Halo-Halo #11 : Zzzzzzz

My thoughts and opinion on the latest news, trending topics or just everything under the sun



Bazooka
English: Bazooka gum
English: Bazooka gum (Photo credit: Wikipedia)

Ayun sa post ng NY times ang Bazooka bubble gum na popular na bubble gum noong 90's dito sa Pinas at kilala sa pagkakaroon nito ng comics strip na Bazooka Joe ay mag rebrand at tatanggalin na ang comics strip na kakabit na nito simula pa noong 1953. Ang dahilan ng pagtangal sa comics strip ay dahil sa pagkalugi umano ng kompanya at pagiging outdated at hindi na masyadong in sa mga bata.

matagal ng wala sa pilipinas ng Bazooka kaya naman hindi siya gaanong mamimiss ng mga pinoy.


Amazon
Astig tong  mga nakita kong mga binebenta sa Amazon.com na mga limited edition box-set ng mga TV show at Movie na favorite ko. sarap gawing collection nito at i-display sa bahay.
Da Vinci Code na mayroong Puzzle sa loob


Planet Earth na isa sa pinakamaganda (visually) na palabas na napanood ko so far
Wow...angas nitong Box set ng Walking Dead
Eto pa!!!
At ang huli ang box set ng Marvel cinematic universe must have ito para sa mga adik
Hay!... Ang sarap sigurong maging mayaman makataya nga sa lotto mamaya.



Thanos VS. Darkseid
Darkseid vs. Thanos (86/365)
Darkseid vs. Thanos (86/365) (Photo credit: JD Hancock)
dahil sa succes ng Avengers Movie ay napabalitang gagawa din ang Warner Bros. ng Super Team movie at ito ang popular na Justice League. ayun sa latino review ipapalabas ang movie na ito kasabay ng Avengers 2. ayun pa sa kanila si Darkseid ang magiging kalaban sa movie ng JLA.
JLA/Avengers
JLA/Avengers (Photo credit: Wikipedia)

alam na nating lahat ng nakapanood ng Avengers Movie na si Thanos ang magiging kalaban nila sa sequel na inaasahang ipalalabas din sa 2015 at kung hindi mo kilala si Thanos click mo lang ang link.
mukhang matindi ang magiging kompetesyon ng Marvel at DC sa 2015 dahil sa paglabas sa pelikula ng dalawa sa bigating Super teams nila. interesting at kaabang abang kaso anlayo pa ng 2015.


Superman!!!
Inilabas na ang bagong teaser poster ng Superman: Man of Steel na ipapalabas ata sa susunod na taon. mukhang mas maganda to kesa sa Superman Return na talaga namang inantok kami ng erpat ko as in nakatulog kami habang pinapanood. ganun kapangit yung movie na yun at kung hindi nyo pa napapanood ay wag nyo ng balakin. por juice por santo walang mawawala sa inyo kung lulubayan nyo ito.

New Harry! 
 inanounce din kung sino ang bagong gaganap na Harry...hindi Harry Potter kundi Osborn ang Bestfriend ni Peter Parker/Spiderman at anak ni Green Goblin/Norman Osborn sa Amazing Spiderman. matatandaang unang ginampanan ni James Framco ang papel na Harry Osborn sa unang trilogy ng Spiderman na sa tingin ko ay nabigyan nya ng hustisya.
ang bagong gaganap na Harry Osborn ay si Dane Deehan.

Injured

Injured ang WWE Champion na si CM Punk ayun sa WWE.com na kailangan sumailalim ni Punk sa isang operasyon. ang tanong ngayon ng mahilig sa wrestling ay kung ano na ang mngyayari sa namumuong Rivalry nila ni Miz at ang patuloy na pakikipag-angasan niya kay Ryback. Ang pinaka  malupit na tanong ay ito na ba ang katapusan ng title reign ni CM Punk?

Mabangis ang Grizzlies
Ang Grizzlies na ang nag-iisang lider sa standing ngayon sa NBA. number 1 sila sa west kabuntot ang Thunder at Spurs na parehong may magagandang season ngayon. kung mga nakakarang season ay kamuntik muntikan na ang memphis makasulot papuntang finals, mukhang ngayon ay malaki ang chance nila na makatungtong ng finals dahil sa ganda ng laro nila ngayon. pagnagkataon sila ang magiging Cinderella team ng NBA.
Kamusta naman ang tinaguriang Super team ng 2012 season na LA Lakers?..nganga pa din?

Holy Tweet
nasa twitter na ang Santo Papa ng Romano Katolikong si Benedict XVI. iba na talaga ngayon hindi lang karma ang digital pati bleesing.
Add nyo kong trip nyo para maka recieve ng digital Sermon @Pontifex

Grabe!!!
daming naperwisyo ng Bagyong pablo ayun sa ABS-CBN , 200 plus na ang nasawi at mahigit 80,000 ang nadisplace ng ng nasabing bagyo. nakakalungkot kasi magpapasko pa naman at doon pa tayo hinagipit ng bagyong ito. ipagdasal na lamang natin sila nawa'y maging ok na ang lahat.

Last Song Syndrome
walang akong naiintindihan sa pinagsasasabi sa kantang ito pero na LSS na ako at unti unti ko na siyang nagugustuhan. unti pa ilalagay ko na sa Ipod ko to.


Enhanced by Zemanta

Comments

Post a Comment