Inside my Head #5: Elementary Days: Mga bagay na makikita mo o mabibili tuwing uwian
Elementary days isa sa mga pinakamasayang panahon ng isang batang pinoy. at isa sa pinakaaabangan mo bukod sa recess ay ang uwian. bakit kanyo? eto kasi ang time kung saan pwede mo ng ubusin ang pinagka ipit ipit mong baon at ibili ng mga bagay na naispatan mo nung nakapila ka palang sa labas ng gate at nag hihintay ng pasukan. marahil isa sa pinaka importanteng bagay na naituro sa akin noong ako ay elementary student ay ang pagiging matipid kasi pag hindi ka nagtipid wala kang pang bili pag uwian..hehehehe
eto ang mga bagay na sure naispatan mo rin noong elemetary ka
pitik-pitikin, silipin sa araw at baka bumamakat ang numero na pwede mong tayaan at minsan meron pang kumi-kiss sa piso para swertehin yan ang mga ritwal kapag tumataya sa bunutan ang mga bata. pag naka tyamba ka pwede kang manalo ng either sisiw,itik o pugo w/ matches at wag k me kulay pa ang mga yun
Ice Candy
Walang tatalo sa dalawang klasik Ice candy flavor and Mango at Buko at kadalasang dahilan kung bakit malagkit ang kamay mo pag uwi mo ng bahay
Ice Cramble
Klasik chicha ng mga kabataan. napapansin ko nagiging mainstream uli sya ngayon pero iba pa rin yung original na Ice Cramble
Sago't Gulaman
Pamatid uhaw ng batang pilipino at kung minsan armas sa panunumpit
Laruan
Sipa, holen, tau-tauhang goma o plastik, Gomang Jelly(transparent), Sarangola, trumpo at kung ano man ang uso nang panahon na iyon tiyak na hindi makakalampas at bibilhin ko iyon
Teks
Ghost fighter, Dragon ball, Zenki, BT'x o sailor moon kung anung usong anime o cartoons meron kang makikitang nagbebenta nito sa tapat ng school
Yakkee at Pintura
aminin kahit cheap imitation sya ng mga imported gums ay napangiwe ka sa Asim ng yakee at napahagalpak ka ng tawa ng i-prank mo ang klasmeyt mo na kumain ng pintoora gum at magkulay asul ang bibig nya kaya isa to sa mga fave kong bilihin sa labas ng school.
Super trumps
isa sa mga pansining item sa store at for sure kaya ka napabili nito ay nacurious ka kung paano to laruin
J-Foods
labeled by the mothers as "pagkaing walang kasusta-sustansya". eto ay ang Haw-Haw na ginagawa namin parang ostya, Marie biscuit(parang ostya din), White Rabbit, Pritos Ring, Candy na hugis tyupon, sing-sing o parang yosi, Stay fresh gamit ng mga nakalimot mag -sipilyo, Smarties,ice gem biscuit, pop rice(all time fave..yum yum), Pritzel at kung anu anu pa.
hi! may for sale ka bang mga teks ni zenki, BTX at street fighter? interested akong bilhin, here's my number 09065437389 or 7422798, salamat
ReplyDelete