ilang panahon na lang ang nalalabi sa kanya. nabigla ako at parang
naubusan ng lakas, “ngayon palang kami nagiging ok ng kapatid ko tapos
mamamatay na sya?” sabi ko sa sarili ko. hindi maarok ng inosente kung isipan
ang mga nagyayari ang bigat at ang sakit sakit. Nang malaman ko yun ay kailaman
ay hindi na ako nakipag talo sa kanya ginampanan ko ang pagiging kuya ko kay
carl sa abot ng aking makakaya. Lumipas ang ilang buwan at pumanaw na si carl. Masakit
para sa amin pero wala akong magawa kung pwede lang humanap ng magical ng
prutas na makapag-aalis ng lahat ng sakit ay gagawin ko.pero walang ganun at sa
murang edad nagising ako sa katotohanang wala palang mundo ng pantasya kundi malupit na
realidad lamang. Nang nag aagaw buhay na si Carl ay humiling sya ng mga bagay
sa akin sabi nya wag ko daw gagalawin ang mga laruan nya ,pwedeng kung hiramin
pero wag ko daw aangkinin, bantayan ko daw si Nanay at si tatay kasi mawawala
daw sya ng matagal, at ang huli wag ko daw siyang iiwan kung mag “Alfalfa” uli
kami isama ko daw siya kasi masaya siya pag kasama niya ako mag-adventure. Niyakap
ko sya at sabi ko “oo”.
Nang i-cremate ang labi ni carl ay binigyan ako ng isang
locket ni nanay andun ang ashes ni carl. Para kahit saan ako pumunta ay kasama
ko pa din si carl. 4th year College na ako ngayon kahit meron na akong bagong
kapatid ay naalala ko pa din si carl. Walang araw na hindi ko inisip si carl at
kung ako ay nalulungkot o namimiss ko ang kapit niya sa aking braso ay nag-“adventure”
akong mag isa para kay carl. Sa ganitong paraan nakakasama ko uli siya at for
sure natutuwa siya kasi kasama nya uli ako.
Comments
Post a Comment