Rebyu...Rebyu! #5: Skyfall, Loopers and Taken 2
1. Skyfall (4/5): Gun, Babes,Gay(???) and lots of explosion!
Kasabay ng ika-50th taon ng James Bond Franchise ay nirelease nila ang Skyfall, ang pinakabagong Bond Movie na pinagbibidahan ni Daniel Craig na lalabas sa ikatlo niyang pagganap bilang 007 at ng magaling na actor na si Javier Bardem bilang si Silva ang makakalaban ni Agent 007 sa pelikula.
una palang ay hindi ka na mabibitin sa aksyon. parang naging tradisyon na ng James Bond Franchise ang pagkakaroon ng action pack sequence sa simula ng palabas.
maganda rin ang naging direction ng James Bond movie mula ng i-reboot ito noong pinalabas ang Casino Royal na naging seryoso at darker ang tema nila.
pinaka memorable na eksena para sa akin ay ng unang magkita sina Bond at si Silva sa isang sila kung saan eh parang nagpapahiwatig ng pagka-attract si Silva kay Bond na sa tingin ko ay indication na may pagka-Homosexual ang kalaban n James Bond. kung tama nga ang obserbasyon ko to ang unang pagkakataon na isang Homosexual ang kontrabida sa isang Bond Flick.
ang hindi ko lang nagustuhan ay ang theme song ng movie.malayong malayo ang Theme song na ito sa ibang naging Bond Theme para sa akin walang hindi sya bagay sa tema ng palabas.
napakarami ring revelation tungkol sa buhay ni bond sa movie na ito at marami ring nakakagulat na pangyayari na babago sa mga susunod na bond movie. all in All masasabi kung maganda at nag enjoy ako sa palabas na ito at highly recommended na panoorin sa mga sinehan.
2.Looper (3.5/5): Circle of Life
si Joseph Gordon-Levitt na ata movie ngayong ang isa sa pinaka in-demand na Actor ngayon sa hollywood kasi naman halos ng movie ngayong taon eh nandoon sya at sa pinakabagong nga niyang movie ay kasama niya si Bruce Willis.
istorya ito ng isa hired killer na kung tawagin ay "Looper" na kinontrata upang pumatay ng mga tao galing sa Future at pagtapos ng kanilang kontrata ay kailangan nilang tapusin ang tinatawag nilang "Loop" at patayin ang future self nila sa hinaharap.
naka sentro ang plot ng movie sa pag-titime travel ni Bruce Willis at itama ang mga pagkakamali niya sa nakaraan at iligtas ang mundo sa isang taong nagngangalang Rain maker.
dahil sa gusto ko ang istorya lalo na ang tungkol sa Time-travel at kung action at flow lang ng plot ang paguusapan ay masasabi kung maganda ang movie na ito.
3.Taken 2 (2/5):Good but not Good Enough
isa sa mga paborito kung pelikula ang unang Taken na Pinagbibidahan ni Liam Neeson. istorya ito ng isang dating CIA na kinidnap ang kanyang unica hija ng mga Albanian na nag-ooperates sa Paris France.
isa sa pinakamagandang parte ng unang taken ay ng sabihin nya sa mga kumidnap sa anak niya na "hahanapin at papatayin nya ang mga ito" at yun na nga ang nangyari tinugis niya at napatay niya ang mga albanian.
ang pagkamatay ng mga albaninan ang naging starting point ng istorya para sa Taken 2. dito ay maghihiganti ang ama ng albanian na napatay niya sa paris. dudukutin naman ngayon ang kanyang asawa at katulad ng dati gagamitin nya ang kanyang skills na na-aquired sa pagiging CIA para tugisin ang mga Albanian.
para sa akin ang bagong installment ng Taken ay hindi kasing ganda ng unang Taken papano wala na ang thrill at tila napanood muna at minsan alam mo na ang mangyayari sa pelikula. nakakadismaya na ginawan pa nila ng Part 2 ang isa sa pinakamagandang pelikula na napanood ko. alam naman nating tapos na ang istorya sa unang taken at kung gagawa ka ng part 2 ay uulitin mo lang ang flow ng istorya. ang magbabago lamang ay kung sino ang kinidnap at kung papano niya ito nabawi.
para sa akin maganda sya kung hindi mo alam o napanood ang unang taken pero kung napanood mo mapifeel mo na redundant o recycle ang istorya.
Comments
Post a Comment