Inside my Head # 11: Undas


"everything will fade and die" yan ang batas ng buhay na ayaw man natin at pilit man nating iniiwasan ay darating  at kapag dumating  kadalasan sa mga pagkakataong hindi natin inaasahan.

pero napakaswerte ng mga namayapang kakilala o kamag-anak natin at dito sila nabuhay sa pilipinas. bakit kanyo? eh kasi naman di tulad sa ibang bansa ang pag trato natin sa mga namayapa. sa ibang bansa ay kinalilimutan nila ang kanilang namayapang mga kaibigan o kamag anak wala silang Araw ng Patay na gumugunita sa mga namayapa bagkus meron silang halloween na maihahanlintulad mo sa Pasko pano ba naman kalikaliwaang party at kasiyahan ang makikita mo sa mga kalsada at kabahayan tuwing undas. sa tingin ko ang pag gunita sa mga namayapa ay nagiging excuse na lamang ng mga buhay para makapag saya at ito ay sa ibang bansa hindi tulad dito na ang undas ay panahon na kung saan ayun sa ating paniniwala ay nakakasama natin ang mga namayapang mahal natin sa buhay ito din ang panahon kung saan nagbibigay pugay, nagpapasalamat at nag aalay ng dasal para sa kanila. napakasarap isipin na sa araw ng lisanin mo na ang mundong ito ay patuloy ka pa ring mamahalin ng mga taong mahal mo.

bukod sa pag alala sa mga patay ang undas nagsisilbi din itong bakasyon at reunion ng mga magkakamag-anak o mag-kakaibigan na matagal ding hindi nagkita. dito mo makikita kung gaano katibay ang bonding ng mga pilipino sa kanilang mga pamilya. yan naman ang pinagkaiba natin sa ibang kultura, ang mga okasyong tulad ng undas ay ginagawa nating family day kakaiba nga lang ang undas kasi kasama natin( sa puntod) ang mga namayapa nating mahal sa buhay. 

Comments