Halo-Halo #12: Dumb ways to die
My thoughts and opinion on the latest news, trending topics or just everything under the sun |
Dumb ways to die
30,000th
nakamit ni Kobe Bryant ang parangal para sa mga natatanging Player na nakapuntos ng 30,000 sa kanilang career. ika-limang player si Kobe sa history ng NBA na nakamit ang karangalang ito. makakasama niya dito sina Karl Malone, Michael Jordan, Wilt Chamberlain, at Kareem Abdul-Jabbar. Congrats!!!!!
Filmfest
dahil magpapasko na ay season din ito ng MMFF 2012 kung saan showcase ang mga pelikulang pilipino sa loob ng ilang linggo. ilan sa mga kasali ay itong mga to.
Hindi na "Regal Film festival" o "Mother Lily Film Festival" ang MMFF ngayon dahil isa nalang ang entry nila ngayon. ang MMFF ngayon ay tatawagin na ring The Lopez Group of Companies Film Festival.
Treasure Restored
kamakailan lamang ay ipinalabas ang Restored Copy ng isa sa maituturing na Filipino Classic movie ang Oro, Plata , Mata. nauna ng binigyan ng restoration treatment ang ibang pang pinoy classic flick tulad ng Himala, Madrasta, tanging yaman at iba pa. dahil ito sa effort ng ABSCBN film archieve at ng Central digital Lab inc.
magandang ideya ito at sana ay mairestored ang marami pang classic pinoy film para sa mga susunod na generation.
Cute
ang cute nitong video at kantang nakita ko sa Youtube ang title "Dumb ways to die" isang public service commercial na kwela. panoorin nyo na lang at mag enjoy din.
Comments
Post a Comment