Halo-Halo #8 : Amablogger!


1. Amalayer-Trending ngayong week ang video ng isang estudyante na binubully ang isang lady guard ng LRT. naging usap-usapan ito ng buong internetverse at naifeatured pa sa mga news program. makikita mo rin na may opinyon halos lahat ng blog, site o maging sa dyaryo tungkol sa nangyaring insedente. instant celebrity tuloy si Ate Amalayer. para sa akin tama lamang na ipagtanggol ng isang tao ang kanyang sarili kung sa tingin niya ay naaapakan na ang kanyang pagkatao pero sana wag naman sa puntong mang-aalipusta ka na.

2.The Wedding- ang cute ng suprise wedding nina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi kagabi. hindi ako talaga mahilig sa mga showbiz news pero na catch ang attention ko ng balitang ito kagabi dahil napaka romantic at pwede palang mangyari sa tunay na buhay ang ganitong uri ng kasalan. naka-isip tuloy ako ng magiging wedding ko sa future..hehehe

3. New Coach- si Mike D'Antoni na napiling bagong coach ng LA Lakers. pinalitan niya ang sinipang si Mike Brown. marami ang nabigla sa anunsyo dahil inakala ng marami (kasama na ako dun) na babalik ang Zen Master ng Lakers na si Phil Jackson upang hawakan muli ang nagkukumahog na LA Lakers. ayun naman sa mga analyst mayroong positibong epekto at inaasahan na magiging maganda ang takbo ng laker sa pamumuno ni D' Antoni dahil sa istilo nito sa opensa na ayon sa mga analyst ay swak sa bagong characteristic ng LA Lakers. inaasahang makakapag-coach sa Lakers si D'Antoni sa linggo kalaban ang Houston Rockets




Enhanced by Zemanta

Comments

Popular Posts