Sound Trip! #5: The soundtrack of my Youth! Part 1



naalala ko lang mag list down ng mga opening theme song o movie OST (in any order) na paborito ko...im sure kung naging bata ka noong 90's hanggang early 2000's makakarelate ka dito.



Jimi Jamison- i'm always here (Batwatch)
to be honest hindi ako nanonood ng baywatch noon pero tuwing friday pagtapos ng mga friday night cartoons sa ABS-CBN 2 ay nakatutok pa din ako kasi paborito kung panoorin ang opening credits nito dahil sa magandang Opening song nito at syempre gusto ko makita si Pamela Anderson....hehehehehe


Diana Ross- Its My Turn (Coney Reyes on Camera)
pagtapos noon ng Eat Bulaga tuwing saturday ay maririnig mo ang kanta na ito.pamilyar ito dahil ito ang theme song ng Coney Reyes on Camera na tinututukan ng mga Ermats at tiyahin natin noong araw.

Thunder In Paradise Theme Song
hindi ko kilala kung sino ang kumanta at kung ano ang title ng kanta pero ang alam ko maganda ang kanta ito para sa akin. paborito namin ng utol ko panoorin tuwing saturday sa ABC 5 ang Thunder in Paradise na pinagbibidahan ni Hollywood Hulk Hogan. Fanatics kasi kami ni Hulk Hogan dati at super cool ang speed booat nila dito kaya siguro kami nahumaling.

Wheatus- Teenage Dirtbag (Loser)
naging sikat sa amin ang kantang ito noong ako ay High School na. nagustuhan ko ito dahil ito ang naging soundtrack ng high school life ng isa kung classmate na "Loser" ang kanta na ito. sa kanya ko din nalaman ang kantang ito at madalas naming gitarahin ito noon.

Ray Parker Jr.- Ghostbuster (the real Ghostbuster)
for sure napaindak ka rin ng kantang ito noong bata ka. isa sa pinaka sikat na cartoons at movie ang Ghostbuster noong 90's kaya kung lumaki ka sa loob ng kuweba ikaw lang ang hindi nakakaalam nito.

Hironobu Kageyama- Cha-la Head Cha-la (Dragonball Z)
wala akong naiintindihan sa kinakanta ng mamang ito pero iconic ang kantang ito para sa akin kasi naman ito ang OST ng isa sa pinakapaborito kong anime noong bata pa ako. nagsimulang ipalabas sa RPN 9 ito noong 90's every sunday ito tapos kinuha ng GMA 7 noong early 2000 at lalo itong sumikat.

Norman Caraan- MaskMan Opening and Ending Theme
walang bata na kilala ko ang hindi kabisado ang kantang to. ito ang mga panahon na tinatagalog pa ang mga theme song na hapon ng mga sentai o anime sa TV.


Shaider tagalog opening song
hindi ko rin alam ang kumanta nito pero isa ito sa mga iconic na cartoons at theme song noong 90's. maraming nagaakalang VST & Co. ang kumanta ng theme na ito pero hindi. hindi lahat ng lumang kanta VST agad.

Jason Paige- Pokemon Theme (Pokemon season 1)
noong kausuhan ng pokemon ay ito ang isa sa pinakapopular na kanta sa mga kabataan. hindi lang kanta ang kabisado namin noon pati dialogue ni Jessie at James at kung sinu-sino ang 151 pokemon.

Scott Ian - Thorn in your Eye (WWF RAW 1999)
ang 90's ay maituturing na Attitude Era. kaya naman saktong sakto ang arrive ng WWF attitude era noon. lahat ng bata ay nahilig sa wrestling dahil sa mga katulad nina The Rock, Stone Cold, Undertaker at syempre ang Fave ko ang DX.


ilan lang yan sa mga naalala ko may part 2 pa yan kaya abangan!
Enhanced by Zemanta

Comments