Halo-Halo #15: Retirement, NBA, Reunion at iba pa


My thoughts and opinion on the latest news, trending topics or just everything under the sun


 Retirement, NBA, Reunion at iba pa


Rivermaya’s Reunion
Ayun kay Rico Blanco dating gitarista at vocalist ng bandang rivermaya na may posibilidad ang isang reunion concert ng original na member ng bandang Rivermaya. Ito ay base sa interview niya sa Myx kahapon.
Isa ang rivermaya sa masasabing 90’s band na nagpasikat sa mga kantang Kisapmata, Nerbiyoso, possible, youll be safe here, elise at marami pang iba. Ang orihinal na member nito ay kinabibilangan ni Bamboo manalac, Rico blanco, Nathan Azarcon at ni Mark escueta.
 
Noong late 90’s ay umalis sa banda si Bamboo at pumalit sa kanya si Rico bilang lead vocal. Noong namang early 2000 ay nareinvent nila ang banda at nagdagdag ng mga bagong miyembro.

Sa tulad kung mahilig sa banda ay nakaka excite na balita ito. Matagal narin mula ng magkasama sama sa isang concert ang banda at tumugtug ng magkakasama. Pero ayun kay Rico Blanco. Malayo pang mangyari ito dahil sa busy ang mga miyembro nito sa kani kanilang mga solo gig. Sigurado magiging maganda ito kaya aabangan ko ito.

Pasukan na!
Simula na ng pasukan kanina at sigurado ako marami ang dismayado dahil tapos na ang bakasyon. Naalala ko tuloy noong nag aaral pa ako na sa tuwing magtatapos na ang bakasyon at pasukan na ay nagkakaroon ako ng parang mix emotion. 
Malungkot ako kasi hindi ka na Malaya at balik eskuwela ka na. pero masaya kasi makakasama mo uli ang mga klasmeyt mo at makakapag trip na uli kayo.

Naruto shippuden
Nangilid ang luha ko sa last episode ng Naruto Shippuden. Usually ay hindi ako nanonood ng filler episode ng naruto pero nacurios ako at pinanood ko ang episode 313-315 ng anime na ito.

Ang filler na ito ay tungkol sa isang batang nagngangalang Yota nanakilala ng mga batang konoha noong sila ay nasa academy pa. una itong naging kaibigan nina Ino, Shikamaru, Choji at sakura. Kalaunan ay naging tropa din niya si Naruto at Kiba. Si yota ay galing sa isang Clan na nagtratravel upang mag benta ng weather Dahil ito sa kakayahan ni yotang magpaulan, magpayibe, o gumawa ng kidlat. Ngunit ipinanganak siyang sakitin at kalauanan ay namatay sa murang edad. Nalaman ito ng ni Orichimaru at kabuto kaya binuhay nila si yota upang maging spy sa bayan ng konoha at upang praktisibn narin ang jutsu nilang edo tensei. Dito na niya nakilala ang mga batang konoha.

Nakakalungkot ang istorya dahil sa mga litanya ni yota na sa kamatayan nya lang daw naramdaman ang tunay na kaligayahan ito ay ng makilala nya sina Naruto.


Grant Hill nagretiro na
 
matapos ang halos dalawang dekadang paglalaro ay inannunsyo ni grant hill , itinuturing na isa sa pinakamagaling na manlalaro noong 90's ang kanyang pagreretiro.

sa mga hindi nakakakilala kay grant hill ay isa siyang sikat na basketball player ng Detroit Piston. binansagan din siya noon na "the Next Jordan" dahil sa galing nito. popular siya noong at nafeature pa nga siya sa isang freebies ng sprite noon na "free grant Hill life-size poster". nanalo rin siya noon ng Rookie of the year award na pinaghatian nila ng player na si Jason Kidd.
ngunit ng magsimula ang year 2000 ay tila minalas na itong si idol. ang kanyang mala-hall of fame career ay nabalot ng injury. dahilan upang bumaba ang kanyang role sa team at eventually maging isa nalamang back-up. ngunit kahit humina sa opensa itong si hill ay nagawa niyang ireinvent ang kanyang sarili at naging isa sa pinaka-magaling sa depensa noong naglaro siya sa phoenix suns.
dahil sa angking galing, pagiging "classy" at pag kakaroon ng kakaibang pagmamahal sa larong basketball ay puro pagpuri at pag galang sa naging kontribusyon ni HIll sa basketball ang mababasa mo at isa na ako sa samasaludo sa pagtatapos ng karera ng isa sa iniidolo kong player.

Charice is out
Umamin na kanina si charice na isa siyang Tomboy. So what? Kung hindi ka naman nya inanano eh wag mo na lang pakialamanan. Kanya kanyang trip lang yan.

Vice ganda,Vice ganda at Vice ganda!

Ilang lingo ng usap-usapan sa TV,Dyaryo at maging sa Net si vice ganda. Mula sa isyu nila ni Senator-Elect Nancy Binay. Biro nya sa timbang ni Jessica Soho at maging ang “Rape” isyu naging laman siya ng media. Nakakasawa na di ba? Ano bang paki nating mga pangkaraniwang tao sa away nila ni Soho? Bakit hindi ba totoo namataba si Soho? O sadyang balat sibuyas lng talaga tayong mga Pilipino na kapag na abot na natin ang isang antas sa lipunan ay hindi na tayo pwedeng biruin?
Ang tunay na isyu dito ay ang  sinasabing ginawang katatawanan ang isyu ng rape. Totoo mang nagbiro siya o hindi dapat tayong maging sensitibo sa bagay na ito.maging aral sa atin na ang isyu ng rape ay hindi katatawanan. Hindi biro ang truma hindi lamang sa biktima maging sa mga pamilya nila. Tama si Monique Wilson dapat ipaintindi sa ating lahat ang kalagayan ng isang biktima ng rape. Upang hindi na gawing katatawanan sa susunod ang sensitibong paksa na ito.


Comments