Short Story #2: Sembreak
“Hay sarap ng buhay” sabi ko sa sarili habang nag uunat-unat sa pagkakaupo ko sa bus. Hindi maiidiscribe ng google ang tuwa ko ng araw na iyon sigurado ko pag search eh walang lalabas na related post. Paanung hindi ako sasaya una sembreak na pangalawa mag oouting kami at pangatlo ay ng tabihan ako ng classmate/crush kong si Rose oh di ba suwerte.
“ok lang?” sabay nguso sa upuan ibig ni rose sabihin ay kung ok lang ba na umupo sya sa tabi ko. “ako pa ba ang choosy” sabi ko sa sarili sabay bigkas ng “Sure ok lng” tapos astang cool. gusto kung mag start ng conversation sa kanya kaso sa totoo lang hindi kami close ni rose kahit na mag classmate kami sa lahat ng subject at pareho kaming regular ay hindi namin nagawang mag usap ng higit sa 5 minuto… ang tindi noh? Well hindi kasi ako popular sa klase hindi ako tulad ni Jed na class-clown o ni mark na matalino at napagtatanungan nila at mas lalo ng hindi ako kasing gwapo ni Lester na pang Mr. Dream boy ang dating. Ako ay si simpleng Joseph lamang, Seph for short bagamat Hindi naman ako tagyawatin at naniniwala akong hindi naman ako ganoon kapangit ay medyo iwas at iilan lamang ang kumakausap sa akin. Kahit 4 lang kaming lalaki at barkada ko silang lahat ako pinaka-less na pansinin sa amin lalo na ng mga girls at kaya lang ako nakasama dito ay dahil sa inaya ako nina jed.
Nagsimula ng umandar ang Bus mula sa terminal. Unti unti habang bumibilis ang takbo ay nararamdaman kung humahampas ang hangin sa mukha ko. ang sarap, ito ang pakiramdam ng Malaya. Malaya sa assignment, terror na teacher, tsismosang classmate, at ang pressure cooker na may brand na “College”. Tumingin ako kay rose nakayuko lang siya at nagbabasa ng libro at mukhang nag aadvance reading. “hanep ah textbook pa din hawak mo kahit bakasyon na?” tanong ko sa kanya para makapag simula ng kuwentuhan. “Kailangan eh” sagot nya ngunit hindi inaalis ang tingin sa libro, ang tipid sumagot ang hirap mag follow up ng itatanong parang dun palang basag na. “bakit kailangan?” mabilis kung tanong para lang hindi sumara ang unting window of opportunity ko na makapag simula ng conversation. tumingin lang sya sa akin tapos ibinalik ang tingin sa libro. Sabi ko sa sarili ko ay wala na as in sarado na ang “window of opportunity ko” paktay na sabi nga ni joan na klasmeyt din namin. tapos ay sinara nya ang libro at tumingin uli sa akin sabay sabing “kasi iskolar ako at kailangan kung mag sipag para makatapos” medyo galit ang dating, pero gumanti ako ng ngiti sabay sabing “Galit agad?...galit agad?” in ala vice ganda moves. Tumawa sya as in tawa talaga ng malakas natuwa siguro sa expression ko. nag-ala vice ganda uli ako “kanina galit, ngayon masaya ano to?” “hindi natuwa lang ako kasi parang seryoso ka palagi tapos naggagaganyan ka…hahaha” sagot nya. “gusto ko lang na mag-enjoy kaya iniwan ko muna sa bahay ang pagiging seryoso” sabi ko “oo nga noh sembreak naman eh” reply nya.
Habang binabaybay namin ang kahabaan ng SLEX ay nag kwentuhan kami ni Rose.Shit ang dami namin similarities tulad ng hilig sa pagbabasa at pangongolekta ng libro, pagsusulat ng tula at kwento, manood ng movie, ayaw namin ng Teleserye, Justin bieber at will time bigtym, mahilig kami sa comedy at mahilig kami pareho sa alternative rock music. Para kaming kambal sa magkaibang nanay halos lahat ng gusto ko ay trip din nya. Nagsisisi tuloy ako na hindi man lang ako gumawa ng paraan para makausap sya noong first semester. Damn edi sana Classmate/Crush/Bestfriend ko na sya ngayon o mas matindi eh Classmate/Girlfriend ko na sya. hay sobra na akong nag aasume parang nakipagkwntuhan lang yung tao. Pero masarap talaga syang kausap hindi ko akalain na ganun siya kausap ang impression ko kasi sa kanya ay may pagka-suplada madalas kasi ay sila lang ni Crizelda ang magkasama at nag-uusap at parang ang seryoso ng usapan nila mga brainy kasi kaya siguro ganun. By the way Hindi sumama si Crizelda sa outing kaya siguro nakausap ko itong si Rose. Nag patuloy ang kwentuhan namin about sa mga paborito namin mga palabas at mga nakakatawang post na nakikita namin sa net. hindi namin namalayan na tulog na halos lahat ng klasmeyt namin at habang diretso pa rin kami sa kwentuhan ay nagbabago na ang natawin sa bintana ng bus. Mula sa matataas na building,mausok na kalsada at trapik na daanan ay napalitan ng palayan, mga puno, malalawak na kalsada at preskong amoy probinsya.
“Ayoko na matapos ang araw na ito” sabi ko sa sarili ko dahil ito lang ang araw sa loob ng isang semester ko sa college na masasabi kung masaya ako. Simula palang ng semester ay badtrip na ako papanu pinilit ako pumasok sa kurso ko ngayon eh hindi naman yun ang trip kung kurso. Tapos halos lahat sa mga prof namin ay may borderline personality ata. Ang lalakas ng power tripping sa katawan. Idagdag mo pa ang mga assignment, quiz, project at ibat ibang brouhaha. Para na tuloy pressure cooker ang tingin ko sa college. Malayong malayo sa high school na easy easy lang, petiks ika nga. Siguro kaya nya din ako kinausap ay dahil pareho kami ng nararamdaman at pareho kami ng kailangan. Ang ilang oras lang na paglaya, ang magkaroon lang ng unting espasyo para huminga at ipahinga ang utak sa mga hassle ng buhay.
Ala-sais ng umaga nakarating din kami ng makiling matapos naming bumaba ng bus at sumakay sa jeep narating namin ang base ng bundok maganda dito at ang sarap ng simoy ng hangin. Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko “ang lambot” sa isip-isip ko na me halong pang-gigigil. Nang lumingon ako ay si jed ang bumungad sa akin, Shit akala ko si Rose na. “Pucha ka naman Jed bitawan mo ako” sabi ko kay jed na me tonong na-asar “Kaw seph ah deskarte ka ke rose ah” sabi ni Jed sabay kanta ng tatlong unggoy ng “Getting to know each other”. Natatawa ako pero pinipigilan ko gago talaga tong mga toh minsan na nga lang didiskarte ay nakantyawan pa. biglang may humawak sa balikat ko sabay sabing “hoy seph” pag lingon ko ay si rose…damn selyado na to men officially close na kami as in friendship na kami. Panu ba naman comportable na syang kasama ako kahit ilang oras lang kami ng kwentuhan.parang antagal na naming magkakilala although technically merong limang buwan na kaming magkakilala…magkakilalalang literally
Limitado ang oras namin pag dating ng hapon ay kailangan na naming umuwi kaya nagpasya nalang kami na wag ng akyatin ang bundok at magpiknik nalang sa botanical garden. Sa loob nun ay namasyal kami as in kami lang dalawa iniwan namin ang mga klasmeyt namin. Habang naglalakad eh walang kibuan at para kaming nagkakailangan papano akward naman na nakakapit sya sa braso ko at naglalakad kami na parang magsyota. Kailangan kong basagin ang awkwardness kailangan ko maka-isip ng itatanong. Bahala na sabi ko “meron ka na bang….boyfriend?” lakas loob na tanong ko sa kanya.kinakabahan ako sa iisipin nya baka isipin nya didiskarte ako pero parang ganun na nga rin ang ginagawa ko ngayon eh. “Wala…hindi pa ako nagkakaboyfriend. Walang nabulag hahaha” nakuha pa nyang mag-joke pero kahit papano nawala ang kaba ko ng Makita ko ang smile nya. Cheesy noh? pero yun talaga ang nararamdaman ko nung Makita ko ang smile nya. Para bang hinagod ng Vicks ang dibdib ko ang lamig at masarap sa pakiramdam na marinig na wala pa syang BF. Binuksan ko ang isang chichirya na baon ko inalok ko sya sabay tanong “sa ganda mong yan wala kang natisod?” hinampas nya ako sa braso “Grabe ka naman..natisod talaga? grabe ang term..Hahaha” ”alam mo may matagal na akong crush eh kaso torpe ata..hihihi”. Shit ako ata ang pinatatamaan nya, ako nga kaya yun o nag aasume na naman ako. Bigla kung inisip kong meron bang pangyayari na nagpakita sya ng motibo sa akin. Ang nagflash back lang ay noong unag araw ng klase ay sya ang unang klasmeyt ko na nagpakilala sa akin at noong una ay kami ang mag seat mate bago pa sya lumipat sa upuan ni Crizelda. “Siguro sign na yun na ako ang tinutukoy nyang crush?” bulong ko sa sarili ko. nabuo sa isip ko na sabihin ang feelings ko sa kanya kaso ayoko isipin nya na sinasamantala ko ang closeness namin na kasisimula palang. “Hindi” sambit ko sa nagtatalo kung isipan “magpapalipad hangin nalang ako”. “ako nga din eh meron akong crush kaso malabong maging kami ang ganda kasi nun” habang sinasabi ko yun ay nakatitig ako sa mga mata nya at ganun din sya parang napako ang mga mata namin sa isat-isa. Tumagal din ng isang minute iyun tapos sabi nya “Subukan mo malay mo makatyamba”. Ang lalim nun at makahulugan parang andami kung naiisip. Nabubuhayan ako ng pag asa mga 70 percent sure na ako me gusto rin to sa akin. Kaso hindi ako marunong manligaw hindi ko alam kung saan mag sisimula hindi pa ako nakakapangligaw sa tanang buhay ko. Ihahatid ko ba sya araw araw. Babanatan ko ba palagi ng pick-up lines o ng mga pamatay na linya ni John Llyod sa pelikula o mag-aala shy type ako. Wala akong alam sa panliligaw at nang minsan akong manligaw noong high school ay nabasted pa ko. hindi ko na napag aralan kung saan ako nagkamali sa panliligaw noon. “Sana ngayon ay mapasagot ko siya” sabi ko sa isip ko na nag papalakas ng loob.
Nang mapagod na kami ay naupo kami sa taas ng isang malaking bato sa hindi kalayuan ay tanaw naming ang mga klasmeyt naming sa kabilang banda naman ay ang tanawin ng nakakarelax na kagubatan. Sumandal sya sa balikat ko tapos tumingin ako sa kanya napangiti lang ako. Iniwasan kung kumilos kasi natutulog sya at komportable sa pagkakasandal sa akin. Ayoko masira ang moments nang masiguro kung tulog na sya ay hinawi ko ang buhok nya parang eksena sa isang tagalog na pelikula.
Dumating ang tanghali sabay kaming kumain nagshare kami sa pagkain. Kulang nalang magsubuan kami ng pagkain at alam kung nagsiside comment na ang mga klasmeyt namin kasi simula ng sumakay kami ng bus ay hindi na kami paghiwalay. Wala kaming paki alam sa iba basta magkasama kami yun ang mahalaga at masaya. Eto na ang pinakamasaya kung “escape” sa hawla ng kolehiyo at buhay ayokong matapos ang araw na ito. Gusto ko dito nalang kasama si Rose. Parang yung kanta ng U2 “stuck in the moment” ayoko ng umalis. ayoko ng bumalik.Hapon na at kailangan na naming umuwi. Nang sumakay kami ng bus ay magkatabi kami nakasandal ang ulo nya sa balikat ko at ako naman ay nag-eenjoy. “an sarap siguro ng may girlfriend” sabi ko sa isip ko. ilang saglit pa ay naka tulog ako.
Nagising na lamang ako ng marinig ko ang pangalan ko. “Joseph Lagrada!....Joseph Lagrada! Gising na dyan”. Nang imulat ko ang mata ko ay nasa sahig ako’t nakahiga. Mabilis akong bumangon “Damn!..nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko habang iniikot ko ang aking paningin sa puting kwarto. “ROSE!!!..ROSE!!! ROOOOOOOOOSE!!!” ang sigaw ko. ang mga tao sa paligid ko na naka-asul ay nagtawanan at ang iba nag-iyakan. “Anu to Joke?” tanong ko sa mga tao. “Ginagago nyo ba ako..HUH?”. anu na naman ito panaginip ba to?. Sabi ko naman sana hindi na ako umalis sa tabi ni rose eh sana na stuck na lang ako sa araw na yun, ayoko dito.nag wala ako sa loob ng puting kwarto kailangan ko makita si Rose. “Sir Tommy, Sir isko paki-restain nyo si Joseph nagwawala na naman” ” boses ni rose yun!” agad kung nilapitan ang lugar na pinanggagalingan ng boses. Tumambad sa akin si Rose “Rose anung nangyayari bakit andito uli ako sa mental ayoko na dito Rose” pag susumamo ko kay Rose. Sabi ko naman ayoko ng umalis sa Makiling kasama si rose. “Joseph hindi ako si rose…ako si Erlinda ang Nurse dito at walang rose dito”. Nabigla ako “hindi totoo yan sya si Rose hindi ako maaring magkamali” sabi ko sa isip ko. sumigaw ako ng malakas habang napa-hagulgol ng iyak “Rose..rose..huhuhu Rooooooooose!!!”. Nang may humawak na sa akin na dalawang lalaki si Jed yun at si Lester yun mga tropa ko. “Anu to?…huhuhuhu” tanong ko sa kanila “tatali ka nagwawala ka kasi”. Biglang nagsalita si “Rose” “kuya Tommy naka sked na kuryentehin yan ngayon sabi ni doctora”. “Kukuryentehin?” tanong ko sa sarili ko. baliw na ba ako? Alam kung nasa mental ako at may sakit pero hindi ako baliw, matino ako. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ng isang guro na nagtuturo sa kanyang mga estudyante. Si crizelda yun pero wala sya eh hindi sya sumama sa outing bakit sya andito?. “ang pangalan ng pasyenteng yan ay si Joseph Lagrada 24 years old, this patient is suffering from schizophrenia” ouch schizophrenia? Anung pinagsasasabi nito. Nagpatuloy pa si Crizelda sa “lecture” nya “ang history nya ay isa siyang college student. Sabi nila ng mag sembreak during his first year ay sumama sa outing itong si Joseph kaso pag uwi nya dito na namatay sa aksidente ang mga magulang niya hindi nya siguro nakayanan makalipas ang ilang buwan ay nakita nalamang siyang palakad lakad sa kalsada nang pumunta sya sa bahay ng dati niyang klasmeyt na babae ay dinala sya dito sa NCMH”. “Ano ang pinagsasabi nito ng babae na to? Hindi nya ako kilala hindi nya alam ang pinagdaanan ko”tanong ko sa sarili ko habang nakikinig ako sa kanya. yun kaya ang dahilan kung bakit ako nandito?. Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko “Nasaan na kaya si rose?” bulong ko sa sarili ko. kung nanatili lang ako sa tabi ni rose at hindi minalas nung araw na yun magbabago kaya ang kapalaran ko?asan na si rose kailangan ko sya. “Kuya Tommy ready na” boses ni “rose” na nagtatanong kay “Jed”. Lumapit ang isang nakaputi na may katabaan hindi ko siya kilala. Siya kaya ang propesor ko na terror?. “Kuryentehin na yan” nakita kong ipinihit ng matabang babae ang switch sa maliit na apparatus. Habnag hawak ang dalawang parang stick. Shit anu to kukuryentehin na naman ako? Damn! sana sa susunod hindi na ako magising. Sana mastuck na ako sa araw na nakapiling ko si Rose ang araw na nag start ang sem break naming, ang araw na sinuwerte din ako matapos ang mahabang araw at ayoko na magising sa panaginip na yun at this time sasabihin ko na ang feelings ko sa kanya.hindi na ako magsasayang ng oras fight for love ika nga. “one…two..three!” sambit ng doctor. Sana…………………………………………………
Comments
Post a Comment