Inside My Head # 15: Oh Pablo!!!
Featured Article about everything that might stimulate my brain into typing something |
Oh Pablo!!!
Grabe pala ang naging pinsala nitong kumag na bagyong pablo. ayun sa ABS-CBN may 81,000 na pamilya na ang nadisplace ng bagyo at may naitala na itong 238 causalties. idagdag mo pa dito ang mahigit kumulang 200 na nawawala. patuloy pa ang gobyerno sa pagtulong sa mga nasalanta at paghahanap ng mga nawawala.
ang hindi ko lang naintindihan ay kung bakit ba sa tuwing magkakabagyo na lamang ay ganito pa rin karami ang nasasawi. lagi namang may bagyo sa bansa natin at hindi lang minsanan tayo hagupitin ng bagyo madalas nga ay lagpas sampu ang dumadaang bagyo sa atin at madalas 3 dito ay malalakas na uri ng bagyo. pero kahit na lagi tayong binabagyo ay para bang wala tayong natututunan sa nakaraan. ganun pa din marami pa rin ang mamamatay sa paghagupit ng bagyo. marami pa din ang mamomoblema at mawawalan ng bahay. marami pa din ang magsisiksikan sa mga evacuation center.
para bang meron tayong sakit na dementia. matapos ang lahat ay parang wala lang nangyari ika nga sa salitang pabiro eh "parang dinaanan ng bagyo" ang mga alaala natin at limot na natin agad ang mga ito. kamakailan lamang ay may malalakas na bagyo at unos ang tumambad sa atin isa na dito si Habagat na kahit hindi bagyo ay pinahirapan naman tayo.
kamakailan lamang ay tinanghal na isa sa pinaka Emosyonal na mga tao ang filipino. sa tingin ko isa ito sa problema natin masyado tayong emosyonal, sentimental o mahilig kumapit sa nakaraan. pero hindi naman tayo natuto sa mga aral ng nakaraan. lahat tayo failed sa leksyon ng buhay lalo na ng nakaraan.
ilang beses na ring napulaan ang bansa natin dahil sa mga pagkukulang ng gobyerno natin sa paghahanda at paglutas sa problemang ito. pero parang mga isyu lamang sa balita ang mga bagyo ng nakaraan at mga pinsala nito ay parang "Yesterday" news lang para sa ating mga mahal na Lingkod bayan.
pero for sure marami pa ring magdidis-agree sa akin. ang taong bayan isisisi sa gobyerno o sinumang herodes na pwedeng nilang ituro. ang gobyerno naman ay isisisi sa tao at kakulangan ng pondo. tapos mapupunta sa isyu ng kurapsyon at pagbumaba na ang mga baha at tuyo na ang semento't lupa ay mawawala na ring parang bula ang balitang ito. naka Move on na agad tayo at ang paghahanap ng solusyon sa problema ay matatabunan na ng mga balita tungkol kay kris aquino o bagong ka-date ni Pnoy.
kaya ang tanong ay nakanino kaya ang problema sa taong bayan o gobyerno? nagagawa ba ng PAGASA ng tama ang kanilang trabaho o walang lang tayong pakialam sa mga paalala nila. nagkukulang ba ang gobyerno sa paglutas ng problemang ito o pare-pareho lang tayong naghihintay kong sino ang kikilos?
Comments
Post a Comment