Halo-Halo #9 : Emo!
My thoughts and opinion on the latest news, trending topics or just everything under the sun |
Emo!
1. Emo daw tayo!
ayun sa pinaka bagong pag aaral ng Gallup isang taga survey sa amerika na ang pilipinas daw ang isa sa mga pinaka emotional na tao sa buong mundo. isa daw tayo sa mga tao sa mundo na hindi nahihiyang iparamdam at sabihin ang ating mga nararamdaman.
kung tayo ang pinaka emotional binansagan naman ang singapore bilang "emotionless country" dahil sa pag ranggo nito sa pinakahuli ng survey. kaya naman naghihimotok ang Singapore at sinasabing mali ang survey na iyan.
bagamat tayo ang isa sa pinaka emo'ng bansa tayo rin naman daw ang least happy country dahil sa kakulangan natin sa edukasyon, kalusugan at infrastraktura.
2. Amalayer goes to church!
matapos putaktihin ng katakot takot na batikos ang tinaguriang Amalayer Girl na nag iskandalo sa LRT ngayon ay napapabalitang sumanib na sa isang Simbahan itong babaeng ito. matapos nga naman ang mala-bagyong humagupit sa buhay niya ay ito ngayon siya at tila nagpapa-good shot na sa mga tao.
well ano pa man ang rason niya sa pag sisimbang muli ay maganda yan para sa kanya.
3.Lecheng Chekwa
kamakailan ay naging usap usapan na naman ang ayawan ng mga bansa sa mga teritoryo sa west philippines sea. nag labas kasi ng bagong E-Passport ang China kung saan ay nalagay doon ang mapa ng China kasama ang mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippines Sea. Ibig sabihin nito kanila na ang mga ito ayun sa kanilang paniniwala.
grabe na ang pam-bubully ng china sa atin kaya naman nanindigan ang ating bansa na wag tatakan ang mga pasaporteng mayganitong imahe. kung naging super powers lang siguro ang pilipinas hindi mangyayari ang mga ganitong bagay.
4. Epal
ilang buwan na lang ay eleksyon na pero maaga pa para sa pangangampanya. pero iba talaga ang ibang politiko ang titigas ng Face ke aga-aga eh pinuputakte na ng mga advertisement ang telebisyon.
nagkalat na rin ang mga tarpaulin at mga poster ng mga hinayupak na yan sa mga kalsada. nakakalungkot ang kinalakihan nating sistema ng eleksyon na parang perya o palengke.dito sa atin kahit wala nagawa ok lang basta maraming pera, maraming commercial sa TV at laging nasa Dyaryo.
minsan gusto ko ng maniwala sa nabasa kong survey na ang pilipino daw ang isa sa mga tao madaling mauto.
sana sa darating na eleksyon ay matuto na tayo,, wag iboto ang mga epal na politiko!
5. Good Job!
napapahanga ako ng COMELEC nitong nakakaraang araw bakit kanyo eh kasi naman tuloy-tuloy pa rin sila sa Purging ng mga party-list group na nagbabalak tumakbo sa 2013.
tama lamang ito dahil marami sa mga party-list representative eh mga dummy lang ng ilang politiko at ang masakit pa nito karamihan sa kanila ay hindi nabibilang sa marginalized group o hindi tamang maging representante sila ng grupong yun. saludo ako sa ginawa ng COMELEC ngayon tiyak pag dating ng elekyon maikli na ang ballot na gagamitin natin at isusuksok sa PCOS machine.

Comments
Post a Comment