Inside my Head #10: “Cybercrime Prevention Act of 2012″
"If the freedom of speech is taken away then dumb and silent we may be led, like sheep to the slaughter"- george washington
ang tinaguriang “Cybercrime Prevention Act of 2012″ ay ganap ng batas at ii-implement na. bagamat hindi tayo tutol sa ibang probisyon nito tulad nalang ng pagbabawal at pagpaparusa sa mga taong gumagawa ng kahalayan sa internet tulad ng "Cyber Sex" at nag-aagree ako sa sinasabi nilang kailangang maging responsable ang isang netizen sa kanyang magiging mga post. para sa akin ang mga iyun ay walang argumento, tama lamang at sapat pero sa probisyon na nagpapataw ng parusa sa mga taong napatunayan na maaring nagcommit ng libel, sa tingin ko ang parteng ito ay nakakatakot at maaring mangsilang sa isang mapaniil na halimaw.
bakit ko nasabi na nakakatakot. una ang probisyong ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa isang taong na-"Cyber bully" na magsampa ng kaso at i-block ang access ng nang-bully sa kanya sa internet. halimbawa ang isang blogger ay nag criticize pero libelous at mapanira ang content para sa politiko, maari siyang magsampa ng kaso laban sa blooger ganun kasimple. magandang pakinggan at mukhang maganda ang hangarin ng probisyon at wala akong tutol dun pero sa kabilang banda. maari itong magamit ng mga politiko, business personality, government official at kilalang personalidad upang sistematikong patahimikin ang kanilang mga kritiko at sa kalaunan ang batas sana na proteksyon natin laban sa masasamang elemento ng cyberspace ay naging halimaw na naniniil sa ating karapatang magsabi ng opinyon na kung sa anung tingin natin ay nararapat sabihin.
napa isip tuloy ako papano kung nagpost ako kung gaano kababoy ang isang restaurant na kinainan ko..makakasuhan kaya ako?
pano kung ang isang "untrained" journalist(tulad ng sabi ni Sec.Lacierda) ay nagkomento dahil sa pangit na pamamahala ng isang nanunungkulan sa gobyerno..kakasuhan kaya siya at i-boblock sa cyberspace?
ibig sabihin ba nito ay hindi na ako pwedeng mag bulalas ng aking saluobin sa pamahalaan at mga politiko sa internet dahil ako ay hindi "trained" journalist?
wala na bang karapatan ang isang ordinaryong tao magpukol ng opinyon niya laban sa pamahalaan?
siguro tama ang obserbasyon ng marami na parang "Martial Law" sa cyberspace ang batas na ito. kasi parang ang gustong mangyari ng mga implementors ng batas na ito ay mag bulag bulagan, magbingi bingihan at magpipipihan tayo sa kondisyon at kalagayan na ating ginagalawan. ika nga eh bawal ang magreklamo parang ganun.
ang higit na matatamaan ng batas na ito ay ang mga tulad nating ordinaryong blogger, twiritira't twiritiro o facebooker dahil hindi na tayo pwedeng
magpost basta basta at kung maari ay puro masaya at maganda na lamang ang ating ipopost at isipin na lamang na ang pangit, baboy ay kasuklam suklam na mga gawain ng mga tao lalo na ng mga nanunungkulan ay "Pigment of imagination" lamang natin hindi nag eexist sa ating mundo. sa opinyon ko ang batas na ito ay indirectly tayong manamanduhan sa kung ano at dapat nating isulat. ang batas na ito ay nagbibigay ng limitasyon sa pagbulalas ng malayang kaisipan at ang batas na ito ang mag tutuldok sa kalayaan nating magsalita sa cyberspace.
Comments
Post a Comment