Inside my Head # 12: Zombie Apocalypse!!!
me bagong season na naman ng kina-aadikan kung TV series ang palabas na The Walking Dead. sa mga hindi nakakalam kung ano ang walking dead ay iintrohan ko na kayo. tungkol ito sa mga taong naka survive sa Zombie Plague at pinipilit na mabuhay sa mundo kung saan ay laganap na ang epidemya ng pagiging zombie. parang tipikal at tila parang napanood mo na ang ganitong eksena di ba. ang pinagkaiba ng Walking dead sa ibang Zombie movie o show ay ang pagbibigay nito ng focus sa saloobin at emosyon ng tao sa gitna ng isang krisis. di tulad ng ibang zombie movie na nagbibigay diin sa horror factor ng palabas ang walking dead ay less horror at more human emotion and drama.

Dahil dito nag isip ako ng mga survival tip kung papaano makaka survive ang isang pinoy sa gitna ng Zombie epidemic.
- Sandata (Weapon)- mapabaril, itak, kutsilyo, palakol, Bat, padel, tubo, pala at kung ano pa man yan ay siguraduhin mong meron kang armas na magagamit para ipanghampas sa ulo ng isang Zombie. siguraduhin mong basag ang bungo upang hindi na mabuhay pa.
- Pagkain- dapat mayroon kang sapat na dalang pagkain. maari kang hindi mamatay sa kuyog ng mga Zombie pero tiyak patay ka sa gutom pagwala kang chicha. alalahanin mo walang tindahan sa mga ganitong panahon at tiyak nagkakaubusan ng pagkain kaya dapat listo at mautak ka sa pagiimbak ng pagkain.
- Sasakyan-pumili ng sasakyang matataas at matitibay tulad ng Hammer, truk ng basura, Bus.para hindi ka madaling makuyog at mayroon pa kayong mapagpapahingahan.
- Tirahan- kung ikaw ay nakatira sa sa densely populated area eh umalis ka na agad at humanap ng strategic na lugar. ilan lamang sa mga pwede mong maging tirahan ay Mall (lahat ng kailangan mo ay nasa isang bubong lang ang downside nga lang baka maraming zombie dito) at malalamig na lugar na lugar tulad ng baguio
- Tropa- syempre pipili ka ng mga kasama mo. dapat yung hindi maarte at masaker kung masaker ng zombie ang attitude. ika nga eh walang keme. kung lalaki ka syempre magsasama ka ng mala-model na chick at kung babae ka eh sa mga hunks ka magdididikit.
Comments
Post a Comment