Inside My Head # 17:Pinoy at ang Hoops
Basketball, isa sa pinakapopular na laro dito sa pilipinas. Lahat
yata eh naka experience na timindig sa gitna ng court habang tirik ang araw at
sinusubukang papasukin ang bola sa ring. Matanda, bata, babae, lalaki,
tomboy,bading maging yung may kapansanan ay nasabukang tumira ng bola
papapuntang ring. Halos lahat ng pinoy ay may “courtside memory” na matatawag. Marami
sa atin ay dito nakilala ang ating mga crush, napaaway, napahiya, naging hero,
sumikat, yumaman at kung ano anu pang kwento. Basta pinoy merong kwento sa
buhay na maaring involve ang basketball.
Simula ng mabasa ko ang libro ni rafe bartolomew na “The
Pacific Ring” na realize ko kong gaano kalalim ang laro ng basketball sa buhay
ng tao dito sa pilipinas. Nakakatuwang isipin na sa mata ng isang dayuhan ay
makikita nya ang basketball ay hindi lamang parte ng ating kultura. Ito ay
maituturing ng normal o parte na ng ating araw araw na buhay.
Ang basketball ay maituturing kong “sex” namin noon. Bakit ko
naihambing ang basketball sa sex? Kasi tulad ng sex kailangan mong idaan muna
sa foreplay at ang foreplay namin eh ang pagkwentuhan ang mga moves na ginawa
ni Jordan o hill sa nakaraang laban. With matching demonstration pa yun kong
papano ginawa. Dahil dyan maa ”arouse” kami at mananabik na makapaglaro. Hindi na
kami makapag antay na magawa sa actual na laban ang mga moves na yun at dahil
dyan tutuksuhin naming ang isat isa sa isang match whether its 2 on 2 or whole
court hindi mahalaga basta maglalaro. Papagurin namin ang aming mga sarili, pag
iigihan ang depensa at gagalingan ang shooting upang marating ang rurok o
climax at yun ay walang iba kundi ang manalo. Feeling na namin nun ay kami ang
MVP pag naipanalo namin ang aming team. Nakakatuwa ang paghahambing pero me
katutuhanan ito pagkat bago pa man sakupin ng makamundong pagnanasa ang utak ng
isang batang lalaki ay thoughts of basketball muna ang umuukopa nito.
Dahil sa pagka adik nating mga pinoy sa basketball ay para
itong nakakabit sa ating mga DNA na hindi man natin ipilit sa ating mga anak o
sarili ay kusa nilang natututunan at nagugustuhan. Isang manifesto ng pag ibig
ng pinoy sa larong ito at ang pagkakaroon ng basketball ring sa halos lahat ng
sulok ng pilipinas. Animoy parang
dambana ito ng mga kalalakihan kung saan ay halos tuwing umaga o hapon ay puno
ng gustong maglaro. Tiyak akong marami sa ating mga lalaki ang nangarap noong
kabataan natin na makapaglaro sa la salle at sa kalaunan ay maging PBA player. Ang
iba ang target NBA. Sure akong marami sa inyo ang nag ka GF ng dahil sa
paglalaro sa isang liga sa barangay nyo. At malamang ang iba ay nagkatuluyan pa
ng dahil sa basketball. Marami sa atin panigurado ang nakatutok sa NBA tuwing
finals. nasa school ka man o nasa opisina tiyak akong nagtatanungan kayo ng
kung ano na ang score. Lahat halos yata
ng pamilya dito sa pilipinas ay tumaya ng ending at nanood ng sama sama ng basketball
dahil dito at marami narin ang sumikat dahil sa sport na ito. Ang iba ay naging
local hero, naging sikat sa probinsya nila, ang iba ay naging propesyonal at
ang iba naman ay naging artista o pulitiko dahil sa paglalaro nito.
Hindi maitatanggi na parte na ng pagiging pinoy ang
basketball. Sabi nga ng author ng the pacific rim dahil sa kasikatan ng
basketball sa pilipinas ay maging ang mga local o international na business ay
ginagamit na panghalina o inilalakip sa kanilang mga commercial ang laro kahit
walang kinalaman. Ganun kalakas ang impact ng basketball na kahit ang business
dito sa pilipnas ay naaapektuhan nito. Isa nalamang magandang example nito ay
ang walang iwanan ad ni kobe Bryant para sa Lenovo. Wala itong kinalaman sa
quality o produkto pero upang makuha ang ating atensyon ay inendorso ito ni
kobe na sikat dito sa pilipinas.maging sa pulitika ay may impluwensya din ang
larong ito. Mananalo ba sina Jaworski, Guiao, Dodot etc. sa kanilang tinakbuhan
nilang posisyon kung hindi sila naglaro at nakilala sa basketball? Malamang hindi,
isang magandang explanation dito ay dahil popular ang basketball at sila ay mga
popular na tao sa mundo nito. Naging madali sa tao namaalala sila at ventually
iboto upang mahalal.
Ang basketball ay hindi lamang institusyon para sa ating mga
pinoy kundi ito ay parang importanteng parte na ng katawan natin. Mamamatay ang ating pagkakakilanlan kung ito
ay mawawala. Good man o bad ang mga kwento natin tungkol sa larong ito o
naimpluwensyahan man tayo nito sa tama o mali. Isa lang ang sigurado bawat
pinoy ay may kwentong court side. Lahat tayo one way or the other ay naging
parte ng mga kwento sa loob man o labas ng court o marahil naging parte ng
kwento ng buhay natin ang larong basketball.
Comments
Post a Comment