Inside My Head # 19: San Antonio Spurs
Featured Article about everything that might stimulate my brain into typing something |
San Antonio Spurs
Hindi ko ikakailang San Antonio Fan ako.mula ng idraft
nila si Tim Duncan at itambal siya kay David Robinson ay humanga na ako sa team
na ito. Isa ang spurs sa dalawang team na gusto ko. Ang isa ay ang Chicago
Bulls. Pero ngayon ang paguusapan natin ay ang Spurs.
Dominante
Ang Spurs ay maituturing na isa sa mga dominanteng team
sa NBA sa nagdaang dekada. Alam nyo bang hindi pa natatalo sa NBA finals ang
spurs simula noong debut nila sa grand stage na ito noong 1999 ng talunin nila
ang NY knicks. Bukod sa limang Conference Champion trophy at 19 division
champion (ibig sabihin 19 times silang number one sa division nila) ay 4x NBA
world champion din sila at nagbabantang madagdagan pa ito ngayon.
Team of the decade?
Bagamat marami ang nagkokonsidera sa LA lakers bilang
“team of the decade” dahil sa pagkakaroon nila ng 5 championship ring sa loob
ng dekadang ito. Machachallenge na ang claim na ito ngayon kung sakaling
magchachampion ang Spurs.
Duncan vs. Bryant
Alam kung hindi dapat ikumpara dahil sa magkaibang istilo
ang dalawa pero kung tatanungin kung sinong player ang naging mas dominante ng
dekadang ito dalawang pangalan lamang ang nangingibabaw..duncan at kobe.
Sa padamihan ng title eh lamang na si Kobe na 5x champion
samantalang 4x naman si Duncan. Pero kung tatanungin kong sino ang mas naging
dominante sa pagkuha ng mga titulong ito ay lamang si Duncan, Bakit? Kasi sa
apat na championship nila siya ang factor o key sa panalo nila samantalang sa
unang tatlong championship ng Lakers ay si Shaq ang factor at supporting lang
si Kobe.
Kung points naman paguusapan panalo na si Kobe at malayo
ang agwat nila ni Duncan. Pero sa depensa maasahan si Duncan at lamang sya sa
departamentong ito kaysa kay kobe. Mas marami ding MVP award si Duncan na
mayroong 2 laban sa isa ni kobe.
Para sa akin mas malaki ang naging impact ni Duncan hindi
lamang sa Kanyang team maging sa buong liga.
Big Three
Ito na ata ang isa sa pinaka Under rated na big three sa
NBA. Pero ang trio na to ang nagbigay ng 3 titulo sa Spurs. Simple, tahimik
pero napapatunayan at dahil hindi injured ang kanilang Big three at malaki ang
naitutulong ng kanilang bench at supporting player malaki ang tyansa nilang mag
champion ngayong taon.
Sa opinion ko ay mahihirapan ang spurs dito at malamang
na ang heat ang magbigay sa kanila ng una nilang talo sa Finals. Ang mga factor
na maaring maka apekto ay una:
- Well rested ang Spurs samantalang pagod ang heat galing sa isang madramang serye
- Match ang lalim ng bench ng heat at spurs. Kaya lamang ay may tendency ang heat na maging James dependent
- Injury at suspension- prone sa injury ang spurs na maging dahilan ng kanilang pagkatalo at masyadong mainit ang heat na malamang maka apekto sa kanila ang technical at suspension.
- ang prediction ko dito ay aabot ito ng game six o seven pabor sa Spurs
Marami pang factor pero isa lang masasabi ko maganda ang
match up na ito at puno ito ng sorpresa. Mahirap hulaan kasi parehong may
ibubuga ang dalawa.
isa lang ang
masasabi ko..GO SPURS!..GO FOR FIVE!
I certainly agree to some points that you have discussed on this post. I appreciate that you have shared some reliable tips on this review.
ReplyDelete