RetroGeekadroid # 1: Retro Games
My take on classic games, toys,anime, movie,cartoons, TV show or anything under the geekdom universe |
Sembreak Finisher!
maganda rin ang character development at ito na ata ang FF series na may pinakamaraming Playable character (bukod sa FF XI). maganda rin ang music ng laro na ginawa ng Legendary game music composer na si Nobuo Uemetsu.
isa ito sa kinokonsiderang pinakamagandang RPG sa kasaysayan ng gaming at kung masesearch ninyo ay matataas ang ibinigay na review ng ibat-iang gaming site at magazine para sa larong ito.
kaya kung mahilig ka sa RPG, Fan ka ng FF series at trip mong may malaro ito ang isa sa mai-rerecommend kung laro.
another classic mula sa GBA. to be honest hindi ko nalaro ang original na Zelda sa Famicom at SNES. at ito ang unang beses na makakapaglaro ako ng isang Zelda game.
nakakaaliw ang laro na ito na kung saan ay kokontrolin mo ang bidang si "Link" upang iligtas ang prinsesang si Zelda sa kamay ng evil wizard na si Vaati.
nakakaaliw din mangolekta ng Kinstone na maari mong i-fuse sa mga NPC o non-playable character sa laro. pag nai-fuse mo ito ay maaring magbukas ng bagong mission o unlock na kuwarto.
nakakaaliw din ang pangungulekta ng Figurine ng mga character sa larong ito.
kaya kong trip mo ang magrelax at maglaro pero ayaw mo ng masyadong complicated Legend of Zelda Minish Cap ang swak na laro para sayo.
Castlevania: Symphony of the Night (PS1)
brilliant game mula sa Konami at isa sa mga sikat na laro noon sa PS 1. hindi ko gusto ang mga naunang castlevania dahil napaka simple at tipikal na 2D platform game lang ang mga ito. pero iba ang Castlevania: SOTN dahil pinaghalong 2d platform game ito na may element ng pagiging Action-RPG.naging mas exciting laruin at naging mas interesting ito dahil sa mas malawak na mundo ang ginagalawan ng character kumpara sa limitado at level by level na gameplay nang mga na unang Castlevania games.
bagamat nananatili 2D side scrooling siya tulad ng ibang Castlevania game na mas nauna dito. ang Elemento ng RPG tulad ng Experience points, Level up at power up gamit ang malalakas na weapon ang nagbigay kulay sa larong ito.
at kung tapos mo na ang laro may mga surpresa pa kung saan maari mo itong ulitin o kaya ay laruin gamit Simon Belmont.
maganda rin ang music nito at sakto sa errie feeling ng isang haunted ng kastilyo. isa sa mga favorite kung Game OST ang "I am The Wind" na maririnig ninyo pag natapos ang laro.
Swak ang Castlevania sa mga naghahanap ng classic games na malalaro. bukod sa replayability ng laro tiyak na mahohook at maaaliw kayo sa paglalaro.
Comments
Post a Comment